❤Chapter 19❤

4K 114 1
                                    

Trixie's POV:

Andito ako ngayon sa tapat ng bahay, nakita ko si aryanna na bitbit nya lahat ng gamit nya alam ko na sa korea sya pupunta kaya susundan ko sya.

Nasa loob na rin ng kotse ko ang mga gamit ko, sumilip na muna ako sa bahay at pinaandar ko na yung kotse ko.

Hindi ko alam na ganun pala kakati yung kaibigan namin tapos ngayon kakampihan pa nila cassandra at shanielle magsisisi rin ang dalawang yun sa pagkampi kay athena.

At higit sa lahat hindi ako makapaniwala na nagawa ni athena yun behind aryanna's back sila pa ni lester nun at di ko alam na itatake advantage yun ni athena, kinamumuhian ko sya at higit sa lahat wala akong kaibigan na makati, haliparot sya.

Nandito na ko sa airport, bumaba na ko at kinuha ko yung cellphone ko, dinaial ko yung number ni mang tony.

~Dialing Mang Tony's Number~

[Ohh ija bat ka napatawag?.] -mang tony.

"Mang tony pakikuha nalang po ng kotse ko dito sa naia terminal 3, paki uwi nalang po sa bahay. -ako.

[San ka naman pupunta ija?.] - mang tony.

"Pupunta po ako ng korea ako nalang po magsasabi kina mommy at daddy, basta po pakikuha nalang po ng kotse ko dito sa naia terminal 3 po at iuwi nyo nalang po sa bahay. -ako.

[Okay sige, mag-iingat ka ija.] - mang tony.

"Salamat po. -ako.

*Toot*Toot*

Kinuha ko na yung maleta ko at bag at umalis na.

Good bye philippines.

-----

Athena's POV:

Bukas na ko makakalabas dito sa ospital at ni isa wala pa kung balita kung nasan na si trixie at aryanna.

Biglang may pumasok, si cassandra.

"Wala na sa bahay sina trixie at aryanna wala na yung mga gamit nila dun. "Sabi nya.

Pinapunta ko kasi si cassandra sa bahay pinatingnan ko kung andun ba sila pero nabigo ako wala na sila dun.

Kusa nalang tumulo ang mga luha ko, sana mapatawad na ko nila aryanna at trixie.

~Kinabukasan~

6:02 a.m

Papalabas na kami ng room at akay akay ako ni cassandra at si shanielle naman ang may bitbit dun sa mga gamit ko.

After ng mga ilang lakad nakarating din kami dito sa kotse ni cassandra at pinasakay nya ako sa back seat inalalayan nila ako upang makaupo ng maayos.

Nang maka upo na ko sumakay na rin si cassandra sa driver seat at si shanielle sa shot gun seat.

Habang umaandar yung kotse di ko maiwasan na di maluha, san kaya nagpunta ang dalawa kung best friend este ex best friend.

Pinunasan ko kagad yung mga luhang tumutulo sa aking mga mata, naalala ko yung mga masasayang ala-ala naming lima simula nung nabuo yung gang namin, siguro nga hanggang dito nalang ang pagkakaibigan namin, siguro may mga nakalaan na kaibigan para samin.

Nang makarating na kami sa bahay madilim dito at wala dun ang kotse nina aryanna at trixie, siguro nga hindi na sila ulit babalik dito.

Inalalayan ako ni cassandra pababa at si shanielle naman ang nagbuhat ng mga gamit ko.

Binuksan ni shanielle yung gate at pumasok na kami.

Pagpasok namin sa loob ng bahay madilim ito at walang katao tao.

Binuksan ni shanielle yung mga ilaw at nung huli ko itong nakita ito pa rin ang ayos ngayon siguro nga hindi na umuwi dito sina aryanna at trixie, miss ko na yung dalawang yun.

Inalalayan ako ni cassandra na maka upo sa sofa, pagka upo ko dun biglang nagsalita si shanielle.

"Athena, papasok na kami bukas ni cassandra, okay ka lang ba na maiwan mag-isa dito?. "Tanong nya sakin.

Nag nod ako at nagsalita.

"Oo naman,unahin nyo na muna yung pag-aaral nyo nakakaistorbo na ko sainyo ehh. "Sabi ko.

"Wala yun, sino pa ba ang magututulungan diba tayo-tayo nalang. "Sabi nya.

Ngumiti nalang ako sakanya.

"Akyat na muna ako. "Sabi ni cassandra.

Nag nod ako sakanya.

"Ako rin. "Sabi ni shanielle.

Nag nod lang ako sakanilang dalawa, sana andito pa sina trixie at aryanna sana di sila aalis kung di ko sila niloko, di ako deserving na maging kaibigan nila.

Bigla nalang akong napaluha hindi ko kasi mapigilan almost 3 years kaming mag bebest friend tapos mauuwi lang sa ganito sana una palang hindi ko na niloko si aryanna para hindi na humantong sa ganito ang sitwasyon, kasalanan ko ang lahat ng ito.

--

~Kinabukasan~

6:27 a.m

Andito ako ngayon sa sofa nanonood ng t.v nagluluto kasi si cassandra at si shanielle naman nag aayos na ng sarili para maghanda para sa pagpasok.

"Athena, kain na tayo. "Sabi ni cassandra.

"Sige susunod na ko. "Sabi ko at pinatay na yung t.v

Naglakad ako gamit yung saklay ko at success ako na nakaratig sa dining area.

Inalalayan ako ni cassandra na maka upo at nilapag muna nya sa gilid yung saklay ko.

Pinagsandok nya ko ng kanin at pancit canton.

Nagdasal muna kami bago kumain.

Habang kumakain kami biglang nagsalita si shanielle.

"San na kaya nagpunta ang dalawang yun, hanggang ngayon wala pa tayong balita sakanila. "Sabi ni shanielle.

"Oo nga ehh, sana umuwi na sila dito at sana magka ayos ayos na tayong lahat. "Sabi ni cassandra.

Tipid na ngumiti lang ako sakanila, naiiyak na naman kasi ako ehh, alam ko naman na ako ang may kasalanan kung bakit sila naglayas ehh.

After naming kumain pumasok na sina cassandra at shanielle.

"Athena, dito ka lang ha papasok na kami, tumawag ka lang kung may mangyari man dito. "Sabi ni cassandra.

Nag nod lang ako sakanya.

"Ingat kayo. "Sabi ko at kumaway na.

Ako nalang ang mag-isa dito sa bahay, ang boring dito sana nga umuwi na si trixie at aryanna ehh miss na miss ko na talaga sila, handa akong pagbayaran ang mga kasalanang ginawa ko mapatawad lang nila ako, sana di pa huli ang lahat, sana may pag-asa pa ako na mapapatawad nila akong dalawa.

--------





A/N: Annyeong readers! Pasensya na dahil ngayon nalang ulit ako nakapag UD sorry din dahil short UD lang because ngayon nalang ang free time ni ms.author kaya nag UD ako ng konti.

And then sorry po sa lahat ng mga erros, typo, grammars etc., paki intindi nalang po dahil po nagmamadali po si ms.author at wala pong napasok sa utak ko haha.

And then maraming maraming salamat po sa tumangkilik ng story ko super nappreaciate ko po talaga yun i didn't expect na aabot sa 100+ readers but thank you pa rin sa mga nag basa, kinikilig, umiyak, bumoto etc., maraming maraming salamat po sainyo sana po i follow nyo po ako sa wattpad.

God bless to all readers!.

Labyaa all!.

-Kate (Padilla)

Sayrin Academy (Gangsters School) [COMPLETE]Where stories live. Discover now