Chapter 6 : First.

458 21 25
                                    

“Annyeong, Dhian Yobuuuuuuu~~~~~~~”

Note mga pips: 'Yobuuuuuu~' means 'Honeeeeeey' in Korean.


Anyway, sumunod naman sa likod niya ang kanyang dalawang alipores at sabay nagsabing. “Annyeong, Dhian-shiiiii~~~~~”


Agad na sinalubong nila sa daanan si Dhian na noon ay kakalabas lang naman sa Main Building. Mukhang totoo nga ang babala ni Jaypee kay Dhian. 

Dahil nga sa napalibutan na siya ng tatlong bubuyog, eh wala na tuloy siyang nagawa kundi tumigil para bigyan sila ng pansin.

“Dhianiiieee, mamaya may party sa Polaris7. Sama ka naman sa’min pleeeaaase. Wala kasi kaming kasamang lalaki and you know na, we’re all girls pa naman. Don’t worry, it would be my treat!” Pag-aaya ni Chesca habang mahinang kinakalabit-kalabit ang t-shirt at braso ni Dhian. 


Pilit namang inilalayo ni Dhian ang kanyang sarili sa pagkakapulupot sa kanya ng tatlo pero kahit anong gawin niya sadyang born to be LINTA talaga ang peg nila.


“Sige na, Dhianiiieee. Tamang-tama, Friday naman ngayon. It’s okay to be wild sometimes. RAWR~” Dagdag pa niya while attempting to seduce Dhian na obviously super FAIL naman.


Meanwhile, si Dhian naman, halatang kanina pa nagpipigil. Sirang-sira na ang mukha dahil sa pag-aasungot ng tatlong bubuyog sa kanya kaya di na niya napigilan at biglang kumawala sa pagkakahawak ng mga lintang kapit na kapit sa kanya.

“Wait!! Let me talk first!” ani Dhian.

Sa panahong yun, milagro namang natanggal sa kanyang katawan ang anim na kamay na pumupulupot sa kanya.


“I’m sorry pero wala akong time para maki-party ngayon, Chesca. May Tryout kami bukas sa FC. Kailangan kong ikondisyon ang katawan ko kaya I can’t come with you. I’m really sorry.” 


Kahit na inis na inis na inis na inis na si Dhian sa kakulitan ng tatlong babaeng kaharap niya, he managed pa rin naman to be a gentleman. Ganyan naman talaga parati ang ginagawa ni Dhian kapag nacocorner ng the Queenbees eh. Pero ngayon? Konting-konti na lang talaga at sasabog na siya sa galit. Kailangan na niyang humanap ng paraan para di na siya guluhin pa ni Chesca.

Kaso, ano nga ba ang dapat niyang gawin?

“Perooo…Dhian Yobuuuu, pwede ka namang kumain at uminum lang ng beverages na konti o kahit na walang alcohol content eh. Tsaka, I’ll accompany you naman for the whole evening. I mean every second pa if you want to. Kaya I’m pretty sure, mag-eenjoy ka talaga. RAWR~ Right, ghurls?”Pagpupumilit pa rin ni Chesca.

“Absolutely!”                                 “Precisely!”

Magkakasunod namang reply ng dalawang sidekicks ni Chesca.

“Hindi talaga pwede, Chesca.” Pagrereject ulit ni Dhian.

Naku, Dhian. Kung gusto mo talagang makatakas kay Chesca at magkaroon ng forever peaceful life, kailangan mo nang maghanap ng perfect alibi!

“Why ba you’re making iwas-iwas to us? You’re single! I’m single! I don’t see anything wrong with spending some quality time together. Right, ghurls?”

“Absolutely!”                                 “Precisely!” 

Pagrarason naman ni Chesca na magkasunod namang inaprobahan ng kanyang ka-queenbees.
Natahimik tuloy si Dhian. This doesn’t sound good. Kung mali ang gagamitin niyang alibi, matatalo siya ngayon. Ibig sabihin, magtitiis siyang samahan si Chesca. At kung magtitiis siya ngayon, mauulit at mauulit ang pagkakataong ito in the near future. Kaawa-awang Papa Dhian

Sweet SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon