Chapter 3 : Wrong Move.

430 24 13
                                    


“Hyacinth Manugas De Seno!”

Biglang nagulantang si Aya  sa pagbabasa ng favorite niyang Book series nang walang pasabing sumulpot at sinigawan siya ng kanyang matalik na kaibigan.

“Kylah naman! Aatakihin ako sa’yo eh.”


Biglang binagsak ni Kylah sa mesa ang kanyang mga libro kaya medyo nagulat ulit si Aya.

Anyway, si Kylah pala o si Kristinah Kathelinah Venturez Cojuangco for long ang college buddy ni Aya. Same age, same year at same course din sila. Magkababata rin kasi sila eh kaso kinailangan nga lang lumipat sa city yung family ni Kylah nung highschool pa sila. Kaya nga super happy ang dalawa nang nalaman nilang same school at same course ang kukunin nila sa college. 



So back to the story.

Umupo na muna si Kylah sa harap ng kanyang BESHfriend.

“Ewan ko sa’yo, Besh! Alam mo bang ako ang magkaka-Heart Attack sa’yo!”

Hindi magets ni Aya ang pinagsasabi ng kanyang Beshy. Alam niyang, oras na tawagin nila ang isa’t isa sa kanilang kumpletong pangalan, ibig sabihin lang niyan eh seryosong seryoso na talaga ang usapin.


Kylah? May nagawa ba ako sa’yo?” Pag-aalalang tanong niya kaya napabuntong-hininga tuloy si Kylah.


“Wala. Pero, I heard na may inaway ka raw sa canteen kanina.” Sumbat naman ni Kylah.


“Ahh yun? Wala. May mukhang bakla lang kasing gumugulo sa’kin eh kaya pinatulan ko na lang. Ehh teka? Ba’t mo nga pala nalaman?”

“Ahh yun?! Eh kasi pagkatapos nun, pinag-usap-usapan ka lang naman po ng buong studentry.” Kalmadong sagot naman ni Kylah.


Napa-aaaaah lang si Aya pero nang magsink-in na talaga sa kanya ang sinabi ni Kylah, bigla siyang napa sit straight.


“Buong studentry???!!!”


“Joke lang!” Agad namang bawi ni Kylah. “Pero, narinig ko from our classmates ang nangyari sa’yo kanina. Hay naku, Besh! You just did a wrong move!”

“Bakit? Ano ba dapat gawin ko? Sipain siya papalabas sa Earth?” Pagtataka namang sabi ni Aya.

“My gosh, Besh! Nakakaloka ka talaga!” Sabi ni Kylah habang umiiling-iling at hawak-hawak ang kanyang temples.” Di mo ba kilala kung sino yung pinagtataray-tarayan mo?”


Ngumuso lang sa kanya si Aya sabay taas ng kanyang shoulders.


“Seriously?” Walang kurap-kurap na tinignan ni Kylah ang kaibigan niya. Aya nodded innocently naman to answer her friend kaya biglang nagcollapse ang shoulders ni Kylah. She can’t believe her.

“Sang gubat ka ba galing ha?" Pagtuturo niya pa sa beshfriend niya gamit ang G-tech ballpen niya. Sosyal.

"Anyway, yung taong inaway mo kanina is no other than Dhian Lim!” Excited niyang sabi, lalong-lalo na nung nabanggit na niya ang pangalan ni Dhian.


”He’s the Korean Hottie from the Architecture Department! One of SAUS’ eye candies. The most talked about in school! Pin-Up boy! Dream boyfriend! Living Legend! Campus Prince! All-in-one pack! At di lang yan, SINGLE pa siya, BESH!!!”  Gigil na gigil at kilig na kilig naman sa pagsasabi si Kylah pero si Aya naman ngumuso lang.


“I can’t believe you! Di mo ba nabasa yung school paper natin? Na-feature kaya siya last time bilang “the Famous Foreigner with a Filipino Heart”.”


Umiling lang si Aya. Hindi talaga niya alam eh.


“Hay naku! Buksan mo nga yang facebook mo and kindly search him. For sure magugulat ka sa dami ng posers niya. Tapos may own facebook page din siya which is liked by 5 or 6 thousand people lang naman. Isa nga ako dun eh.”Confident niya pang pag-amin. Bumaling ulit siya kay Aya.”Sure ka ba talagang di mo siya kilala?” 

Umiling na naman si Aya kaya napa-facepalm na lang si Kylah sa harap niya. Well, di naman sa nagpapakabuhay ermitanyo si Aya sa SAUS noh pero talagang di niya talaga kilala ang koreanong yun eh. Wag na pilitin kasi. Ang kukuleeeeth! 


“Anyway, ang point ko lang, Besh. Sobrang maling tao ang binangga mo! Tinawag mo ba naman siyang Bakla at Pervert in front of all people! Naku, magdasal na lang tayong di magtrending yung eksena mo kanina. Dahil kapag nagtrending yun, tiyak pagpipyestahan ka ng mga fans niya.”


Napalunok-laway naman bigla si Aya sa narinig niya. Nag-iisip kasi siya sa kung ano ang mas nakakatakot. Ang thought na nasa iisang boarding house lang sila ni Dhian Lim o ang thought na baka sinisimulan na siyang huntingin ng mga alagad ng koreanong bading. Oh no!

“Kylah? Ganun ba kalala yung ginawa ko?” Pagtatanong ni Aya habang tumango naman in agreement si Kylah.


“Actually, Besh, nakakaloka talaga yung ginawa mo! Bakit mo nga pala siya inaway?” Pagtatakang tanong niya kay Aya.


“Eh… Kasi… ano…” Pautal-utal naman na sagot ni Aya. Pa’no nga ba niya i-eexplain sa Beshy niya na nag-away sila dahil inangkin niya ang kwarto nang korean guy na yun.


Kahiya naman diba?


“Ahh basta!” Bigla namang sabi ni Kylah. Di na rin ata siya nakapaghintay sa explanation. “Ito lang talagang ma-sasay ko sa’yo,Besh. If you still want to live a normal life, you need to stay away from that Dhian Lim. Understand??” Sabi niya sabay hawak sa isang kamay ni Aya.


“Pero, Besh! May isang problema eh.” Mahinang sabi ni Aya.

“Ano?”


“Boardmate ko kasi siya.”


“Ahh. Okay. WHAAAAAT?!!”


Sweet SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon