Chapter 34 : Inevitable (II)

166 3 0
                                    

Isang platong punung-puno ng kanin ang inilapag ni Helena sa harap ng kanyang anak.

"Liam! Kumain ka pa ng marami ah." malambing na sabi niya pa sa anak na kakagising lang. Agad niyang nilagyan ng ulam ang plato nito at saka hinaplos pa ang likuran ng anak. "Niluto ko talaga ang paborito mong Menudo at Kare-kare para sa'yo."

"Salamat po, ma. Pero, napakarami naman ata nito para sa isang almusal?" sagot naman ni Liam nang mapilitang mapamulagat sa inihain ng kanyang ina. Sa amoy ng ulat at sa rami ng nakahanda, nabuhayan tuloy agad ang diwa niya. "Tsaka, Tatlo lang naman tayo ni Auntie Cecille ang kakain."

Sabay namang napangiti sina Cecille at Helena sa sinabi ng binatang matagal na nilang namimiss makasama.

Halos dalawang taon na kasi itong hindi nauuwi dahil sa naging trabaho nito sa Korea bilang isang Security Agent. Nung 18 pa lang ito, kinuha na ito ng isang organisasyong binubuo ng mga South Koreans para pag-aralin at i-train sa South Korea dahil sa galing nito noon sa Hand-to-hand combat kahit pa nasa Highschool pa lang. Matapos ng tatlong taon, nagkaroon na rin ito ng trabaho bilang Security Agent sa isang pribadong kompanya kung kaya't minsan lang rin ito makauwi.

Kaya ngayon, sinusulit talaga ng ina ang pagdating at paglagi ng kanyang anak sa kanilang bahay.

Biglang hinawakan ni Mama Helena ang mukha ng anak at walang pasabing pinisil-pisil ang mga pisngi nito para ipakita ang pagka-miss nito sa anak. "Okay lang, Liam. Hanggang ngayon, hindi pa rin kasi ako makapaniwalang andito ka na ulit."

"Ma naman. Nakakahiya po kay Auntie Cecille."

Natutuwa namang nakamasid lang sa kanila si Cecille. Maging siya ay namimiss na rin ang pamangkin kung kaya't naiintindihan niya ang nararamdaman ni Helena. Kung siya nga na ilang kilometro lang ang layo sa anak, eh namimiss pa rin ito, pa'no pa kaya ang sister-in-law niya na nalayo sa anak nito na nagtatrabaho sa ibang bansa.

Nang matapos naman ang lambingan, bigla itong bumaling sa kanyang Auntie Cecille.

"Teka, Auntie, nasa'n po ba si Uncle Herbert?!" tanong nito. Pero, imbis na si Auntie Cecille ang sumagot, nagkusang tumugon na lamang ang ina niya para dito.

"Alam mo naman ang kapatid ko. Binisita lang ang pinsan mo doon sa Maynila."

Napatango na lamang si Liam. Ngumiti naman si Cecille sa kanya.

"Oo, wag kang mag-alala, Liam. May pinapahatid naman siya sa'yo." dagdag pa ni Cecille na ipinagtaka ni Liam.

"Ano po?"

"Ito!"

Walang anu-ano'y bigla nan lamang kiniliti sa beywang at tiyan ni Auntie Cecille si Liam. Pati si Mama Helena ay nakisali na rin at pinuntirya naman ang batok ni Liam. Alam nilang pareho na kahit gaano kakisig na ngayon ang binata, kiliti pa rin ang katapat nito.

"Aba, teka!" Biglang napatigil si Cecille nang mapansin ang kakaiba sa katawan ni Liam. "Nasa'n na ang kutson? Ba't naging mabato na ang tiyan ng batang to. Hawakan mo, Lena, dali!"

"Auntie! Maaa!" pilit namang pagpapatigil ni Liam kung kaya't tumigil na rin muna sila sa pangingiliti. "Siyempre po, 23 na ako!"

"Naku! Ibig sabihin ba niyan, may girlfriend ka na?" alalang naitanong ni Helena nang bigla sumagi ito sa isipan niya.

"Ay, Helena, sa gwapo ng anak mo,baka nga hindi lang siguro isa ang girlfriend nito." panunukso naman ni Cecille kung kaya't mas nagulat ang mama ni Liam.

"Ganun ba, Liam?"

Napatawa na lamang si Liam sa nakitang reaksyon ng mama niya.

"Tama po si Auntie Cecille, Ma. Ang totoo po niyan, tatlong babae nga ang itinuturing kong girlfriend ngayon eh. Sayang nga lang at puro LDR."

Sweet SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon