Unti unti kong minumulat ang aking mata sabay sa pagsakit ng aking puso. Bakit ang sakit? Gigising lang ba ako para maramdaman ang sakit sa puso ko?
Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, parang may nagbago at nawala sa katawan ko. I tried to open my mouth but hell, I can't. What's wrong with me? What's the problem Raine! It hurts. It hurst so bad na para bang kinukuha nila ang lahat sa akin.
"Hello nga!!! I told you! Nakakapatay kana talaga ng tao Arch! Sabing nasa hospital ako e!! I told you so many times---- whaaat!!!! Shut up fck boy!!"
That voice. I know that voice.
Louise Kroeber. My bitchfriend!
Anong ginagawa nya dito? Ilang araw na ba ako dito? Bakit ganun? Bakit parang tinraydor ako ng mundo?
Sandaling nagring ulit ang kanyang phone.
"Oh ano?! Sinasabi ko na sayo e! Hindi maganda ang naidudulot ng Senna na yan! Tingnan mo anong nangyari--tnangina naman Arch! Shut up dude! You don't believe me! You better get lost or ikaw ang isusunod kong ipapatay!"
Ha? Tama ba ang narinig ko? Si Senna? Ang kagagawan ng lahat na ito kaya napunta ako dito? Pero bakit iba ang pakiramdam ko? Bakit parang iba ang nararamdaman ko? Nagtiwala ba ako masyado kay Senna kaya nagawa nya sa akin ito?
"Sa tingin mo ba maibabalik ang lahat?! Wow dude! What do you think? Ha?!---eh alam mo naman pala na galit na galit ako e! A baby dude! Buhay ito ng bata ang issue dito pero bullshit!!! It's always si Senna! Si Senna!"
Ano ba ang nangyayari sa paligid ko? Diba naman, humingi na ako sayo na papatulugin mo na ako ng mahimbing at hindi na magigising pa? Bakit buhay pa ako Lord? Pagod na ako. Pagod na pagod na ako sa buhay ko. Pagod na pagod na akong gigising at mauulit ang nangyayari sa buhay ko araw araw. Ito na ba ang gusto mo? Ang maramdaman ko ang lahat ng sakit at hirap sa buhay? Ano ba ang nagawa ko at sa akin napunta lahat ng sakit? Mahal ko lang naman ang asawa at baby ko. Yun lang naman ang tanging hinihiling ko po. Pero bakit ganun? Bakit baliktad?
"Oh god!! Kayawa mo jud Arch! Nag ingon jud me na ayaw pagsuko dira Arch!---- Whatever! Ang sabi ko hanapin mo yung Yellow at si Senna!!--Ilang beses ko na sayo ito sinabi na sila ang bumaril kay Raine! Pati ang bata nadamay sa pagiging uhaw sa pera!"
Mas lalong sumakit ang puso ko sa lahat ng naririnig ko kay Louise. Totoo ba? Pero sino itong nadamay? Bata? Nabaril? Napatay ba nila ang bata na iyon? I can't believe it! Kung nagawa man nila yun ay wala silang puso para mandamay at pumatay ng bata!!
"Pagod na ako makipag usap sayo. Heto piso, hanap ka kausap mo. Ulol!" then she hanged up.
"Basta uhaw sa pera, kayang pumatay ng bata." she added.
I closed my eyes and feel the pain. Ang sakit malaman na kahit anong gawin mo, hinahabol ka ng problema at sakit.
"Bakit binuhay pa ako." bulong ko sa sarili ko. Hindi ko alam kung ano ang purpose ng buhay ko at bakit nangyayari sakin ito. Makasalanan bang ikinasal ka sa taong mahal mo? Sa ama ng baby mo? Makasalanan ba? Gusto ko lang naman ng masayang buhay. Tahimik na buhay. Yung walang nangengealam na tao. Pero bakit baliktad? Bakit lahat ng kamalasan sa buhay napunta sa akin? Gising na gising ba ako nung umulan ng kamalasan?
I know it's a bless to have a baby. Pero bakit iba ang nangyayari sakin? Bakit puro kamalasan lahat ng natatanggap ko?
"Raine. Please wake up, ilang araw kanang tulog dyan! Maraming nangyari na!" Louise said. Muli kong minulat ang aking mata. Nanlalaki ang kanyang mata sa nakita nya.
BINABASA MO ANG
Chasing My Heartless Husband (Ongoing)
General FictionRead, comment for your opinion and feedbacks about my stories and follow me! :) Hello sa mga bagong nagbabasa sa story ko! Hope you'll love it! Please if you have time, let me know your opinion, suggestion, recommendation or feedback etc! Thank you...