Section 21

1.2K 17 0
                                    

P.S. My tamadism attacked me, so I haven't reviewed all the wrong grammars and punctuations herein the chapter. Also I am not good in english. RT

Agad akong napatayo at napatungo sa kusina. Hawak hawak ng isang kamay ko ang tiyan ko habang naglalakad dun. Agad kong nakita si Rad na nakatalikod sa akin habang nakayuko. Where's Brianne?

I sighed. Dahan dahan akong tumungo sa kusina. Naramdaman ko ang pag angat ng mukha nito sa akin. Parang kung anong nagwawalang paruparu ang naramdaman ko sa aking tiyan at ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Anong iluluto ko sayo?" Nakatalikod kong tanong sakanya. Matagal itong sumagot at nagbuntong hininga muna ito.

"Kahit ano." kaswal na sagot nito. Mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso at unti unting bumabalik ang kapirasong puso ko.

Isipin mo, nasasaktan ka Raine. Nandito na rin ang isang asawa nito kaya gawin mo ang lahat ng makakaya mo.

"Ofcourse babe. I'm 3 weeks pregnant." Tumingin muli ako sa kanila, kita ko ang pagkabigo sa mga mata ni Rad pero ngumiti pa rin ito sakanya.

"I'm happy babe. Di mo alam kung gaano ako kasaya na buntis ka. I love you." Napalitan ng saya ang pagmumukha nito at muli nitong hinalikan sa harapan ko. Great, just great. You lose again, Raine.

Napapikit ako sa sakit na lumalakbay sa buong sistema ko. Natatalo kana Raine, talong talo kana talaga. I bite my lower lip at yumuko ng bahagya. I hate my life!

"What happen?" Napaatras ako sa gulat. Di ko namalayan nakalapit na pala ito at parang nag alala ito sa akin. Mas lalo akong nagulat ng biglang pagdampi ng kamay nito sa noo ko. My heart is going to explode right now!

"You look pale. Are you okay?" He asked again. Napaiwas tingin ako. Ramdam na ramdam ko ang malakas ng pagtibok ng puso ko! Ayokong marinig niya ito! Hahawakan sana nito ang mukha ko nang napaatras ako.

"An-ano. Okay lang ba kung adobong manok lang?" Pag uutal ko. Agad akong lumakad patungo sa fridge. Rinig ko ang malalalim niyang hininga bago umupo ulit.

"Yeah." Kinuha ko agad ang balot na balot na manok mula doon at inilapag sa pakurbang mahabang table sa gitna kusina. Damang dama ko pa rin ang panititig  nito sa akin at iniobserbahan ang bawat pag galaw ko.

Kabado akong kumuha ng mga iba't ibang sangkap para sa Adobong manok na iluluto ko.

Muli kong inangat ang mukha ko para tingnan kung ano ang pinag-aabalahan nito, laking gulat ko pa rin dahil titig na titig pa rin sa akin. Agad akong napayuko sa hiya.

"Ano ba ang problema nito sa akin? At nakatingin pa rin sa akin?" Bulong ko sa sarili ko. Rinig kong tumikhim siya kaya tumingin ako sakanya ng may pagtataka.

Bigla itong sumimangot. I suddenly raised my eyebrow. Ano ba ang problema nito sa akin? Tinalikuran ko ito at pumaroon sa dulo ng mahabang mesa.

Sinimulan kong inilublob sa mainit na tubig ang manok dahil sa sobrang tigas nito. Kumuha na rin ako ng chopper para masimulan hiwain ang mga sangkap. Inuna ko ang sibuyas at bawang.

I heard his cursed. Napatingin naman ako sakanya, nakayuko ito at namumula ang buong mukha nito. Nakaramdam ako ng takot.

"Ba-bakit?" I asked while slicing the onion into small pieces. Hindi ko kayang tingnan siya ng matagalan.

"Bllsht." Bulong nito, di ko naman naintindihan. Hindi ako mapakali sa pinapakita niya sa akin. Binalewala ko na lang ito at itinuon na lang ang pansin ko iluluto ko maya-maya.

Chasing My Heartless Husband (Ongoing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon