Chapter 4 : the Queenbees.

545 24 20
                                    


7:30 am. 


Nakayukong pumasok si Aya sa St. Augustine University of the South. Pano naman kasi, hanggang ngayon, kahit halos isang linggo na ay hina-haunt pa rin siya ng thought na pagpipyestahan siya ng mga tao sa SAUS kung malalaman ng mga tao na tinawag niyang bakla ang precious “Dhian Lim” nila.


“Hyacinth...”

Biglang napatindig si Aya sa kanyang kinatatayuan nang marinig niya ang nakakatakot na boses ng babae na parang binubulong ang pangalan niya. Lumingon siya ng 180o pero wala naman siyang nakitang katabi niya. Sino kaya yun???


“Hyacinth….”

Napalundag na naman siya sa takot nung bigla na namang may bumulong. Umikot na naman siya ng 360 degrees pero wala pa rin siyang nakikitang tao kaya automatic na nagstanding ovation ang kanyang mga balahibo sa kamay. Tatakbo na sana siya ng may marinig siyang hagikgik mula sa kanan. Kung di siya nagkakamali, nanggagaling ang tawa na yun sa isang babaeng nagbabasa ng isang libro at nakaupo sa bench.

Ang di niya lang alam, si Kylah pala ang babaeng  yun. Muahaha~


Binaba ni Kylah ang libro na nakaharang sa mukha niya at pinatuloy ang pagtawa.

“Kristinah!” 


“Hahahaha! Come here nga! Alam mo, masyado kang praning.” Sabi ni Kylah habang kinakawayan si Aya para maupo sa tabi niya.

“Salamat sa’yo, ngayon napapraning na nga ako.” Sarkastikong sabi ni Aya nang makaupo na siya.

“Asuuuus~ So kumusta ang magboardmates kagabi? Nagpeace na ba kayo?” Tanong ni Kylah kay Aya habang binunggo niya ito ng mahina sa balikat.

“Pwede ba. Di nga ako nakatulog kagabi eh. Takot ko lang na sunugin niya ang kwarto ko ng pasekreto o kaya bigla akong sugurin ng mga alagad niya.” 

“OA mo! Mukha bang sanggano yung tao?” 

“Kung ako tatanungin mo, oo.”

“Pshh..” sabay tulak ni Kylah sa ulo ni Aya.

Sa di kalayuan naman ay may biglang sumigaw na bakla. 


“Ahhhhhhhhhhh! Andyan na ang QUEENBEES!!! MY IDOLS~!!!”


(Play: ♪ Miss Right Instrumentals ♪ ) 


Nagulat sina Kylah at Aya kaya napatigil sila sa paghaharutan. Sabay na napalingon sila sa kabilang dako kung saan may isang bading na nagsisisigaw at nagtatatalon mula pa sa gate ng school at patungong main building. Naloloka na ata.


Pagkarating naman niya sa may main building ay agad na nagsilabasang ang mga kalahi niya na excited na excited rin namang nag-umpukan sa may gilid. Mukhang ka-abang abang yata ang dadating. Kulang na lang kasi humawak sila ng mga banners, ribbons at flags para sabihing wini-welcome nila ang paparating na presidente. 


“Anyare, Besh?” tanong ni Aya.

“Mukhang dumating na kasi ang tatlong bruha ng SAUS. Este, the self-proclaimed QueenBees..” Sabi ni Kylah na nai-quote and quote pa ang word na Queenbees gamit ang daliri niya.“..Or let’s just say, mga Fashion Designing students na walang magawa sa buhay kundi maging vain at magseek ng attention.” Dagdag info. pa niya na pabulong na lamang niyang isinabi  kay Aya.


Tumango naman si Aya sa sinabi ni Kylah na para bang clueless na clueless sa mga pangyayari sa loob ng school nila. Agad naman itong napansin ng kanyang beshfriend kaya siya kinalabit nito.

Sweet SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon