O N E

1.3K 16 0
                                    

Yohan Salcedo...........Rm418

Kaklase ko na naman siya.

"Teka si Syl ba yon?" Tumingin ako sa boses na narinig ko.

Nakita ko si Yohan.

"Oy si Syl nga!" Tumakbo siya papalapit sakin. Iniwanan niya yung mga kasama niya.

Ngumiti siya ng napakalapad pagkahinto niya sa harapan ko.

"Hi!!!" Bati niya sakin ng parang bata.

Napangiti na lang ako sa pagkaisip bata niya.

"Ay walang hello." Sumimangot siya ng parang nagtatampo.

"Hahahahhah! Hello Yohan!" Inakbayan ko siya.

"Ano room mo, Syl?" Tanong niya sakin habang hinahanap niya kung anong room number niya.

"Wag ka na maghanap. Magka room tayo." Sabi ko.

"Yes! May tropa ako!" She smiled.

Pumunta kami sa assigned room namin.

Umupo kami sa may bandang likod na part ng classroom. Pagkaupo namin agad niyang nilabas yung phone niya.

"Bat di pa nagtetext sakin sila Jayce?" Tanong niya sa sarili niya.

Dito sa school may tatlong kuya-kuyahan si Yohan. Si Jayce Espinosa , Jyrus Dela Vega at Daniel Tejano.

Parang bodyguard niya yung tatlo. Hindi mo makikita yang si Yohan tuwing uwian na hindi kasama ni isa man sa tatlong yon.

"Andito po ba si Yohan?" Napatingin ako sa nagtanong. Si Jayce, at nasa likod niya yung dalawa.

"Oy!!! Jayce!" Sigaw naman netong ni Yohan at tumakbo papunta kayla Jayce.

Habang dumadaldal si Yohan sa kanila nakatingin sakin si Jyrus.

Bilang lalaki unang tingin pa lang alam kong may gusto toh kay Yohan.

Lamang ako sa itsura kay Jyrus kaso mas lamang siya sa ugali. Tas mas close pa sila ni Yohan kesa sakin. Maski simula freshman pa lang kami ni Yohan magkakilala, at sophomore lang sila naging magkaibigan ni Jyrus, mas close pa rin sila.

"Syl!" Lumingon ako kay Andrew.

"Bakit?" Sagot ko.

"Bakit ka nakatitig kay Yohan?" Tanong niya.

"Bakit masama ba?"

"Hindi. Baka matunaw lang naman si Yohan sa ginagawa mo." Biro niya.

"G*go." Binatukan ko siya.

"Hahahahha! Tae nakakatigang kase yang si Yohan eh. Laki ng dede." Nag init yung ulo ko sa sinabi nitong walang hiyang kumag na toh.

"Put*ngin* ka! Pati ba naman si Yohan mamanyakin mo!" Binatukan ko ulit siya. Pero mas malakas kesa kanina.

"Joke lang! Grabe ka naman! Sayong sayo na!" Sabi niya habang lumalayo sakin.

Parang g*go ampota. Pinagpapantasyahan si Yohan.

Sinilip ko sa peripheral vision ko sila Yohan. Nakatingin sila Jayce sakin at parang kinikilig si Yohan.

Ang cute talaga netong babaeng toh.

..................

"Syl Firmanes."

"Present." Sagot ko ng ma attendance yung prof namin.

Humikab ako at napatingin sa katabi ko.

Nakatitig lang kasi tong si Yohan sakin.

"Ang haba ng pilikmata mo." Sabi niya at biglang hinawakan yung pilikmata ko kaya napapikit ako.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon