Chapter 22 : Pain.

197 6 3
                                    

( ♫ Now Playing - Heartprints by Jireh Lim ♫ )

Nagmulat ng mata si Aya. Kumurap-kurap muna siya ng makailang beses bago tuluyang nasilayan nang     mabuti ang lugar na kinaroroonan niya.

Hindi niya pamilyar ang lugar. Lahat ng bagay sa paligid ay kulay puti. Napakalaki nito’t napakatahimik pa.

Hindi kaya’t ito na ang langit? Ohhh Noesss~~

Ngunit nang masilayan niya kung sino ang nasa tabi niya’t mahimbing na natutulog, muling naging kampante ang kanyang kalooban. Buhay na buhay pa siya.

At iyon ay dahil sa katabi niya…

…si Dhian.

Habang tinititigan si Dhian, muling nanumbalik sa kanya ang mga nangyari kagabi sa ilog. Nang halos mawalan na siya ng malay sa ilalim ng tubig, buong akala niya’y iyong panahon na ang magiging katapusan niya. Bigla siyang nakaramdam ng init na yumapos sa buong katawan niya bago siya tuluyang mawalan ng malay. Akala niya'y iyon na si Kamatayan na sumusundo sa kanya. Subalit, iyon pala ang anghel na magliligtas at magbibigay sa kanya ng pangalawa... Err.. Pangatlong buhay na pala. Oh how dramatic.

Marahan na sinuklay ni Aya ang iilang hibla ng buhok ni Dhian na humaharang sa kanyang noo. Matapos niyang gawin iyon, di niya mapigilang mapatitig sa mukha nito. Napakaamo kasi. Para talagang anghel.

Kumirot tuloy ang puso niya. Nahihiya siya sa mga nasabi niya kay Dhian kahapon at mas lalo rin niyang pinagsisisihan ang panghuhusga niya rito. Narealize niya na hindi lamang isang bitter at user na ex-boyfriend ang koreanong ito. He also has a heart. Malamang, tao eh. Hohohoho.

Okay, serious mode ulit.

Sa araw-araw na pagsasama nilang dalawa ni Dhian, little by little, she realizes that there’s more to this guy than his cold image. Masungit nga ito pero may respeto sa babae. Napakatahimik nga pero may tinatagong katapangan. Mukhang walang pakialam sa mundo pero marunong magpahalaga ng kung anong meron siya. At higit sa lahat, kahit hindi niya pinapakita, pinaparamdam niyang mahalaga ka para sa kanya.

Ilang beses na ba niyang nakita si Dhian na nakikipagpatintero kay kamatayan para sa kapakanan niya?

More than once.

Ilang beses na rin ba niyang nakita ang wagas nitong pag-aalala para sa kalagayan niya?

More than once.

Siguro nga kakaiba siya kung magpakita ng care. Dinadaan sa pagsusungit at pambabara pero lumalambot rin naman ang puso. Napaka-unpredictable.

Kaya siguro unti-unti na ring nagbabago ang pagtingin niya kay Dhian. Hindi pa rin siya sigurado sa kung ano man ang nararamdaman niya para sa binata pero alam niyang hindi na niya matitigan si Dhian tulad ng dati.

Ayeeeeeee. Push mo pa, Aya!

Natutulog si Dhian sa mga oras na iyon. Nakapatong ang ulo nito sa higaan ni Aya kaya’t tumagilid si Aya para mas lalong matignan kung gaano kaamo ang boyfie niya kapag tulog. Napapangiti si Aya habang tinititigan niya ang tulog-mantikang koreano. Napaka-inosente nito’t napakaamo na para bang isang kerubim. Di tuloy niya mapigilang haplusin ang ulo ni Dhian. Iniisip niya kasi kung ano ang magiging reaksyon nito. Paniguradong singhal na naman aabutin niya rito.

Sweet SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon