Chapter 28 : Present's Past.

180 8 3
                                    

'Naega...

....Saranghae.'

What is the meaning of that? Aba'y malay ko kay Dhian Lim kung ano ang trip nito sa buhay.

Matapos ng so-called confession ni Dhian, akalain mo, hindi na naman sila nagka-imikan. Tanong ng tanong si Aya kung ano yung ibig niyang sabihin. Natigil na nga rin ito sa paghikbi pero si Dhian naman. Wala na naman masabi. Tinamaan ng katorpehan. Hay naku! Kaya, naging awkward na naman ang dalawa. 

Nagtaka nga sina Kylah at Jaypee nang mapansing kinukuliglig na naman ang dalawang magkaibigan matapos ang ferris wheel ride.

Aigooooo....

Nang makarating na sila sa C.Tuason Boarding House nila, dumiretso silang dalawa sa kani-kanilang kwarto at kapwa silang napahiga agad sa higaan. Nagfa-flash sa mga isipan nila ang momentum nila sa ferris wheel ride. At dahil dun, halos magkasabay rin silang napabuntong-hininga.

Si Aya...

"Ano ba yung sinabi niya? Nigga? Sarhe? Sanghe? Sarahe? Aserehe?" Napakaluskos na lang ng marahas sa buhok niya si Aya habang inaalala ang sinabi sa kanya ni Dhian. "Arrghh! Aamin na nga lang nag-aalien language pa!" paghihimutok pa niya lalo.

Tama naman din.

Hinatak na lamang tuloy niya ang laptop at baka may mahanap siyang kasagutan o di kaya....

"Aha! Alam ko na.." bulalas niya habang hinahanap ang kilala niyang makakakatulong sa kanya.

Habang si Dhian naman..

"Aish! Ano ba yung sinabi ko?!" Pangangaluskos niya rin sa sarili. Napabangon na lamang siya at sinapo ang ulo.

"Aish Paboyah! (Stupid!) Aamin na nga lang, ginamitan ko pa ng Hangul! (Korean Lang.)" inis na nasabi niya.

Hay naku! Ang torpe torpe naman pala ng Korean Hottie na ito. Kung sinabi na lang niya edi happy na at walang ending.

But, don't worry Dhian. Marami ka pang time para diyan. Ang mahalaga ay matulog ka na't may malaking laban ka bukas. It's time to unleash your inner Golden Kicker spirit!

Eh yung makakalaban naman kaya niya, ready na kaya?

Let's go to the bahay of Christian Young. Yep, yep, yep! May Part 2 pala ang banggaang Christian at Dhian dahil bukas magkakaharap sa finals ng Soccer match ang Engineering FC ni Papa Dhian at Business Executives FC ni Cutie Christian! Oh ems!

Dito na talaga natin malalaman ang magiging resulta sa labanan ng pag-ibig.

Kaso, hanggang labanan ng pag-ibig lang ba talaga?

"Kuya! Pwede bang pumasok?" tanong ni Christian nang sumilip sa kwarto ng kakarating lang na kapatid.

"Oo naman! Mukhang namiss mo talaga ako ah." biro naman ni Stephen habang kakatapos lang maghilamos.

"Konti lang." aniya at saka pinakialaman ang mga kagamitan sa photojournalism ng nakakatandang kapatid. "Gusto mo ba talaga ang trabaho mo?"

Natahimik naman ang kuya niya at saka tipid na napangiti. "Oo naman! Kung alam mo lang kung gaano kasaya maglibot sa China at Japan." pagmamalaki pa ng kapatid niya.

Sweet SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon