Chapter 20 : White Lie.

271 13 15
                                    

Madaling bumababa sa konkretong hagdan sa entrada ng Boarding House si Aya kahit na naka-floral dress siya. Tuloy, habang bumababa siya nagsi-sway at parang tinatangay ng hangin ang damit.

Nak ng... mag-ingat ka nga Aya at baka may makakita ng typants mo!

Suot-suot niya kasi ngayon ang Sunday’s Best niya na mahigpit na itinugon sa kanya ni Kylah. Napag-usapan kasi nilang sabay silang magsisimba ngayong araw at sa’twing magkasama sila, kabilin-bilinan ni Kylah na dapat naka-dress si Aya para deretsong mall na ang dalawa. Kahit na labag kay Aya ang magbihis-dalaga, wala na rin siyang magawa kasi masyadong mapilit ang bestfriend niya at ayaw niya rin na magka-away sila dahil lang dun.

Sa kalagitnaan ng hagdan ay bigla siyang napatigil nang makita niya kung sino ang nasa pinakababang baiting at nakatingala sa kanya. Napatitig ang mga mata ng napakagwapong koreanong lalaking yun sa kanyang mukha at pababa sa kanyang… erhmmm legs. Nang marealize ni Aya ang ginagawang kamanyakan ng lalaki ay agad niyang tinakpan ng mga kamay ang ibabang parte ng dress niya.

“HOY! Anong tini-tingin-tingin mo diyan? Tumabi ka nga! Sita niya sa nagtatakang si Dhian.

Tumabi naman si Dhian para bigyan daan ang pababang si Aya at saka lumingon sa malayo na tila’y nagpipigil rin ng tawa.

“The first time we met, alam ko na talagang maypagkamanyak ka! At mukhang hindi talaga ako nagkakamali. Pinanlakihan niya ng mata ang kausap at inis na inayos ang palda at saka bag niya nang makababa na siya. 

“Huh! The first time we met, alam ko rin na hindi kamanyak-manyak ang itsura mo. Pagbabaling niya kay Aya at muli itong sinipat ng tingin habang napasmirk. “Mukhang hindi rin talaga ako nagkakamali.

“Hoy! Bastos ka talagang Bullfrog ka! Agad niyang pinagsasapak ang braso nito pero imbis masaktan ay mas napatawa pa si Dhian sa kanya. Nahimasmasan naman si Aya nang mapansin niya ang kanyang relos.

“Patay! Malalate na talaga ako nito. Napapadyak siya sa lupa sa inis. “Arrrrgh! Magsisimba na nga lang kasi ako, makakagawa pa ako ng kasalanan sa daan.

“Teka.. Magsisimba ka ng nakaganyan? Di makapaniwalang napatingin si Dhian kay Aya. Ngayon lamang niya kasi nakitang nagmukhang babae si Aya besides the Ball night. Aminin mo na, Dhi!! Sexy ba?! Ayyyyyeeeeeeeee~

“Hindi! Makikiburol! pambabara naman ni Aya. “Siyempre ano pa ba ang gagawin ko on a Sunday Morning?

“Sinong kasama mo? Ba’t ganyan ang suot mo?” sunud-sunod na tanong ni Dhian kay Aya kaya medyo nagtaka ang dalaga.

“Si Kylah ho, tatay. Tatambay kami sa mall pagkatapos nito noh. Bakit ba? Selos ka? Gusto mong sumama? pasaring ni Aya. Inasar na lamang niya si Dhian para matigil na ito sa panggugulo sa kanya.

“Why would I? singhal nito at saka nagsimulang umakyat na rin ng hagdan. Nang nasa pinakataas na siya bigla siyang may naalala sa pinag-usapan nila kahapon kaya muli niya itong pinaalalahanan.

“Yah, siguraduhin mo lang na si Kylah lang ang kasama mo kundi..

Napalingon rin naman si Aya nang marinig nito ang pagtawag ni Dhian sa kanya.

Sweet SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon