[Syl's POV]
Anika
Siya yung babaeng pinakamatalik kong kaibigan.
"Anika!" Agad akong tumakbo papunta sa kanya at yinakap siya.
"Oh! Easy ka lang!" She laughed.
"Bakit ngayon ka lang bumisita ulit?" Tanong ko sa kanya pagkabitaw ko sa yakap namin.
"Wala eh. Ngayon lang nagkaron ulit ng pagkakataon."
Grabe ang laki na ng pinagbago niya.
"Oh baka matunaw na ako niyan!" Kinurot niya yung pisngi ko.
Limang taon din kasi kami hindi nagkita.
"Pumunta ka na ba sa bahay?" Tanong ko sa kanya.
"Oo, kaya nga nalaman ko na andito ka eh." Ngumiti siya sakin.
"Kumain ka na ba? Tara kain muna tayo." Inaya ko siya maski kumain na ako.
Hindi ko na siya hinintay makapagsalita kasi alam kong tatanggi siya. May anorexia kasi siya. Pero hindi pa naman siya ganon kapayat.
"Kai! Mia! Uwi na! Kain muna tayo." Pag aaya ko sa mga kapatid ko.
Pinaghandaan kami ni Mama ng pagkain. Ngayon ko lang rin napansin na tanghalian na rin pala.
"Ah eh.. ayaw ko po kumain. Okay lang po ako." Pagtatanggi ni Anika.
"Tsk tsk. Bawal yan. Dito samin bawal lumiban sa pagkain." Iniupo ko siya sa may hapag kainan.
Ako na rin yung nagsandok sa plato niya.
"Syl naman eh." Pagaangal niya.
"Shh.. kumain ka na." I smiled at her.
Wala na siyang nagawa kundi kumain.
Sabay sabay kaming lumaki nila Andrew. Nahiwalay lang si Anika nung lumipat yung pamilya niya sa probinsya. Pero paminsan minsan bumibisita siya dito samin.
Ngayon nga lang, wala na rin dito si Andrew. Pero buti na lang at parehas pa rin kami ng school na pinapasukan.
..................
Napagdesisyunan ko na ayain si Anika na lumabas ng hapon para kumain ng ice cream sa malapit na ice cream parlor samin.
Dinala rin namin si Mia. 12 years old na si Mia pero medyo isip bata pa rin siya.
"Laki na ni Mia noh?" Napatingin ako kay Anika, nakatingin lang siya kay Mia habang naglalaro ito.
"Oo nga eh." Tumingin din ako kay Mia. Pero mas may nakakuha ng atensyon ko.
Si Yohan ba iyon?
Patakbong lumabas yung babae galing dito sa ice cream parlor. May karga-karga rin siyang batang babae.
Parang si Yohan talaga iyon eh. Di ako pwedeng magkamali. Kabisado ko yung itsura ni Yohan. Lalo na yung buhok niya.
"Syl? Okay ka lang?" Hinawakan ako ni Anika sa balikat kaya napatingin ako sa kanya.
"H-ha?"
"Sabi ko, okay ka lang? Mukha kang sinabuyan ng tubig eh." Pilit ko na lang nginitian si Mia.
Si Yohan ba talaga iyon?
[Yohan's POV]
Apat na araw na simula nung huli akong lumabas dito sa bahay. Nasa kwarto nga lang ako palagi eh.
Nagasisimula na rin magtanong sila mama kung ano bang nangyayari sa akin.
Maski ako rin hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin eh.
BINABASA MO ANG
Fall For You
RomansaIt's hard to find the girl that I want. Because I don't even know what kind of girl I was attracted to. But when I met this girl... I just fall for her slowly but deeply. She's just so.... Perfect. I want her but I am afraid of having her.