Chapter 31 : Naekkoya (II)

115 2 0
                                    

After the kilig scene, naging busy na sa kakagawa ng house model sina Dhian at Aya. Palagi lang silang nakapwesto sa balkonahe ngunit di naman nawawala ang kilig moments.

Minsan inaasar ni Dhian si Aya, at ninanakawan ng...  

...pictures lang.

Kala niyo halik ha!

Di rin kasi pwede dahil minsan sumusulpot na parang kabute si Danica para tumulong at guluhin silang dalawa. Kaya, wala silang ibang choice kundi gawin na lamang ang proyekto at magkuwentuhan tungkol sa mga bagay-bagay.

Isa sa napagkuwentuhan nila ang tungkol sa kapatid ni Dhian. Buong akala kasi ni Aya na nag-iisang anak lang si Dhian. Tsaka, mukha kasing magkapareho ng mukha sina Dhian at Danica kahit na mas maputi ang babae at mas mukhang pinoy. Naisip ni Aya kung ampon rin ba si Danica.

"Hindi siya ampon. Anak talaga siya ni mommy." naisagot naman ni Dhian kay Aya habang nakatuon pa rin ang mata sa ginagawa niyang House Model. "4 years old siya nang mapunta ako dito."

Napatango naman si Aya habang pinagdidikit ang mga popsicle sticks ng kahoy para gawing furniture gamit ang glue gun. "Pero, Dhian, nasa'n ang papa niya? Nagtatrabaho ba siya abroad?"

Napailing naman si Dhian. "Hindi namin siya kilala. Kahit picture, walang maibigay si mommy. Nung magtanong si Danica, the only thing she assures is that her dad loves her. Kaya pagpasensyahan mo na siya kung masyado siyang clingy sa'kin. She always say I'm her brother pero alam kong tinuturing niya rin akong father figure."

Napatingin si Aya kay Dhian dahil hindi siya makapaniwala sa narinig. Naaawa siya para kay Danica dahil hindi man lang niya nakilala ang ama niya. Hindi tuloy niya namalayang nasa daliri na pala niya nakatutok ang bunganga ng glue gun. Nakaramdam agad siya ng init sa hintuturo kaya agad niyang nabitawan ang glue gun.

Agad namang tumakbo sa tabi niya si Dhian at hinipan ang napasong daliri ng girlfriend.

"Masakit pa ba?" alalang tanong ni Dhian. Napatango naman si Aya kaya biglang hinatak ni Dhian ang kamay nito pataasa sa kanyang tenga at pinahawak sa dalaga ang tenga niya. "Okay na?"

Naspeechless naman si Aya. Hindi dahil sa sakit kundi dahil sa pagbublush. Halos isang dangkal na lang ang layo ng mukha ni Dhian sa mukha niya kaya may sumasagi sa isipan niya na di dapat sumagi. Agad siyang napalunok habang nakatitig pa rin kay Dhian.

Nagtaka naman si Dhian sa pananahimik ni Aya. Pero nang mapansin niya ang paglunok ni Aya, dun niya napansin ang awkward position nila. Di rin nakakatulong na di na maalis sa paningin niya ang labi ni Aya. Halaaaaaaa.

Maghahalikan na ba sila?

"HAJIMAAAA!!!!"

(Stop it!)

Naulinigan nilang sigaw mula sa pintuan kaya agad silang lumayo sa isa't isa.

Padabog na lumabas sa pintuan si Danica at tinignan ang dalawa.

"Super bilin ni mommy na bawal ang skinship kapag nasa bahay! Don't ever forget that, oppa!" mahigpit na bilin ni Danica sa dalawa at saka nakipaglink-arms sa kuya niya. "Kumain na tayo, Oppa. I cooked the rice! Kaja!" (Let's go!)

Kinaladkad naman niya si Dhian papasok kaya wala tuloy magawa si Aya kundi sumunod na lang sa kanila.

Matapos naman ng dinner at ng konting pagtatrabaho sa house model, agad nang nagpaalaman sina Dhian at Aya. Though nasa same bahay, magkaiba kasi sila ng room. Condition #3 ni Chief De Seno.

Sweet SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon