Chapter 1 : Him and Her.

922 30 23
                                    

Meeting Him...  

.....


“Daehun-ah.  geogjeonghaji ma. Ihu, modeunge gwaenchanha jilgeoya. Arachi?”
(Daehun-ah, don’t worry. After this, everything will be fine. Understand?)


  “Araseo, umma.” 
(I understood, mom.)


“Nae adeuliya.”
(That’s my son.)

......


“Umma."
Bulong ni Dhian sa sarili.


Kinapa ni Dhian ang necklace niya na nakatago sa loob ng t-shirt niya at saka tinignan. Bigla na naman kasi siyang nagising mula sa isang panaginip.. sa isang panaginip na konektado sa kanyang nakaraan. 


“May sinabi ka, Dhian?” Tanong ni mommy Dianne nang mapansin niyang gising na pala ang kanyang unico ijo.


“Wala po, mom. Malapit na ba tayo?” Sagot naman sa kanya ni Dhian habang pilit na ikinubli sa isipan ang kanyang napanaginipan.


“Konting maneho na lang, Dhian ko.” Nakangiting pahayag naman ng kanyang mommy.

Dhian Ko. Yan ang tawag ni mommy Dianne sa anak niya. Napaka-possessive at sweet lang hindi ba? Kahit na, sa totoo lang, hindi naman talaga niya tunay na anak ito. Eh siyempre, ikaw ba naman magka-anak ng mukhang bida sa isang koreanovela, di ka kaya maging possessive at sweet?

Anyway, ipakikilala ko na muna ang isa sa mga bida sa storyang ‘to. Siya si Dhian Lim. 20 years old at isang senior Architectural Engineering student. Gwapo, matangkad, mabait, maginoo, mabango at may lahing Koreano pero pusong Filipino. Yan si Dhian ko. Ayy enebe, si Dhian Lim pala. :3

Anywaysss, kung napapansin niyo, nasa gitna sila ng kalsada ngayon. Eh siyempre, nagdadrive nga diba? 

Papunta kasi sila ngayon sa C. Tuason Boarding House, ang boarding house ng mga gwapo’t magaganda. Eching! Pasukan na kasi kaya babalik na si Dhian sa kanyang B.House which is 3-minutes-ride away lang sa St. Augustine University of the South. Kung di kasi siya magboboard eh isang oras siyang magbabyahe sa gitna ng city. At kung may traffic pa, just double the price! 2 hours siyang malalanta sa loob ng jeep. Kaya, minabuti na lang ni mommy Dianne na ipagkatiwala siya sa boarding house na pagmamay-ari ng asawa ng pinsan ng kapatid ng kaibigan niya. 


And that’s the history of Dhian living in a boarding house. Bow.

Ay oo nga pala. Dagdag ko lang ah. Eh di niyo natatanong, itong si Dhian, heartthrob to sa S.A.U.S (pronounced as ‘SAYUS’) or should I say St. Augustine University of the South.

Oo! Alam ko na iniisip niyo.

Heartthrob na naman?!


Pero, ito lang talaga masasabi ko! Hindi lang basta gwapo si Dhian. Sikat rin siya sa buong campus dahil sa pagiging magaling na soccer player niya. Kahit saang posisyon mo pa ilagay sa field, kayang kaya niyang laruin. Goal keeper? Forward? Midfielder? Defender? Referee? Taga-pulot ng bola? Water boy? Scorer? Name it! Lahat yan, magaling siya! Pwera biro.

Kaya nga siya nabansagang “the Golden Kicker” ng Architecture Football Club eh. 

Bukod pa dun, sikat din siya sa loob at labas ng campus dahil nababansagan siyang F4’s Yoon Ji Hoo of SAUS! Hindi ko nga lang ma-gets. Wala namang barkadang F4 si Dhian. Hindi rin naman blonde ang buhok niya at kahit maporma, down-to-earth pa din naman siya. Kung titignan mo nga siya, astang pinoy na pinoy talaga. Kaya ewan ko lang sa mga Taga-SAUS. Ang lakas lang ng trip!  Kapag Korean, F4 agad agad?

Sweet SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon