Audition Entry for LetUsJudgeYourStory. My first try sa second POV. Medyo fail? Haha.
--
Sana
by superjelly
Nalulungkot ka na naman.
Kitang-kita kaya sa mga mata mo. Pumorma man ang isang ngiti sa iyong labi, alam na alam kong sa kaloob-looban mo ay nasasaktan ka. Nahihirapan, sumisigaw, at humihingi ng tulong. Humihinga ka man, alam ko sa loob, isa ka nang malamig na bangkay na nakikigalaw na lamang sa agos ng buhay. Hindi ka naman ganyan dati... Dati masaya kang tao. Dati lagi kang nakangiti at alam ko ring totoo ang mga ngiti mo noon dahil sa pagkislap ng mga mata mo np'ng bata ka pa. Ano'ng nangyari? Sa paglipas ba ng panahon ay katumbas din ng pagbabago mo?
Sinaktan ka ba ng isang taong mahalaga sa'yo? Natukso ka ba dahil sa hitsura mo? Ano bang tumatakbo sa isip mo? Gusto ko sanang malaman nang sa gayon ay mapasaya kita. Gusto ko rin na makita kang masaya muli kasi sa totoo lang, 'yung ngiti mo ang pinakamagandang ngiti sa lahat at namimiss ko na rin 'yung napakatamis mong ngiti na alam kong totoo. Gustong-gusto kitang kausapin pero hindi ko naman magawa iyon, kaya hahayaan na lang kita na ikaw mismo ang lumapit sa akin. Dati no'ng bata ka pa, lagi ako ang tinatakbuhan mo sa tuwing binubully ka ng mga kalaro mo. Lagi mo akong niyakakap at binubuhos mo sa akin lahat ng problema mo. Ngingitian na lang kita at yayakapin din, pagkatapos no'n ay magpapasalamat ka sa akin kasi pinagaan ko ang loob mo. Pero bakit sa paglipas ng panahon, ngayong matanda ka na... Nakalimutan mo na ako? Hindi mo na ako sinasabihan ng mga problema mo. Hindi mo na ako niyayakap tulad ng dati. Hindi mo na ako pinapansin.
Ang hirap kasi ang kaya ko lang gawain ay pagmasdan ka dahil hindi naman kita kayang lapitan at kausapin. Ang bigat sa pakiramdam na nakikita kitang nahihirapan, kasi pati ako nalulungkot kapag nakikita kitang malungkot. Nakakabingi ang tuloy-tuloy na pagiyak mo sa gabi, 'yung tipong makakatulog ka na lang na may mga tuyong luha sa iyong mga pisngi.
Pinagmamasdan na naman kita habang nakaupo ka sa sulok ng madilim mong kwarto, nakayakap sa iyong mga hita at nakayuko ang ulo. May katok nang katok sa pinto, pero hindi mo yata naririnig.
Tinitigan kita at hindi ka man lang kumibo. Maya-maya pa'y humina ang mga pagkatok, hanggang sa natigil na ito. Ikaw naman, nandoon pa rin sa pwesto mo at tahimik lang. Ganoon din ako, nakaupo rito na walang magawa kundi pagmasdan ka.
Tapos bigla kang tumayo. Palakad-lakad ka sa buong kwarto, gulong-gulo 'yung buhok mo at lagpas na 'yung eyeliner mo sa mga mata. Nahihilo na nga ako sa kakaikot mo, hanggang sa natigil ka at napatingin sa direksyon kung nasaan ako. Bigla tuloy akong kinabahan. Lalapitan mo ba ako? Kakausapin mo na ba ulit ako?
Naglakad ka nang mabagal palapit sa akin. Bawat hakbang mo, mas lalo akong kinakabahan. Hinahanda ko na ang sarili ko sa yakap mo. Gusto ko ulit kasing maramdaman ang init ng yakap mo, e. Kahit na mababasa ako ng mga luha mo, ayos lang basta ba sa ikagagaan ng kalooban mo.
Tumigil ka sa harapan ko.
Ngumiti ka pa... Pero alam ko namang nagpapanggap ka lang na masaya. "Ikaw... nandito ka pala? Bakit ngayon lang kita nakita?" tanong mo sa akin.
Tiningnan lang kita.
Bumagsak na naman ang luha mo. "Alam mo ba, inamin sa akin ni Mama na hindi niya ako tunay na anak... Na anak ako ng kabit ni Papa. Kinasusuklaman niya raw ako at kasalanan ko kung bakit nawala si Papa sa kanya... Pabigat daw ako sa kanya. Sinabi niya iyon sa akin kasi inamin ko sa kanya na may nangyari sa amin ni Damien at nabuntis ako. Sinabi pa ni Mama na nakakahiya raw ako dahil nasa kolehiyo pa lang ako. Hindi ko naman sinasadya eh. Ayoko sanang gawin 'yun, pero mahal ko si Damien kaya hindi ko na alam kung ano ang tama o mali. Sana pala pinigilan ko siya... Hindi ko naman kasi alam na hindi niya pala ako mahal. Hindi ko naman alam na may iba pala siya. Akala ko kasi mahal niya rin ako. Akala ko kapag sinabi kong magkaka-anak kami, pananagutan niya ako. Ang sakit... Ang sakit talaga. Ang sakit sakit na ipagtabuyan ka ng mahal mo. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ayoko na nito."
Tumigil ka muna sa pagsasalita dahil sa umiyak ka nang umiyak. Niyakap mo ako nang mahigpit. Ang sarap sa pakiramdam, dahil sa loob ng sampung taon ay hindi mo ginawa sa akin ito.
Sige, umiyak ka lang.
Ibuhos mo lang ang lahat, sabihin mo sa akin ang lahat ng problema mo.
Bigla mo kong binitawan kaya sabay mo akong nahulog. Nakatingin lang ako sa'yo habang iyak ka nang iyak. May kinuha ka sa dresser mo, may hinahanap ka... 'Yun na naman ba? 'Yun na pala ang nagpapagaan sa'yo. Hindi ka na nga pala bata, hindi ka na nga pala tulad ng dati. Hindi na kita kayang pasayahin. Wala na nga pala akong kwenta.
Nakita mo na 'yung hinahanap mo, 'yung bagay na iyon na kumikintab pa at kulay silver. Nagtungo ka sa loob ng CR gaya ng dati, para doon na naman gawin iyon. Para makalimutan mo na naman 'yung sakit na nararamdaman mo.
Gusto sana kitang pigilan, pero hindi ko naman kaya. Iniwanan mo na lang ako habang nakahiga ako rito sa lapag ng iyong kwarto.
Hindi ko maintindihan. Ganoon ba talaga kahirap ang pagtanda ng isang tao? Pilit kong iniisip kung may pinagka-iba ba talaga ang matanda sa bata. Mahirap ba talaga ang buhay? Hindi ba nasa iyo rin naman kung magiging masaya ka o hindi? Masyado palang malalim ang kahulugan ng buhay.
Sa may drawer, sa itaas noon, napatingin ako sa isang bagay na nahulog. Isang litrato. Nahulog siguro no'ng kinuha mo 'yung bagay na nagpapasaya sa'yo. Napatitig ako sa larawan na iyon ng isang magandang babae na may matamis na ngiti, yakap yakap ang isang malaking teddy bear. Mukhang masaya sila at walang masyadong iniisip ng problema. Nakakainggit sila. Buti pa sa larawan hindi nagbabago ang mga tao kahit sa totoo lang, ibang-iba na sila.
Sana mapasaya kita muli... Gaya ng dati, gaya ng sa larawan na iyon. Sana may kakayahan ako para ipakita sa'yo na maganda ang buhay, kahit wala akong ganoon. Na may rason kung bakit ka pa humihinga. Sana malaman mo iyon... Sana 'wag ka pang susuko.
Sana 'wag mong ipagpalit ang isang pansamantalang bagay para sa isang permanenteng desisyon.
BINABASA MO ANG
Contest Entries
AléatoireMga pinasa kong entries sa samu't saring contests na sinalihan ko rito sa Wattpad. Unedited craps.