Chapter 9 : Hitched.

411 23 22
                                    

"Spelling. Grammar. Spacing. Fonts. At... ano nga uli yun?"

Pag-eenumerate ni Aya sa mga bagay na ipapagawa niya kay Dhian.

Tulad nang napag-usapan nila kahapon, andito na nga silang dalawa sa loob ng university library para gawin ang thesis ni Aya. Pero kahit nakaupo lang sila sa loob ng pinakatahimik na lugar sa buong SAUS campus, di pa rin maiwasan ang mga intriga. Ikaw ba naman kaya ang umupo sa pinaka-gitna at elevated na part ng library kung saan kitang-kita kayo ng lahat ng mga estudyante.

"Haaay! Bakit ba kasi tayo nakaupo dito sa teacher's corner! Di tuloy ako makaconcentrate!" Pagrereklamo ni Aya kay Dhian.

"Exposure." Simpleng sagot naman ni Papa Dhian. "If you want us to be convincing, we need to be obvious. Isip-isip din pag may time."

"Heh! Kung di mo sana ako hina-" Natigilan naman si Aya nang marealize niyang muntik na naman niyang naipaalala ang forbidden memory which is you know na, ang pagsmack sa kanya ni Dhian noon. Mabuti na lang, wala masyadong narinig si Dhian.

"Anyway, Spelling! Grammar! Spacing! Fonts! At.... Alignment! Yan ang gusto kong icheck mo. In short, proofreading. Madali lang, diba?" Muling pag-eenumerate ni Aya habang ibinibigay na niya ang kanyang netbook sa kaharap.

"Bobo ka ba sa English para ipagawa mo pa sa'kin 'to?" Komento ni Dhian na di mo malaman kung nag-aasar ba o sadyang nagtatanong. Dahil diyan eh napangiwi naman sa kanya si Aya at saka sarkastikong nginitian rin si Dhian.

"Aba! Mabuti nga yan lang ipapagawa ko sa'yo eh. Baka ikaw siguro?" Sagot naman niya kay Dhian habang sadyang ipinatinis ang boses niya na para bang nagpapacute with matching beautiful eyes pa. Wala namang masyadong reaksyon si Dhian na nakatitig lang rin sa kanya.

Iniangat ni Aya ang kamay sa mesa at ipinatong ang baba sa kanang kamay at saka ipinagpatuloy niya ang pang-aasar sa gwapong koreano na nasa harapan niya. "Balita ko kasi kapag Architect at Engineer, bobo raw sa English. Siguro totoo yun noh?"

Bahagyang napatawa naman si Dhian. Pero pagkatapos napangisi ay biglang nagbago rin ang timpla ng mukha at saka dinilatan ang kaharap niya.

"Huh. Minamaliit mo ba ako?" Tulad ni Aya, naglean forward rin si Dhian sa mesa kung kaya't mas nagkalapit ang pagkakaharap ng mukha nila.

"Huwag kang mag-aalala. Sa tingin ko, mukhang marami-rami rin ata ang babaguhin ko sa thesis mo." Pakunwari pang pagngiti ni Dhian habang piningot ang ilong ni Aya na parang magkasintahang nagbibiruan lang. Secretly, though, pasimple rin pala niyang ipinunas pagkatapos ang mismong kamay sa uniform nitong si Aya kaya nainis din ito. Kaloka~!

"Arggghh. Whatever! BullFrog!!"

Sa di kalayuan naman...


Sweet SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon