Section 18

1.2K 21 0
                                    

P.S. Wala ko pa to naeedit

Ilang oras akong nagpaulan bago nagpasyang umuwi. I bet its already 10 pm  and above, sobrang dilim na rin ang ibang parte ng park. Tanging ilaw sa daan ang nagsisilbing ilaw para sa mga taong dumadaan. Medyo nagpatuyo muna ako bago uuwi sa bahay. I sighed

Tumayo ako habang hawak hawak ang tiyan ko. Hi my little baby! Sorry nagpaulan si mommy mo. Hindi na mauulit ito my little baby.

Magkakasakit ata ako nito, pinagsisihan ko ang pagpapaulan ko. Gusto ko lang naman mag isip ng mabuti, yung walang tao, yung tahimik at walang nag iistorbo sa akin. I deeply sighed for my thoughts. Last na talaga ito!

Nagsimula akong lumakad kahit hirap na hirap akong makakita. I've always been broke, always alone. Why I have been always feel that no one cares for me? That no one can dare to love me back? I've always been unwanted. Nagbuntong hininga ako. Konting tiis na lang at may makakasama na rin ako.

Ilang minuto akong naglakad bago dumating sa bahay namin. Wala nang nakaparadang maraming sasakyan, malinis na rin ito. I pressed the door bell at naghintay kung sino ang magbubukas.

I've waited more minutes before our security guards opened it. Nagulat ito sa akin

"Ma'am Raine! Bakit basang basa ka?" Alalang tanong niya sa akin. Pinapasok naman niya ako agad.

"Hala Ma'am Raine! Kanina pa mainit ang ulo ni Sir Rad. Hindi namin alam kung bakit." Napahinto naman ako sa paglalakad at lumingon sa kanya.

"Bakit raw Manong Bren?" Takang tanong ko sakanya. Hindi na rin maganda ang pakiramdam ko, parang inaapoy ako ng lagnat.

"Hindi po namin alam Ma'am! Basta Ma'am bigla niya pinaalis ang lahat ng bisita kanina." Napakunot noo ako doon. Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Tumango na lang ako at dumaan sa likod ng bahay kung saan ang kusina.

Gulat na gulat ang rumehistro sa mukha ni Manang nung pagpasok sa kusina habang tahimik silang naglilinis at naghuhugas ng mga pinggan at ano pang gamit.

"Juskomiyo Mam Rine! Bat basang basa ka! Juskong bata ka! Saan ka ba nanggaling!" Nagpatuloy ako sa refrigerator para uminom.

"Mam Rine! Saan ka ba nanggaling?!" Inilapag ko ang basong nagamit ko sa mahabang pakurbang high table kung saan silang lahat ay napatingin sa akin. Lumapit ako sa kanila at umupo sa high chair.

"Diyan lang po Manang." Mahinahon kong sagot. Alam kong nilalagnat na ako at medyo nahihilo na rin ako.

"Maam Raine! Masama sa pagbubuntis ang maulanan Maam! Lalo na kung sinasadyang magpaulan!" Sabi naman ni Marie sa akin. Kitang kita ko ang pag alala nila sa akin. Napayuko na lang sa nagawa ko. Oo at pinagsisihan ko naman yun.

Biglang tumahimik ang paligid at di ko alam kung bakit. Nakayuko pa rin ako dahil ramdam na ramdam ko ang pagkirot ng ulo ko.

Nang may biglang humablot sa braso ko kaya napatayo ako sa gulat. Napatingin ako sa humablot ng braso ko at doon ko nakita ang matatalim at nag aapoy niyang matang nakatingin sa akin.

"What the hell are you doing?!" gigil nitong tanong niya sa akin. Humigpit ang pagkakahawak niya sa braso.

"Ma-masakit Rad." Ngiwing pagsagot ko sakanya.

"Rad anak! Nasasaktan ang asawa mo! Bitawan mo siya!" Biglang sabi ni Manang.

"Oo nga naman Sir Rad. You should let her arms go. Nasasaktan po siya Sir." Magalang na may halong galit ni Sena kay Rad.

"Hindi kayo kasali dito kaya tumahimik kayo!" Nagbabagang apoy ang nakikita ko sa mata nito. Ano ba ang problema nito sa akin? Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak nito at hinila ako patungong hagdanan.

Chasing My Heartless Husband (Ongoing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon