Imahinasyon

788 26 4
                                    

Battle of One Shots' Round Two Entry. 

--

Imahinasyon

by superjelly

            "HINDI mo kase naiintidihan, ilang ulit ko bang sasabihin sa'yo na wala nga akong babae! Ang hirap kase sa'yo puro ka maling akala. Ako na nga ang nagtatrabaho para lang may maipalamon sa inyo ng anak mo, ako na ng kumakayod tapos sasabihin mo pa na may babae ako? Ano ba namang kalokohan, 'yan, Grace?!"

Napatigil ako sa sinabi niya. Sa totoo lamang ayoko sanang maniwala sa sinabi sa akin ni Maria kaninang hapon noong nagpunta ako sa parlor para magpagupit ng buhok. "May babae 'yang asawa mo, nakita ko siya 'nung isang araw na may kasamang magandang babae." Hindi naman sana ako maniniwala kung hindi lamang sa pagbabago na rin sa kinikilos ni James. Nanlalamig na siya sa akin— hindi na siya tulad 'nung dati na malambing at pasensyoso.

Mukhang tuluyan nang naubos ang pasensya ni James. "Bahala ka nga ry'an," sabi niya na lamang pagkatapos ay padabog pang pumasok ng kwarto.

Naiwan akong mag-isa sa salas at napaupo sa sofa. Hindi ko na napigilang tumulo ang mga nagbabadyang mga luha na kanina ko pa kinikimkim. Hindi naman ito ang unang beses na nagka-away kami ni James pero masakit pa rin dahil sa naiisip ko na may posibilidad na totoo ang tsismis. Napatakip ako ng aking bibig upang mapigilan ang sarili sa pagsigaw sa galit.

            "Mama?" Rinig kong sambit ng isang maliit na boses. Napalingon ako kaagad at nakita si Jordan na nakasuot ng kanyang pajamas at kinukusot pa ang kanyang mga mata. Nagising siguro siya sa ingay namin ni James.

Pinunasan ko kaagad ang aking mga pisngi at nagsuot ng ngiti sa aking mga labi. "Baby, halika nga rito. Naistorbo ba namin ni Papa ang tulog mo?"

Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. "Nag-aaway na naman po ba kayo ni Papa?"

Ayokong magsinungaling sa kanya pero ayoko rin namang sabihin sa kanya ang nangyayari sa amin ngayon ng Papa niya. Sa halip na sagutin ang katanungan niya, hinawakan ko ang pisngi niya at tinitigan ang kanyang mga mata. Pareho talaga sila ng mga mata ni James. Niyakap ko siya nang dahan-dahan at sa paggawa ko 'nun ay tumulo na naman ang mga luha ko.

            "Mama," sabi niya sa mahinang boses. "Sabi po sa akin ni Tom nag-aaway po kayo ni Papa. Nakita niya raw po kayo, galit na galit si Papa dahil sinabi mong may ibang babae siya. Totoo po ba 'yun, Mama?"

Bumitaw ako sa kanya at tinitigan siya sa mga mata. Si Tom na naman. Lagi na lang sa tuwing may naririnig akong ingay tuwing hapon mula sa kwarto niya at tatanungin ko siya tungkol sa ingay, sasgutin niya ako ng: "Sorry po Mama, masyado lang daw pong natuwa si Tom kaya hindi niya sinasadyang mag-ingay masyado." Isang beses pa sa hardin ng bahay ay nakita ko siyang nagpunta sa may ilalim ng puno at para bang may tinitignan sa bintana ng kwarto namin. Noong nilapitan ko siya at tinanong kung anong tinititigan niya roon, sumagot siya ng: "Ayaw po kase bumaba ni Tom. Sabi niya doon na lang daw po siya sa kwarto niyo ni Papa."

Alam kong normal lamang sa mga bata ang ganitong kilos, lalo na sa isang bata tulad ni Jordan. Sakitin si Jordan kaya napagpasyahan na lamang namin ni James na mag-homeschool na lang siya.

            Umiling ako. "Hindi kami nag-aaway ng Papa mo... nagkataon lamang na mainit ang ulo niya ngayon anak. Baka panaginip lang 'yun ni Tom." Tumayo ako at hinarap siya. "Halika na nga sa kwarto mo, ituloy mo na lang ang panaginip mo kasama si Tom."


Hinalo ko ang sabaw gamit ng sandok habang naririnig ang boses ni Teacher Fely na umalingawngaw mula sa salas. Nagtuturo siya patungkol sa mga shapes at numbers. Paminsan naririnig ko na kumakanta sila ni Jordan pagkatapos ay tatawa nang malakas ang dalawa.

Contest EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon