Chapter 24 : Unsure Feelings.

197 6 8
                                    

Isang galon ng hangin ang hinigop muna ni Aya bago niya ituloy ang binabalak niya. Hawak-hawak niya ngayon ang isang piraso ng papel habang nakatayo sa harapan ng locker ni Dhian. Kung ano ang isinulat niya sa papel na iyon, dalawang araw niyang pinag-isipan.

At ngayon, nagdesisyon na siyang ituloy ito.

Naisip niya ang ipinayo sa kanya ni Kylah. She needs to take the risk. Kung tatalikuran niya ang totoo niyang naramdaman, kung hindi niya ito sasabihin kay Dhian, para na ring hindi niya binigyan ng chance ang sarili niya.

Nagpakawala muna uli siya ng hangin bago tuluyang isiniksik ang nakatuping papel sa siwang ng locker ni Dhian at saka siya agad na umalis.

Go Aya!!

On the other hand, si Dhian naman kakarating lang with his teammates para makapagpalit for a practice game. Malapit na kasi ang Intrammurals kaya pinapaghandaan na ng Eengineering FC ang mga games lalo pa't almost every year sila ang nananalo. Of course, para sa'n pa't tinawag na golden kicker itong ating bida, di ba?

"Captain! Anong secret mo? Mas lumakas yata mga tira mo. Ang hirap i-block!" Puna ng goalkeeper ng team ni Dhian na sinang-ayunan naman ng iba.

"Paalala lang Captain ah. Sa katapusan pa magsisimula yung intrams. Baka maubusan ka na ng lakas niyan." pagbibiro pa nung isa kaya napasmirk tuloy si Dhian na agad rin namang nawala matapos makita niya ang isang folded paper sa loob ng locker niya.

Kahit 'di pa nababasa ni Dhian ang sulat, alam na niya kung kanino ito nanggaling. Eh siyempre biglang lumundag ang puso eh.

"Oh ayos ka lang, Captain?!" Tanong ng ka-team niya. Napansin ata ang batong expression ng kanilang Captain.

Dali-dali namang tinago ni Dhian ang sulat. "Sige, mauna na kayo. May titignan lang ako sa labas."

Pagkalabas naman niya ay muli niyang tinignan ang papel at tama nga ang puso niya, galing nga ito kay Aya.

Dahan-dahan niya itong binuksan at saka binasa ng tahimik. Kung ano man ang nakasulat doon, mukhang tumagos talaga sa puso ng ating Korean Hottie.

Napasandal sa pader si Dhian at madiin na napapikit. Hindi niya kasi alam kung ano ang magiging sagot niya sa sulat ni Aya. Nagtatalo ang puso't isip niya kung ano nga ba ang tamang gawin; ang sabi ng utak niya na kalimutan na lamang ang dalaga o ang makinig sa tibok ng puso niya na namimiss na si Aya.

Hayyyyy... Problemang Pag-ibig!

"Captain, una na kami sa field!" Nang papalabas na ang kateammates niya, agad niyang itinago sa bag niya ang papel at iniwan ito.

Kaso, hindi niya alam na may tatlong binoculars pala ang nakatutok sa kanya nang mga panahon na iyon.

"What's with that trash ba?!"

"Uhuh. At napa-walling pa talaga si papa Dhian!"

Magkasunod na sabi nina Chelsea at Chastice. Dahil dun, naningkit ang mga mata ng reyna nila.

"Well, it's for us to find out!" Ani Chesca habang nagcacatwalk papunta sa pinaglagyan ng bag ni Dhian. Sumunod naman sa kanyang likuran sina Chelsea at Chastice.

Sweet SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon