Chapter 27 : Little by little.

217 5 2
                                    

After the nakakalokang confession ni ate Kylah, four major unforgettable things happened that night.

Una, hinimatay ang momsie ni Kylah.

Pangalawa, kusang umalis sa stage si Francis para makipagpalitan ng puwesto sa kapatid niyang si Jaypee.

Pangatlo, ang pag-agaw ng mic ng lolo ni Kylah at biglang pag-anunsyo nito ng kanyang approval. May Himala!

At pang-apat, na pinaka-nakakawindang sa lahat, ang paghingi ni Kylah sa kamay ni Jaypee in marriage in front of all the people there.

Baliktad much? Pero, ASTIG!

And well, Jaypee did say YES!

Now, solved na ang dalawang ekstra. Pa'no naman ang dalawang bida?

Yan ang kasalukuyang hinahanapan ng solutions ng JayLah Couple. Kaya nga ngayon, nasa kwarto ni Aya si Kylah at si Jaypee naman ay nasa kwarto ni Dhian.

"Iniiwasan mo pa ba si Dhian?" biglang naitanong ni Kylah habang kasalukuyang kinukulot ang buhok ng Bestfriend niya.

Napatingin naman si Aya sa repleksyon ni Kylah mula sa salamin. "Ba't naman napunta sa kanya ang usapan?"

Itinaas naman ni Kylah ang kanyang balikat at nagmamaangmaangan.
"Tinatanong ko lang. Mukha kasing nagkakalapit na talaga kayo nung Christian eh."

Nahuli naman siya sa mata ni Aya kaya inamin na lang rin niya ang gusto niya talagang sabihin kanina pa. "Alam mo, Besh. Sa totoo lang eh mas kampante ako kay Dhian kesa sa batang yun."

"Bakit? Dahil ba cousin siya ni Chesca?" naitanong naman agad ni Aya. At dahil tumahimik ang kaibigan, napasinghap muna siya bago nagpatuloy. "Ilang beses mo nang pinapaalala sa'kin yan at ilang beses ko na ring sinasabi sa'yo ang sagot ko. Kebs."

Imbis na titigan ang kaibigan mula sa salamin ay nilingon niya ito kaya napatigil tuloy sa pag-aayos ng buhok niya si Kylah.

"Ano naman ngayon kung magpinsan man sila? Wala na rin naman kami ni Dhian ah. Ay, correction, di naman talaga naging kami. Di ba?" bahagya pa siyang napangiti habang sinasabi ito pero nababasa ng kaibigan ang tunay nitong nararamdaman.

"Tsaka mabait naman si Christian ah." dagdag pa nito.

Dahil sa narinig, napaupo na lang sa higaan si Kylah nang nakapamaywang.
"Porke mabait, sa kanya ka na?"

Napacross naman sa arms si Aya.
"Porke kasama palagi, sa kanya na agad? Di ba pwedeng nakikipagfriends lang talaga?"

Napatsk naman si Kylah sabay kumpas ng hintuturo nito sa mukha ng kaibigan. "Kung para sa'yo, friendzoned siya. Mukhang para sa batang yun hindi. Alam mo kung anong binibigay mo sa kanya, Besh? PAGASA without the G!"

Habang kasalukuyang nagloload sa brain ni Aya ang payo ng kaibigan, napatayo naman si Kylah at inayos ang malalaking kulot na ginawa niya sa buhok ni Aya.

"Besh, alam kong si Dhian pa rin eh. Kung palagi kang iiwas sa kanya, mas mahihirapan ka lang." Pinatingin niya sa salamin ang bestfriend saka pinisil ang pisngi at siningkit ang mata ng kaibigan. "Mas hahaggard ang face mo. Lalaki pa yang eye bags mo."

Kinuha naman ni Aya ang mga kamay ng kaibigan at saka napangisi.
"Oo na. Susubukan kong di umiwas tutal bestfriend pa rin naman siya ng boyfriend nang bestfriend ko. Pero, Besh, yung sa'min ni Dhian tanggap ko ng wala kaming happy ending tulad niyo. Kaya ikaw, tanggapin mo na rin."

Sweet SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon