Classroom

778 30 3
                                    

Battle of One Shots' Round One Entry.

--

Classroom

by superjelly

Napasulyap ako sa malaking espasyo ng kwartong ito. Matagal na rin simula nung huling beses akong nakapunta ako dito. Hindi ko na alam. Lumakad ako palapit sa lamesa doon sa gitnang pinakaharapan. Hinawakan ko ang kahoy ng mesa, ang dulas pala nitong lamesa na ito kumpara sa iba pang nasa loob ng kwarto. Naupo ako sa ibabaw 'nun at nakaramdam ng kakaibang saya dahil na rin sa unang beses ko lang na maupo sa mesang ito.

Ang classroom na ito, parang kelan lang napuno ito ng mga masasayahing mukha ng Section 3-A, taong 2002. Labing-isang taon na ang nakakalipas, pero napaka-sariwa pa rin ng mga memorya sa akin na tila ba kahapon lang iyon.

'Yung farewell party ng klase, 'yung huling beses na nagkita ang bawat isa.

Tandang-tanda ko na nakasuot ng kulay dilaw at bulaklaking bestida noon si Aria, katabi niya si Marjorie sa ikalawang hilera ng mga mesa habang umiinom ng iced tea. Ang lakas ng mga tawa nila noon dahil sa nagkukwento si Aria tungkol sa isang nakakatawang palabas na napanood niya nang bigla siyang nabangga ni Jake. Agad na humingi ng patawad si Jake kay Aria, akala ko noon magagalit si Aria dahil sa mainitin ang ulo nito pero nagbikit-balikat na lamang siya at nagpatuloy sa pagkukwento.

Nung nakita ko noon ang mukha ni Jake, nakakita ako ng kakaibang kalungkutan sa kanyang mga mata. Doon ko lang naalala noon na inaasar nga pala sina Jake at Aria ng klase dahil daw sa may lihim na pagtingin si Jake kay Aria. Hindi ko alam kung totoo 'yun o hindi, minsan ko lang kase makausap si Jake. 

Habang tinititigan ko noon si Jake, bigla naman sa akin lumapit noon si Wendy. Nakangiti ito sa akin at nakalahad ang kamay.

"Para sa akin ba 'yan?" tanong ko pa sa kanya na nakatitig sa platong hawak niya na may spaghetti. Tumango lamang siya. "Salamat ahh," sabi ko at binalik ang kanyang ngiti.

Tapos 'nun, tahimik siyang bumalik sa upuan niya. Masasabi kong isa si Wendy sa pinakamabait sa klase at pinakamatalino rin, pero ubod naman ito ng katahimikan. Minsan ko lang naririnig ang kanyang boses. 

Nakatingin pa rin ako sa kanya at ngayon ko lang ako nagtaka kung bakit ganun... Bakit lagi lang mag-isa si Wendy sa upuan niya? Lahat may katabi sa kani-kanilang pwesto, lahat naghahalakhakan at nagsasaya— maliban sa kanya. Nakatingin lang siya sa isang sulok habang ang mga tao sa paligid niya ay maligaya.

Kumirot noon ang puso ko. Akala ko kase sadyang tahimik lang talaga si Wendy pero may mga kaibigan siya dahil sa masayahing tao naman siya. Nakikita ko kase minsan na may mga humihingi sa kanya ng papel tuwing may quiz. 

Tumulo ang luha ko habang inaalala ko ang lahat ng iyon. Noong araw na iyon, alam ko na ngang hindi siya masaya pero hindi ko pa siya nilapitan. Sa halip tinitigan ko lang ang kanyang magandang mukha at napakasakit nung nakita ko ulit ang mukha niya ilang buwan pagkatapos ng graduation sa isang pahina ng dyaryo...

...na may headline na "Isang dalaga, pinatay ng sariling ama." Baliw daw ang tatay ni Wendy. Nahumaling masyado sa drugs, pagkatapos ang nanay niya naman iniwan na siya mag-isa sa ama niya. Masakit, pakiramdam ko nung nalaman ko iyon, parang ako rin ang pumatay sa kanya.

Nung nilapitan ko sana siya noon at tinanong kung anong bumabagabag sa kanya, baka sana nakatulong ako. Siguro kung nalaman ko na mag-isa lang siya sa bahay kasama ang kanyang tatay na drug addict, baka sana nakagawa ako ng paraan para makaalis siya sa bahay na iyon.

Pero wala rin akong nagawa.

Wala akong kwentang guro.

Bumagsak ang sunod-sunod na mga luha mula sa aking mga mata. Ngayon na nandito ulit ako sa classroom na ito, nanunumbalik na naman sa akin lahat ng alaala. Hinayaan kong lumabas lahat ng mga luha ko, sumigaw ako nang sumigaw dahil alam kong walang nakakarinig sa akin. Nang natapos na ako ay pinunasan ko ang aking mga luha at tumayo mula doon sa mesa.

Contest EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon