S I X T E E N

224 9 0
                                    

[Yohan's POV]

Nagising ako sa tunog ng alarm ko. Agad kong pinatay yun at nag unat.

"Anak! Gising na!" Narinig kong sigaw ng mama ko galing sa baba.

"..." What?!

"..." Oh shit!

WALA AKONG BOSES?!

Naramdaman ko yung unti unting paghapdi ng lalamunan ko.

Agad akong tumakbo pababa at pumunta kay mama.

Kinalabit ko siya at sinenyasan siya na wala akong boses.

"Ibuka mo nga yung bibig mo at ilabas mo ng kaunti yung dila mo. Tignan natin, baka sore throat yan." Agad kong ginawa yung sinasabi ni mama.

"Ay nako. Mag mumumog ka na agad ng may asin para maibsan yung pamamaga niyan." Sabi ni mama.

Matapos kong magmumumog ng may asin ay pumunta na ako sa dining room para kumain.

*Subo ng ulam

Shet! Ang alat.

*Subo ng kanin

Medyo maalat.

Nu bayan. Wala akong makakain ng maayos neto eh. Ang hirap pang lumunon.

.......................

Nagaalangan ako ngayon bumaba sa kotse ni kuya Denzel.

"Hoy ano? Papasok ka ba?" Pagtatanong niya ulit sakin.

Paulit ulit niya na kasi ako tinatanong simula pa lang nung bago niya ako ihatid dito sa school.

At sa tantsa ko mga 15 mins na kaming andito nakatengga sa harap ng school.

Tumango na lang ako at tska bumaba ng sasakyan niya.

Ibinaba niya yung bintana ng sasakyan niya.

"Ingat, bunso." He smiled at me.

"..." Oh sige! Hanggang ngayon wala pa rin akong boses.

I just waved him goodbye.

Marami nang tao sa room ng makaakyat ako. Medyo malapit na kasi yung time.

Hay nako. Isang araw na naman toh na maraming magtatanong kung bakit ako tahimik. Nasanay kase yung mga tao sa paligid ko na madaldal ako palagi.

It's easier to ignore them than try to speak with this case of mine.

[Syl's POV]

Kumakain kami sa canteen ng tropa ko. Naguusap sila tungkol sa katawan ng babae.

Oo, tama. Katawan ng babae.

Nawawalan na ako ng interes sa mga ganyang usapan netong mga nakaraan na araw.

Ewan ko ba. Dati naman ako nga minsan yung promotor ng ganyang usapan.

"Mapapa-ugh ka na lang talaga eh!" Sabi ni Andrew at nagtawanan sila.

"Mas gusto ko pa rin talaga yung medyo chubby na babae kesa yung mga mapapayat." Sabi ni Ford.

"Alam namin. Halata naman sa mga ex mo eh." Sabi naman ni Axel. Nagtawanan kami.

"Aba! Gago ka ah!" Pagaangas ni Ford pero tumatawa rin siya.

"Uy pre! Si Yohan!" Tumuro si Andrew sa isang direksyon at liningon ko agad ito.

Pero walang Yohan.

"Ay nako! Yohan na talaga siya." Pang aasar sakin ni Andrew. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Uy oh! Yun yung tropa niya." Turo naman ni Ford.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon