Chapter 33 - Awakening the demon

2.5K 73 1
                                    

Third Person's POV

-10;30 a.m (Katakishi Tower)
@ Hiroshima Ken Fukuyama, JAPAN

***
Namulat sa matagal na pagkakahimbing ang isang dalagang my malalamig na mata.
Napabalikwas agad ito ng bangon dahil sa puting paligid na bumungad sa kanya.

"Hon are you okay?" tanong ng lalaking nagtraydor kamakailan sa kanya.

Nilingon niya ang binatang pinanggalingan ng boses.
Pinagmasdan niya ito ng mabuti na animo'y hindi nakikilala ang lalaking kababata.

"Don't worry iho, I already erased her memories so there is nothing to worry about." his uncle whispered to his ears.

"You are my what?"malamig na tanong ng dalaga sa binatang kaharap.

"He is your soon-to be- husband and I am your father." pagpapakilala ng lalaking hapon na abot-langit ang ngiti dahil natapos din ang kanyang eksperimento.

"What happened to me?" tanong ng dalaga sa kanyang pinaniniwalaang asawa.

"You lost your consciousness when we are shopping at the mall." sagot ng binata.

"Sydney, you better take care of yourself .  You should take care of your health." ani ng lalaking sinasabing tatay niya.

"Okay , I will."pahayag ng dalagang tumango nalang sa sinabi ng tatay at asawa nya kuno.

"By the way we book a flight to the Philippines right now and I also arrange the things that we're going to bring home so we can proceed to our family business." ani ng tatay niya.

"Uncle ,when do you plan about our wedding?" pabulong na tanong ng binata na hinila sa sulok ang kanyang tiyuhin.

"Soon my son, soon." sabi nito ng nakangisi sabay pat sa shoulder ng binata.






***
NAIA Terminal 1 , Philippines

Pagkalabas ng airport ay agad na sinalubong sila ng mga armadong kalalakihang mala-MIB(Men In Black) ang pormahan.

Tahimik nilang binaybay ang NLEX na walang salitang lumalabas sa kanilang mga bibig.

Ang binata ay tuwang-tuwa na
nakaakbay sa dalagang walang muwang samantalang ang dalaga naman ay tahimik na nakatingin sa bintana at pinagmamasdan ang paligid .

Wala pang isang oras ay nasa mansion na sila.
Sinalubong sila ng mga maids at butlers na nakahilera pagkabukas ng pintuan at masiglang binigyan sila ng malugod na pagbati.

"Goodevening Master Yoshi."
"Goodevening senyorito DenMark."
"Goodevening senyorita Sydney." pagbati ng mga ito.

Binaybay nila ang mataas na hagdan ng mansion kasunod ang mga maids na my dala-dala ng kanilang bagahe.

Dinala ng dalawang lalaki ang dalaga sa malaking 2in1 na laboratory room na my ospital na rin na kasama.
Bagamat nagtataka man ang dalaga sa kanyang nakikita ,
hindi naman ito nag-abalang magtanong pa.

"Sydney , this one is a medicine that is proven to make your heart strong. So let your papa inject you this." ani ng tatay niya na sinisipat ang brasong tutusukin.

Kahit kinakabahan ay hinayaan niya ang tatay niya na iturok ang injection ang kanyang braso.

Ilang minuto lang pagkatapos ng injection ay lumabas na ang mapupulang mata ng dalaga.

Malalalim at mabibilis ang hininga nito at animo'y handang pumatay dahil sa apoy ng galit na nagningning sa kanyang mga mata.

"Sydney , tonight there will be an illegal transaction in Lawson building. I want you to take all those illegal things whether it's a firearms or drugs here.
Kill them all if you have to." utos ng kanyang ama.

" Your wish is my command." sagot ng dalagang nakakuyom ang mga kamao bago tuluyang umalis.

Naiwang humahalakhak sa tuwa ang kanyang amain.

"Finally." he whispered.


****
-12;00 a.m @ Lawson Building

Tahimik na pinasok ng babaeng my mapupulang mata ang nasabing building.

Nakita na niya sa malayuan ang itsura ng mga kalaban.
Kayang-kayang maidentify ng mga mata nito ang laman ng bagahe na kasalukuyang hinahawakan ng mga nasabing lalaki.

Walang ingay na gumapang ito sa taas ng sementong bubong at tumapat mismo sa itaas ng grupo na hindi man lamang maramdaman ang kanyang presensya.

Mga ilang minuto pa ay dumating na ang grupo ng kalalakihan na makikipagtransaksyon sa kanila.
Pagtapos ng segundong palitan ay nagpasya na ang dalaga na lumabas sa pinagtaguan na lubha namang ikinagulat ng dalawang armadong grupo.

"Anong kailangan mo?"tanong ng mga kalalakihan.

"I want this and that." sagot ng dalaga na pinagtuturo ang mga illegal na armas at iba pang sandata.

Napangisi ang mga kalalakihan sa ipinakitang katapangan ng dalaga.

"Not that fast little girl." ani ng isang lalaki at saka pinaulanan siya ng bala.

Paikot-ikot na tumambling ang dalaga at naiwasan ang mga balang kikitil sana sa buhay niya.

Nagulantang ang lalaki sa ipinakitang bilis ng dalaga kaya napatigil ito sa pagbaril.

"Wrong move." sigaw ng dalaga saka tinapunan siya ng shuriken na siyang lumagot sa kanyang hininga.

Sa galit ng mga kalalakihan na nakasaksi sa pagkamatay ng kanilang kasamahan ay agad na sinugod nila ang pangahas na babae.

Inilabas ng dalaga ang bitbit niyang samurai saka itinapon ito paitaas saka tumalon sa hangin at pinagsisipa ang mga lalaki sa mukha.
Nang maabot ang samurai ay isa-isa niyang pinagpuputol ang leeg at pinagsasaksak ito sa katawan.

Ginamit ng kalalakihan ang mga illegal na armas na kanilang ipinagpalit.
Mga samurai ,shuriken ,dagger , kunai at mga baril ang mga naririto.

Bumuo ang dalaga ng sign na paekis upang masangga ng buong lakas ang bawat atake ng kalaban.

Pumadulas ito paluhod at pinatid ang mga paa ng kalaban saka tumayo at pinagsasaksak ang mga ito bago tuluyang matumba.

Isang lalaki sa likuran ang pangahas na sinakal ang kanyang leeg at pilit na tinutusok ito ng dagger ngunit sadyang maliksi at malakas ang dalaga kaya hindi ngtagumpay ang lalaki sa kanyang balak.
Habang pinipigil ang pwersa ng mga armas na nasa kanyang harapan ay itinulak niya ito ng buong lakas saka tinakbuhan pataas sa mukha ang kaharap saka tumambling sa ere kaya nakawala at nabitawan ng lalaking sumasakal sa kanya ang dagger na hawak nito.

Humalakhak ang dalaga.

Isang napakademonyong halakhak.

Kahit na sanay ang mga lalaki sa pakikipaglaban ay wari itong nakaramdam ng kaduwagan at takot sa babaeng kanilang kaharap.

Nagsimula na ulit umatake ang dalaga.
Dalawang samurai ang hawak nito na walang tigil sa pagkumpas.
Nagtapon ang isang lalaki ng shuriken sa dalaga ngunit alerto ang dalaga at isinangga ang samurai niya saka buong lakas na itinapon ito pabalik sa kalabang nghagis. Natamaan ang dibdib nito at agad namatay.

Patuloy parin sa pagkumpas ang samurai na hawak ng dalaga.
Hapong-hapo na at pagod na pagod na ang mga kalaban samantalang ang dalaga ay parang hindi napapagod at mas lalo pang ginaganahan sa nakikita sa paligid.
Dahil napagod na ang mga kalaban ay walang kahirap-hirap na napatay na ito ng dalaga.

Pinagpupulot ng dalaga ang mga armas ng kalalakihan saka isinilid sa malaking bag.
Binitbit niya narin ang iba pang mga bag na naglalaman ng illegal na droga at mga pera na aabot sa tatlong bilyon.

Lumabas na ito ng building na parang walang nangyari dahil hindi man lang ito nasugatan at wala man lang bakas ng dugo ang dumikit sa kanyang puting damit.

Sumakay na ito ng kotse at humarurot paalis.



The Hell Demon Queen      ( FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon