Chapter 35 : Bittersweet (I)

140 1 0
                                    


Lumalamig na ang kapeng inorder ni Dhian ngunit hindi pa rin niya ito nagagalaw. Wala sa sarili lang niya itong tinititigan. Sumasagi muli sa isipan niya ang usapang naganap sa pagitan nila Liam nung mga nakaraang araw.

Pagkatapos banggitin ni Liam ang totoong pangalan niya, napilitan siyang makipagkita rito uli ng patago.

Doon niya inalam kung sino si Liam at kung bakit alam niya ang lahat tungkol sa kanya.

"Ipinahanap ka sa'kin ng auntie mo, kapatid ng ina mo, para pabalikin sa Korea. Kailangan mo siyang tulungang makuha ang kompanya ng lolo mo bago pa tuluyan itong makuha ng step-brother mo." Walang emosyong pahayag ni Liam kay Dhian.

Napuno naman ng poot ang isipan ni Dhian sa narinig. Hindi siya makapaniwalang sa loob ng ilang taon ng pagkakawala niya, hahanapin pa siya ng kapatid ng ina niyang hindi man lang niya nakilala at para lang sa anong dahilan?  Para lang makuha ang kompanya ng wala siyang pakialam.

"Bakit pa? Akala ko ba wala siyang interes sa anak ng kapatid niya? Ni hindi nga niya kami tinulungan ni umma noong naghihirap kami. Tapos ngayon pinapahanap niya ako para ano?! Para sa isang kompanya?!" nanggagalaiting sagot ni Dhian.

Agad niyang tinalikuran si Liam at akmang aalis na sana ngunit muli siyang napako sa kinatatayuan nang marinig ang sunod na sinabi ni Liam.

"Sa tingin mo, ano ba ang dahilan kung bakit muntikan ka nang mamatay?" diretsong tanong ni Liam. Wala siyang narinig na sagot mula kay Dhian kaya ipinagpatuloy niya ang sasabihin. "Hindi lang ako ang naghahanap sa'yo kundi pati na rin ang step-brother mo. Gagawin niya ang lahat para masolo niya ang kompanya. Hindi siya titigil, kahit na makadamay pa siya ng iba."

Sweet SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon