Chapter 21 - Truth or What?

3.9K 111 2
                                    


D.O's POV

Kasalukuyang hinahanap naman si Cassia na bigla nalang nawala sabi ng kanyang mga kasamahan.

Ano bang meron? Kinidnap sya?
Dinig ko sa mga tropa nyang babae.

Maya maya ay may tumawag kay Kirsten marahil si Cassia ito. Pagbaba ng phone ay agad na tumakbo ito papuntang parking at sumakay sa kotse nya. Dali dali ko naman sinundan si Honey at nakisakay sa kotse nya ng walang idea kung san kami pupunta.

Bahagyang nagulat ito sa pagsunod ko at mukhang ayaw pa akong pasakayin pero agad na akong umupo sa tabi nya.
Tinanong ko si Honey kung anong meron pero hindi nya naman ako sinagot kaya nagkibit-balikat na lamang ako.

Alam kong hindi siya komportable kaya di nako nangulit pa.

Nahanap naman namin si Cassia ngunit hindi naging madali ang mga susunod na pangyayari.


Pagkarating ng school ay inannounce ng mga kasama ko na kami nlang daw ni Honey ang sasali sa Mr/Ms. Intrams.
Okay lang naman sakin kasi pangmodel naman talaga ang kamachohan at kagwapuhan ko e.
Plus, gusto ko din makitang isuot ni Honey yung bikini na nakita namin sa dressing room.

Di ako perv , gusto ko lang makita kung bagay ba sa kanya yun!

Inayusan na si Honey ng mga kaibigan niya samantalang ako ngbihis na rin sa dressing room.

Naunang rumampa ang mga babae kesa samin.
Hanggang sa dumating ang sportswear at umakyat ako agad kasunod niya.
Gusto ko lang naman sabihin na "ang sexy niya" kaya napaakyat ako agad sa stage .Haha!

May sumigaw pa na lalaki sa crowd na magpakasal daw si Honey sa kanya? Napangisi nalang ako at napaisip na sige "Managinip lang sya hangga't gusto nya walang problema."

Mission accomplished naman ang nangyari nung sinalubong ko siya sa stage.

Namula at halatang nagulat naman siya ng sobra sa ibinulong ko.
Haha ang cute niya talaga.

Natapos ang contest and all in all kami ni Honey ang nakakuha ng high score so kami ang nanalo.

Palakpakan naman ang mga kabatchmate namin sabay congratulate kunwari kasama na dun ang mga kaibigan ko.

"Galing natin tol kanina ah!" masayang bati sakin ni Chanyeol.

"Yan tayo e, wala kasi kayong bilib sakin , ganyan naman kayo eh! Porke mas gwapo ako sa inyo hindi nyo ko sinusuportahan." sagot ko.

" Andrama mo naman tol, para kang bading, saka mas gwapo ako sayo no , wag kang feelingero!" sabat ni Chen.

"Itsura kong 'to bading? Ts neknek nyo!"sabi ko sabay batok sa kanila.

Pagtripan ba ko?

Pinuntahan namin ang grupo nila Honey .
Sakto , tag-iisang partner! Walang maiiwang luhaan haha!

Pagkarating namin ay agad naman akong lumapit sa Honey ko.

Oo , Honey ko siya okay!

"Hi , Congratulations nga pala ." panimula ko.

"Baliw , Congratulations satin diba panalo ka din?." natatawang sambit nya.

"Ay oo nga pala , Congratulations pala satin." nakangisi kong sabi sa kanya habang nagkakamot sa ulo.

"Guys , Tara mgcelebrate tayo. Let's go to the tree house." sabat ni Baekhyun.

Sumang-ayon naman ang lahat kaya ayun nagparty-party na nga.

The Hell Demon Queen      ( FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon