Chapter 16 : Just Trust.

289 14 5
                                    

"Aya.. Besh please gumising ka na.. Aya naman!"

Hagulgol ni Kylah sa tabi ng higaang kinalalagyan ni Aya. Ngawa ito ng ngawa kahit wala namang luhang pumapatak sa mata. Kanina pa kasi niya pinipilit gisingin si Aya pero kahit anong alog niya dito eh hindi pa rin ito nagkakamalay.

"Lykah,  huwag ka nga OA diyan! Natutulog lang siya. Makasigaw ka naman... Di pa siya patay!" Komento naman ni Jaypee na nakatayo lang sa likuran niya. Agad naman itong binigyan ng death glare ni Kylah at pinagpapalo siya gamit ang sling bag na nasa kanlungan lang niya.

"Anong OA?! Anong OA ha?! Because of that stupid deal, napahamak tuloy ang besh ko... You promised na hindi siya masasaktan. Now what?!" Bulalas niya pagkatapos niyang mapuno ng bugbog si Jaypee.  

"Eh pasensya na, Lykah, medyo nalate lang naman ng dating si Dhian eh."
Nakadepensang sagot ni Jaypee. Nakaangat ang mga braso na ginamit niyang pangharang sa pambubugbog ni Kylah. Mabuti na lang nahimasmasan si Kylah at bumalik na sa pagkakaupo kaya ibinaba na rin ni Jaypee ang mga kamay niya.....

....only to accept more sapak from Kylah. 

Kawawang pogi!

"And for the nth time, it's Ky-lah!" Panggagalaiti pa niya habang may pahabol na palo sa braso ni Jaypee.

"Arouch! Te-teka! Ba't ba sa'kin ka nagagalit?! Hindi naman ako ang pekeng boyfriend ng bestfriend mo ah!"

Napatigil sa paghahampas si Kylah dahil sa sinabing iyon ni Jaypee. Natahimik silang dalawa at napatingin sa isa pang taong kanina pa rin nakatambay sa loob ng kwarto.

Eh sino pa nga ba ang tinutukoy?

Obviously, si papa Dhian!

Narealize naman ni Jaypee na masyado siyang naging madaldal kaya napatakip na lamang siya sa kanyang bibig at binigyan ng peace sign ang kaibigan na binigyan naman siya ng death glare.

Hayyy.. Pakisave mo nga ang sarili mo Jayp at lumagay ka na lang sa tahimik.

"Alam ko.. Kasalanan ko."
Pag-amin ni Dhian na nakasandal lang sa may pintuan ng kwarto at naka-cross-arms pa.

Hindi naman na naka-imik si Kylah dahil hindi niya aakalaing aakuin ni Dhian ang nangyaring pambubully sa beshfriend niya kanina.

Nabasag lang ang katahimikan nang may matamlay na boses silang narinig.

"Besh?..."

Napalingon sila kay Aya. Gising na pala siya. Agad na inakay siya ni Kylah upang makaupo.

"Besh! Okay ka na ba?" Alalang tanong sa kanya ni Kylah. Napangiti naman si Aya nang makita ang pagkaaligaga ng beshfrien niya kaya napa-approve sign na lang siya.

"Super okay na, besh.. Ang baho kasi ng pintura eh."

"Haaaay thank you naman. Pag nakita ko talaga ang mga bubuyog na yun, ipapakain ko sila sa Peaaaachiiieeee ko!" Panggagalaiti ni Kylah na agad namang binara ng gwapong lalaking nasa likuran niya.

Sweet SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon