Chapter 1 - The Beginning

15.6K 354 9
                                    

Kalalapag lang ng isang eroplano sa NAIA at kasalukuyang ng nagsisilabasan ang mga pasaherong lulan nito.

Samantala, may limang babae namang nananatili parin sa loob dahil sa ang isa nilang kasamahan ay napakahimbing ng tulog.

"Hey Jazz. Wake her up."
utos ng isang dalaga na busy sa hawak nyang cellphone.

" Naega wonhaji ahneun" (I don't want)

"Dangsin"(ikaw na)
sagot Ni Jazz.

"Jeoldae andwaeyo (no way)!" angal na sagot nito kay Jazz.

Nagtuturuan ang mgkakaibigan kung sino ang gigising at panong paraan gigisingin ang natutulog na dalaga.
Napalakas ang mga boses nito at bandang huli ay naalimpungatan ang dalaga.

Isa isa silang binigyan ng matatalim na tingin nito saka naglakad palabas ng eroplano.
Sumunod naman sa kanya ang apat na dalaga .

"Hmm , welcome back to me"
sambit ng isang dalagang tuwang tuwa sa nakikita.

"Were not here to relax and enjoy.
You know what I'm saying bitch."
tugon ng dalagang my malalamig at walang makikitang anumang ekspresyon sa mata.

"We know it Queen , we're not forgetting any details about it." sabay sabay na sagot ng apat sa kanya.

"Okay then , let's go, andyan na ang sundo natin." malamig na tugon ng Queen.

***
Nang makarating sa bahay ay agad sinalubong sila ng mga katulong at butler na umalalay sa kanilang mga bagahe.

Malaki ang bahay at maraming kwarto ang nilalaman nito.
Isa isa ng pumasok ang mga ito sa kani-kanilang mga kwarto upang magpahinga ng kaunti.

Naasikaso na nila ang pag-eenroll kaya wala na silang poproblemahin pa.

-

Makalipas ang ilang oras ay nagising na ang mga ito na animo'y mga robot dahil sabay sabay silang nagmulat.

Pupunta sila sa "Hell Town" ang lugar kung saan makikita ang iba't ibang uri ng kinatatakutang mga gang sa buong mundo.

Nanguguna ang gang nila na kung tawagin ay "Bloody Hell Gang."

Ang gang nila ang isa sa pinakamalakas na gang sa buong Mundo.

Ang Queen nila ay isang napakademonyong nilalang na walang-awa kung pumatay .
Walang sinuman ang nkaliligtas pag ito ang nakaharap sa laban.
Masyado itong malakas at pusong bato para sa kalabang nagmamakaawa para sa buhay niya .

Nang makapag-ayos ay isa isa na itong sumakay sa kani-kanilang mga sasakyan.
Mabilis at matutulin ang pagpapatakbo ng mga ito ngunit balewala sa kanila ang anumang disgrasyang nasa daan dahil bihasa na ang mga ito sa car racing.

-HELLTOWN-

"Ano kaya mo pa ba huh?" paghamon ng isang lalaking nakangising aso na kasalukuyang nakikipaglaban sa lalaking punong puno na ng dugo ang katawan at halos hindi na makabangon .

Sa di kalayuan ay may mga nakamasid na mga mata na tuwang tuwa sa nakikita nila.
Walang wala sa liksi at lakas nila ang mga lalaking nasa kanilang harapan.

Ilang saglit pa ay tuluyang ng natumba at nalagutan ng hininga ang kalaban ng ungas.

Wala sa loob na naglakad ang Queen papunta sa kinatatayuan ng hambog na lalaki.

Lahat ng mga tao ay pigil-hiningang sinundan sya ng tingin.

"Oh, you're here Queen ,long time no see." bati nito sa kanya na iniaabot ang kamay.

"I heard you're one of those bastards who wants to defeat us huh? Well, your dream won't come true even in your imagination" cold na sagot ni Queen sabay pat sa ulo ng lalaki.

Sa galit ng lalaki ay inatake nito si Queen .
Una, ilag lang ng ilag si Queen sa suntok at sipa ng kalaban.
Wala naman talaga ito sa mood pero pinipilit talaga siya ng ungas na lalaki.
Maya maya pa't naglabas ang kalaban ng maliit na kutsilyo at sinubukang saksakin sya.

Naubusan ng pasensya si Queen kaya't tinadyakan nito ang lalaki. Sa isang kisap mata ay nasaksak na ni Queen ang kalaban sa kanang bahagi ng kanyang tiyan ng di man lang nito namamalayan.

Atake lang sya ng atake kay Queen ngunit kahit isa ay wla man lang tumatama dito.

Sa huli ay napagod ito at hingal na hingal na tumigil.
Doon na nagsimula si Queen na umatake .
Tadyak dito,tadyak doon.
Suntok dito , suntok doon.
Lahat ng atake nya ay tumama sa lalaki.
Di pa man ganun kalakas ang pwersa na ibinibigay nya dito ay natumba na ito.
Kinuha niya ang pocket knife na nakatago sa bulsa nya para itarak ito sa dibdib ng naghihingalong lalaki.

Namulat ang lalaki at mgsasalita pa sana ng biglang itinarak ni Queen ang kutsilyo sa puso nito.

Lahat ng nakasaksi sa kanya ay nangilabot.

"Isa syang tunay na demonyo!"

Mga katagang maririnig mo sa bulung-bulungan ng mga tao sa paligid.

Bago pa man tuluyang umalis si Queen ay may kinuha ito sa knyang bulsa.
Ito'y isang sticker na pula na my nakasulat na " Welcome to Hell my Angel" at saka idinikit ito sa noo ng pinatay nyang lalaki.

Naglakad na ito pabalik sa kanyang sasakyan na parang walang nangyari at tuluyan ng nilisan ang lugar kasama ang apat na dalaga.

Naiwan namang nakatulala ang mga tao na hindi makapaniwala sa kanilang nasaksihan.

Samantala, ang mga tauhan ng gang lider na namatay ay nangagalaiti sa galit at ipinangako sa namatay nilang lider na pagbabayarin nila ang babaeng pumaslang sa kanilang kasamahan.

The Hell Demon Queen      ( FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon