Chapter 7 : Faked.

435 22 21
                                    

(Now Playing: ♪ It Might Be You ♪ )


Hi..         Na..        Li..        Kan…

                                                                               

     Niya…

                                                                                                                           

   Ako?..


Yun ang sumagi sa isip ni Aya sa mga oras na yun at kung pwede ko lang siyang sagutin. Sasabihin ko talaga sa kanya….


Yes, girl! Naka-jackpot ka!

Pero dahil alam naman nating lahat na ang nakahalikan ni Aya ay ang mortal niyang kaaway, malamang sa malamang nag-aalburoto na ang kanyang puso sa mga oras na iyon. At dahil nga dun, walang keme-kemeng ipinatikim ni Aya kay Dhian ang matamis na matamis niyang suntok at maalat-alat niyang sipa na naglanding sa pisngi, tiyan at “alam-mo-na-kung-saan” ni Dhian. Siyempre napa-Awww si Dhian. Ansaket kaya nun.

Dahil sa sinapit ng Korean hottie ng SAUS, di tuloy mapigilan ni Aya na mapatawa. Sa sobrang tuwa niya, napakapit pa siya sa tiyan niya at parang naluluha-luha pa nga. Ang di niya lang alam, readyng ready na sa kanyang likuran ang mga QueenBees para resbakan ang kanilang precious Dhian. Kaya ayun, in just one second lang, sinunggaban at pinagbabalatan na siya ng buhay ng tatlong tigre, I mean, mga bubuyog pala ng SAUS. Pati nga mga babaeng at mga ambisyosang bakla na nakiki-usyoso lang ay nakigulo na rin. 

At dahil nga dun, nauwi tuloy sa isang malaking kaguluhan ang paghalik lamang ni Dhian kay Aya.


Pero buti na lang hindi ganun ang nangyari.

Paalala: ang lahat ng nakasulat sa taas ay pawang kathang-isip lamang.

In a daze pa rin kasi si Aya hanggang ngayon. Parang lumipad yata sa kalawakan ang kaluluwa niya dahil ni pangalan niya, nakalimutan pa yata niya.

“Oh! Masaya ka na? Now, please excuse us.” Biglang nagsalita naman si Dhian sa gitna ng awkward na katahimikan kung kaya biglang nakabalik sa Earth si Aya. Hayyy, mabuti naman.

Naramdaman niya ring biglang mahigpit na hinatak ni Dhian ang kanyang kamay. Namalayan na lang niyang papalayo na sila sa mga taong nakapalibot sa kanila. Habang hila-hila siya ni Dhian, ang mga mata naman ng mga tao ay nakatutok sa kanya. Pakiramdam tuloy niya ay tinutugis siya ng mga nanlilisik na titig nila. Mabuti na lang mabilis maglakad si Dhian at sa ilang iglap lang nasa safe na silang lugar. Ngayon naman, pilit siyang pinapapasok ni Dhian sa isang lumang classroom.

Teka… Teka…

Ano to?! Second Round agad?!

“HOOOOOOOY!!! Ano bang sa tingin mong ginagawa mo?!”Pabulyaw na sabi ni Aya nang makawala siya sa pagkakahawak ni Dhian.


“Get inside.” Kalmadong utos naman ni Dhian sa kanya.


“Bakit ko naman gagawin yun?! Pinahiya mo na nga ako kanina tapos basta basta mo na lang ako uutusan? Anong akala mo sa sarili mo?!” Panggagalaiti niya.


“Get inside first.” Muling pag-uutos ni Dhian. Medyo tumaas ang boses niya pero kalmado pa rin kahit papano. 


“Pa’no kung ayaw ko?!” Paghahamon naman sa kanya ni Aya. Palaban kung palaban!

Sweet SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon