T W E N T Y - S E V E N

152 7 1
                                    

[Yohan's POV]

"Hindi ka pa rin talaga nagbabago. Hindi mo pa rin maialis ang tingin mo sa mata ko, Han-han."

Nanlaki ang mga mata ko sa aking natuklasan.

"G-gabs?" Garalgal na ang boses ko dahil naiiyak na ako.

"Yupp. That's me." Ngumiti siya at ibinuka niya ang braso niya.

Agad ko siyang yinakap ng napaka higpit.

"Shit! Bat hindi ka agad nagpakilala?!" Hinampas ko siya sa dibdib pagkabitaw ko sa yakap namin.

"Akala ko kasi ay nakalimutan mo na ako." Naiyak na ako ng tuluyan. Yinakap naman agad ako ni Gabs. Yung ulo ko ay nabaon sa dibdib niya.

"Gago ka talaga." Tinawanan niya lang ako.

"EHEM! EHEM! ANO YAN?!" Tumingin ako kayla Avery. Lahat sila nakabukha ang bibig.

Bumitaw muli ako sa yakap ni Gabs, nagpunas muna ako ng luha bago ako humarap sa mapanghusga kong mga kaibigan.

"Ahmm.. guys, si Gabs nga pala..." Tumingin ako kay Gabs at ngumiti.

"What the? Alam na namin yon Yohan. Ang ipaliwanag mo ay kung bakit kayo ganyan?" Mataray na tanong ni Nathalie.

"Teka lang kasi! Hindi pa ako tapos eh!" Bwisit. Puro kasi salita ng salita, hindi muna makinig.

"...kababata ko." Pagpapatuloy ko.

Lahat sila ay nangunot ang noo. Nagtataka siguro sila.

"Long story short. Sila Gabs yung may ari ng apartment na tinutuluyan namin dati nung wala pa kaming sariling bahay. Naging magkaibigan kami at nagkalayo kami nung nag-8 ako. Nakabili na kasi that time sila mama ng bahay at lupa doon sa village na tinitirahan namin ngayon." Pagpapaliwanag ko.

Naputol yung connection namin ni Gabs simula non. Hindi ko nga alam ang buong pangalan ni Gabs noon kasi Gabs lang ang pagpapakilala niya sa akin.

Hindi rin naman alam nila mama ang apelyedo nila dahil hindi naman nila ito naitanong dati.

4 na taon lang kaming naging magkaibigan ni Gabs ngunit sobrang naging magkalapit kami. Sa buong buhay ko nga ay siya lang ang merong naisip na nickname para sakin. Han-han, yaan ang tinatawag niya sa akin dati dahil hindi siya makabigkas ng "y".

Tulad ni Dave at Syl, maganda rin ang mata nito ni Gabs. Kung tutuusin nga, si Gabs ang may pinakamagandang mata sa kanilang tatlo.

Para kasing salamin ang mata ni Gabs. Parati itong parang iiyak dahil sa sobrang kintab nito. Brown ang kulay ng kanyang mata dahil sa pagkakaalam ko ay may lahi ang kanyang ama. Ngunit sa pagkakaalala ko rin ay mukha namang pinoy ang kanyang tatay.

"Nakatingin ka na naman sa mata ko." I shook my head, hindi ko talaga maiwasan mapatitig sa mata niya.

"It's okay..." Hinawakan niya ang baba ko, sanhi upang mapatingin muli ako sa mata niya.

"...pwede mo akong titigan kahit anong oras."

Naginit muli ang aking pisngi.

"Gabs! Tumigil ka nga!" Ngumuso ako. Inaasar niya ako eh.

"Joke lang!" Tumawa siya at ginulo ang buhok ko.

Ipinunta ni Gabs ang atensyon niya sa mga kaibigan ko. Nagkwento siya ng kung ano ano. Nakuha naman agad niya ang loob ng mga ito. Lalo na si Avery. Napag alaman kasi nilang dalawa na parehas silang mahilig mag basa ng libro at manood ng movies.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon