Baekhyun's POV
Ngayong araw na ito gaganapin ang Intramurals namin.
Hinati ito sa dalawang kategorya: una ay ang contest ng Mr/Ms. Intrams , ang pangalawa naman ay ang mga palaro sa mga susunod na araw kasama na rin ang cheer dance at iba pang patimpalak.Kaya naman ang unang ganap ngayon ay ang contest na sinalihan namin ni Cassia.
Maaga akong pumasok ng school para magprepare ng lahat ng iba pang kulang sa decorations o kaya kung my aberya man bago mangyari ang event.
Nakita ko ang limang babae sa may di kalayuan samantalang yung mga kaibigan ko naman ay di ko mahagilap.
Asan na ba yung mga yun?
"Hey Baekhyun, are you looking for us?" tanong ni Chen na biglang sumulpot sa harapan ko.
"Ganun na nga , san ba kayo galing?" tanong ko pabalik.
"Wala naman , tinignan lang namin yung mga susuotin ng Cassia your loves , sabi kasi ni Honey mgbibikini daw yun e." sabat ni D.O.
"Mga siraulo talaga kayo , saka never naman yun magsusuot ng ganun kaya wag na kayong umasa , para namang di nyo yun kilala." sabi ko sabay batok kay D.O.
Pagnasahan ba naman ang Cassia ko.
Lumapit kami sa limang babae , mamayang hapon pa naman yung event kaya okay lang na di muna kami mag-ayos .
"Hi Jazz."bati ni Chanyeol sabay upo sa tabi ng kaibigan ni Cassia.
Hindi nagsalita si Jazz, ngumiti lang ito sa kanya.Tumabi naman ako kay Cassia at
kinausap ito ."Cassia ,ready kana ba sa contest mamaya?" tanong ko.
"Oo."bored na sagot nito.
Malamig parin siya as usual.
-
Hapon na at maya-maya lang ay gaganapin na ang contest.
Nasa dressing room na ako at nagpapapogi kahit dati pa naman akong pogi.Si Cassia? Malamang nagpapaganda na rin para sakin.
Inaayusan ako ng stylist ko ng may biglang pumasok sa room.
"Baekhyun , nakita mo ba si Cassia?!"exaggerated na tanong ni Kirsten sakin.
"Hindi? Wag mong sabihing nawawala ang Cassia ko?!"tanong ko .
"Ah e ,ganun na nga." mahinang sabat ni Suzy.
"What? Ba't siya nawawala? Kasama nyo pa siya kanina ha!" pasigaw na sabi ko.
"Umalis lang kami saglit sa dressing room pagbalik namin wala na siya."paliwanag ni Kirsten.
"Posible kayang......" sabi ni Jazz na nanlalaki ang mga matang nakatingin kay Honey.
Hindi niya itinuloy ang sinabi niya.
"Posible kayang...... kinuha siya nung mga naghahabol na mga armadong lalaki samin sa mall?!"sabi ko.
"Ha? kelan nangyari yun? bat di man lang namin alam." reklamo ni Jazz.
"Mabuti pa ay hanapin na natin siya bago pa my mangyaring masama ." suggest ni Suzy.
Kinakabahan ako ts.
Asan kana ba Cassia?
***
BINABASA MO ANG
The Hell Demon Queen ( FINISHED)
ActionCassia is a redhaired lady with green cold eyes and is one of the leading mafia's gang leader in their generation. She was experimented by a man whom she thought was her father. The man put something inside her body to keep him as hard as a rock. Ho...