A/N: Ang "Miraquel's Miracles" ay lahok sa DMCI Homes' Saranggola Blog Awards 2016 para sa kategoryang "Maikling Kwento" na may paksang Himala. Isa ring himala na maituturing na nanalo ito ng Ikalawang Karangalan.
MIRAQUEL'S MIRACLES
SA PANULAT NI JELLY CHRONOLOGY
* * *
0. ANG PANIMULA
Hindi naniniwala sa Diyos si Lola.
Hindi rin siya naniniwala sa anghel. O kahit sa demonyo. Pero kapag nagagalit naman siya, lagi niyang bulalas 'yong mga salita na 'O jusko!' o kaya 'Pisting yawa!'. Hindi siya naniniwala sa langit o sa impyerno. Tinanong ko siya isang beses tungkol sa afterlife. Sabi niya, isa lang naman daw ang buhay ng mga tao. Kapag namatay ka na, e'di deads ka na. Hindi ka na tutubuan ng pakpak o ng sungay kapag nalagutan. Kumbaga, e, YOLO (You Only Live Once) ang peg ni Lola sa buhay.
Kung gaano naman ka-atheist si Lola, e kina-religious naman ni Mama. Present na present siya sa bible studies. Puro memory verses ang status sa Facebook. Kahit nga 'yong mga selfies niya e words from the Bible pa rin ang caption. Mga amiga niya rin ang mga asawa ng Pastor sa Church namin at minsan nag-le-lead pa sa pagkanta ng worship songs kahit madalas ay hinahabol naman siya ng band.
"Ma, sama naman kayo sa Bible study minsan. May libreng pa-pansit doon."
Iiling si Lola kapag sinasabihan siya ni Mama ng ganito. Favorite ni Lola ang pansit. Minsan nga ay bakas sa mukha niya na natutukso siyang tanggapin ang invitations ni Mama, pero in the end, lagi namang 'Ayoko' ang final answer niya.
Hindi rin naman ako relihiyosa pero naniniwala ako sa Diyos. Kaya nga may mga pagkakataon din namang pinipilit ko si Lola magsimba. Halos gabi-gabi rin akong nagdadasal na sana dumating 'yong panahon na matuklasan niya 'yong pananampalataya niya.
Kaya nga isang araw, hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa isipan ni Lola at parang nagka-himala yata.
"Miraquel," ani Lola habang nanonood ng Eat Bulaga. Nabaling ang tingin ko sa kanya at napansin na hindi naman umalis ang tingin niya sa TV pero nakaupo siya nang tuwid. Lagi namang nakasandal si Lola kapag kumportable, kaya naramdaman kong seryoso ang sasabihin niya no'n at hindi niya lang ako uutusang hanapin ang salamin niya kahit nasa ulo niya naman.
"Ano po 'yon, 'La?"
"Pupunta akong simabahan ninyo."
Tuluyan niya nang naagaw ang atensyon ko no'n. "Ha? Totoo po?"
Nakapokus pa rin siya sa TV pero umusog siya kaunti palapit sa tabi ko. "Oo, pero may mga kondisyon ako."
Pinilit kong hindi makinig sa nakakakilig na mga banat ng AlDub at pinakinggan nang mabuti 'yong mga kondisyon niya. Hindi simple. S'yempre. Hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa'kin kung ano ba talagang naging dahilan para humingi siya ng mga kondisyon na 'yon: tatlong himala na kailangan matupad patungong kaligtasan.
I. ANG UNANG HIMALA: ANG DYIPNI NI MANG BERTING
Frenemies sina Lola at Mang Berting. Minsan makikita mong nagtatawanan at minsan din naman ay magkakasagutan... madalas tungkol sa jeep ni Mang Berting. Kahit ako rin naman naiinis, paano ba naman kasi, ginawang parking space ni Mang Berting ang labas ng gate namin. Sa tuwing lalabas ako ng bahay, 'yong kulay blue na may yellow na jeep niya agad ang bubungad sa'kin.
BINABASA MO ANG
Contest Entries
De TodoMga pinasa kong entries sa samu't saring contests na sinalihan ko rito sa Wattpad. Unedited craps.