Chapter 13 : Ball.

320 17 11
                                    

Ikot to the left...

Ikot to the right...

Ikot-Ikot lang! Ikot-Ikot lang!

Repeat! Refrain!

Kasalukuyang nakaharap pa rin si Aya sa whole body mirror ng kanyang kwarto. Hindi naman talaga siya pala-salamin pero iba ang araw na'to eh.

Espesyal!

Kanina pa niya kinikilatis ang sarili niya sa salamin; sa likod, sa harap, sa baba at sa taas.

"Haaaay... Ano ba kasing inaalala ko? Simpleng Ball lang naman yun diba?"

Tanong ni Aya sasarili niya... literally, kasi kaharap nga niya sarili niya sa salamin.

Pero sa'twing naaalala niya ang sinabi sa kanya kahapon ni Dhian, di niya mapigilang kabahan.

Ano nga ba ang sinabi ni Papa Dhian kay Aya?

Alamin uli with the use of Flashback!

Chaching!

Yesterday, after class, dumiretso na sa boarding house si Aya kasi di naman nagpakita sa kanya the whole day ang manliligaw niya kuno kaya sinubukan na lamang niyang halungkatin ang baul niya para tignan kung may maisusuot pa siya. Mabuti na nga lang at may nakita pa siyang dalawang dress, di naman kasi siya pala-bestida.

So, dalawa nga ang pagpipilian niya pero puro kinalimutan na ata ng panahon ang mga iyon. Yung isa, nung highschool graduation niya pa ginamit at yung isa naman ay sa wedding ng kaibigan ng mudra niya.

"Aaaaaah! Ano bang pwedeng suotin?! Nakakainis naman! Pwede bang magjeans na lang?!"

Pagrereklamo pa niya habang nagpagulong-gulong sa higaan niya.

Pumunta ka na lang kaya sa Quiapo, Hyacinth? May oras pa naman eh. Bakay may makita ka pa!

Tok tok tok!

Bigla namag napabalikwas si Aya nang may kumatok sa kanyang pintuan.

"Sino yan?"

Tanong niya pero wala namang sumasagot sa labas. Kaya pumunta na lang siya sa pintuan at pinagbuksan ang kung sino mang nilalang na kumakatok at laking gulat niya nang si Korean Hottie ng SAUS pala ito!

Nakatingin lang sa kanya si Dhian with his pamatay looks at si Aya naman nagtatakang nakangangang nakatitig din sa kanya.

Ayeeeeeeeee! Eye to eye moment! Tulak ko kayo pareho eh!

Sweet SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon