Section 23

1.2K 15 0
                                    

P.S. WALANG EDIT!

Agad akong pumalit kahit ang bilis ng pagtibok ng puso. Ano ba ang iniisip nito? Pinaglalaruan niya ba ang damdamin ko?!

Lumabas ako ng kwarto pagkatapos pumalit at dumeritso sa kusina.

Agad ko siyang nakita na nakapangulambaba sa mesa tila'y naiinip. Inikot ikot niya sa ere ang kawawang tinidor at biglang itinapon sa malayo. Napaatras ako at may natapakan na nagbigay ingay sa kusina.

Agad lumipad ang mata nito sa kinaroroonan ko. Mas lalong bumilis ang pintig ng puso ko.

Bigla itong umayos sa pagkakaupo at sumimangot. I bit my lower lip. Sana ganito na lang palagi, yung kahit ganito ang pagtrato sa akin ay okay lang sa akin. Munting hiling ko bago lumapit sakanya.

"Ang tagal mo." Napatingin naman ako, laking pagpapasalamat ko kung sino ang naglinis sa mga basag na pinggan kanina.

"Bakit?" Tanong ko. Ngumuso ito, nangingilid na ang luha ko. He's my Rad! Gani-ganito siya dati sa akin kapag naglalambing o may gustong gawin o sabihin. Tinalikuran ko siya at patago kong pinunasan ang luha ko.

"Bakit ka tumalikod?" Inis na tanong nito. Bahagyang napangiti ako. He's still my Rad. Humarap ako sakanya

"Bakit?" Tanong ko ulit. Kita ko ang pagpula ng leeg nito. Nahihiya siya! Lumunok ito bago nagsalita.

"An-ano kasi," nahihiya niyang sabi habang nakasimangot sa akin. Cute! "Ano, na-nagugutom ako." Hiyang hiya sa pagbanggit nito. At unting unti namumula ang tenga nito.

My little baby, nabubuhayan si mommy mo. May konting pag asa na mahalin ako ng daddy mo. Naluluha kong bulong.

Tumungo ako sa kitchen sink at kumuha ng panibagong maliit na mangkok at pinggan. Kumuha na rin ako ng kutsara at tinidor pati baso. Inilapag ko iyon sa harap nito, Nagsandok ako ng kanin at kumuha ng adobong manok.

Tinitingnan lang nito ang bawat galaw ko, humawak ako sa tiyan ko at pumunta sa refrigerator para kunin ang isang pitsel na may laman malaming na tubig. Nagsisimulang uminit ang mukha ko sa pagtitig nito sa akin.

Dinala ko iyon at inis kong inilapag mismo sa harap nito kaya agad itong napatingin sa akin.

"Quit staring." Inis na angil ko sakanya at saka tinalikuran. Nakakainis! Nalilito ako sa kinikilos nito!

Kainis na lalaki! Hindi ko alam kung dapat ba ako maniwala kay Ate Rin Olivia sa sinabi nito sa akin isang araw o hindi. Hindi ko alam kung pinaglalaruan niya lang ba ako o ano, hindi ko mabasa ang iniisip nito!

Nagtataka pa rin ako kung bakit bigla siyang umamo at bigla siyang nagbago. Nung isang araw lang yun kasal namin at halos isumpa niya ako at ipagtabuyan, pero bakit nag-iba ang simoy ng hangin? Bakit parang bumabalik ang dating siya? Yung papaano siya kumilos sa harap ko, the way he treated me before? What happened to my heartless husband na dapat ay habulin pa ito para mapasaakin? Do I need to chase him? It's like he's giving his himself to love me back like before.

I sat at edge of our sofa and I tried to understand what's really goin' on. Hinagod ko ang aking noo at pilit inaalala kung ano ang nangyayari sa paligid ko.

I have always wondering why they were always asked me if I'd really know what's going on, may alam ba sila na hindi sinasabi sa akin? Na pilit nilang itinatago kaya idinadaan na lang ito sa kilos?! Tumataas na ata ang presyon ko!

Dumapo ang likod ng palad ko sa aking noo at pilit kalmahin ang aking sarili. I shouldn't stressed myself too much. Hindi na nga malaki ang tiyan ko para sabihin nilang buntis ako at limang buwan na ito. Istress ko pa ba ang sarili ko?

Chasing My Heartless Husband (Ongoing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon