Chapter 35 - Sydney

2.1K 64 3
                                    

Cassia's POV

Tok Tok Tok!

Nagising ako dahil sa paulit-ulit na katok sa aking pinto.

Istorbo!

"Sandali!" I shouted.

Bumangon na ako para buksan ang pinto ng mapagtanto kong sobrang sakit ng katawan ko.
Tinignan ko ang sarili ko kung may pasa o sugat man ako ngunit wala naman akong nakita.

Anong nangyari? Ba't ansakit ng katawan ko? Di pa naman ako matanda ah ! tsk.

"Honey!"sigaw ng nasa pinto.

Muntik ko nang makalimutang my kumakatok nga pala kaya dali-dali akong naglakad palapit rito at binuksan ang pinto.

"Yes?" tanong ko ng nakataas ang isang kilay sa lalaking mapapangasawa ko.

"Hm , I brought your breakfast. May I come in?" he asked.

Tinignan ko ang dala nitong gatas at cake na nakalagay sa maliit na platito saka binaling ang tingin sa kanya at binigyan siya ng "Pasok ka na " look.

"Kumain ka ng madami para mabawi mo ang lakas mo." sabi niya.

"Ano bang nangyayari sakin Hon?" tanong ko sa kanya.

"What do you mean?" he asked again.

"Kasi nagising akong masakit ang katawan ko samantalang wala naman akong activities na ginagawa. Natulog lang naman ako." pahayag ko.

" Ah e , natural lang yan hon kasi naninibago ka sa klima dito sa pinas. Mawawala din yan." he said and smiled at me.

Tumango nalang ako kahit nag-aalangan sa sinabi niya.

Is that so?

"Anyway, you should eat well. I have something to do. Alis muna ko." he said then kissed my forehead

Why do I have this feeling na there's something wrong about me , my father and him?
Try ko kaya lumabas mamaya?
Tatakas nalang siguro ako since andami nilang pinagbabantay sakin.
Oa sa guards e.

Pagtapos ko kumain ay naligo na ako para makapagprepare.
I don't know where to go pero I would like to find out something kahit di ko alam ang dapat na alamin.

I was busy brushing my red hair ng makakita ako ng maliit na camera sa taas ng wall ko.

Ganito ba talaga katindi ang pagbabantay nila sakin?
Ano bang meron sakin?

I need to do something.
May part din naman ng room ko ang di nahahagip ng CCTV so I guess kelangan ko ng magmadali.

Plain white shirt, ripped jeans at pair of rubber shoes lang ang napagpasyahan kong suotin kasama na rin ang black cap at shades for disguise.
May balak naman akong umuwi mamaya kaya di naman sila dapat mamroblema.

I walked slowly to the veranda and roamed the surroundings.
I guess wala silang nilagay na CCTV dito.
Nag-umpisa na akong bumaba ng dahan-dahan .
Takot ko lang malaglag at mabalian ng buto.

Nasa ikalawang palapag na ako ng mansion ng masilip ko sa bintana ang monitor ng CCTV .
May taong naatasan dito at abalang-abala sa pagnguya ng bigla nitong sulyapan ang monitor. Nagulantang ito sa mga nakikita at tinignan sa bintana ang aking kinalalagyan.

Lumapit ito at binuksan ang sliding window para kunin ako, I guess?

Agad ko itong binigyan ng malakas na tadyak sa mukha papasok sa silid kaya naman nawalan ito ng malay saka nilagyan ko ng panyo ang bibig upang hindi makapagtawag ng kasamahan niya if ever na magising.
Nakakuha ako ng tali sa isang drawer niya kaya itinali ko patalikod ang kamay niya.

The Hell Demon Queen      ( FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon