[Yohan's POV]
Lahat ay maigi lang nakikinig at hindi nagsasalita.
"Uupo na ako doon!" Tumayo si Syl, bitbit niya yung bag niya. Mabigat ang mga hakbang na binitawan niya habang papalapit sa upuan niya dati.
Gumalaw ang panga ni Gabriel bago siya tumayo para harapin si Syl.
Bakit parang bigla akong kinilabutan sa nangyayari.
"Alis diyan. Diyan upuan ko." Walang emosyon na sabi ni Syl.
Hinawi ni Syl si Gabriel pero hindi ito gumalaw.
"Teka lang. Sa pagkaka-alam ko ay dito ako pinapaupo ni sir." Sabi ni Gabriel.
Lumapit si Syl sa kanya. Doon ko lang napansin na mas matangkad si Gabriel kay Syl at mas malaki ang katawan.
Sa pagkaka alala ko ay 5"7 lang si Syl at kung tatanyahin naman, si Gabriel siguro ay nasa 5"10.
"Diyan ako uupo. Ako ang masusunod... bagong salta ka lang kaya wag kang maangas." Mahina pero malinaw na sabi ni Syl.
"Ako ba ang nauna?" May ngiting nakalagay sa labi ni Gabriel na sa pusta ko ay kakainisan ni Syl.
"Tama na yan! Andito ako sa harapan! Mga walang modo!" Sigaw ni sir.
Eh baliw rin pala etong si sir eh. Edi sana kanina pa siya nanita bago pa nagkainitan yung dalawa.
Ay teka, bakit parang nagshower si sir?
Nagtitigan lang si Syl at Gabriel. Kung cartoons toh baka may animation na kuryenteng linya sa mata nila.
"Bro, tama na yan." Hinila na ni Axel si Syl palayo kay Gabriel papunta sa inuupuan nito kanina.
"Hindi ako dito nakaupo, doon ako sa tabi ni Yohan." Biglang parang naramdaman ko lahat ng dugo ko sa tenga.
Nagpintig eh.
Napasingahap ako, "Edi sana hindi ka umaalis diba? Tapos ngayon magagalit ka na may papalit na sayo? Ano ka? Bata?" I sarcastically laughed in the end.
Biglang parang nag iba yung aura ni Syl. Nawalan ng emosyon yung mga mata niya na kanina lang ay parang galit na galit.
"I said that's enough!" Ang sunod na narinig namin ay isang malakas na pagbagsak ng isang bagay sa lapag.
"SIR!!"
....................
Hindi na pinagklase ang section namin dahil sa nangyari.
Matapos idala si sir sa ospital ay lahat kami ay parang pinatayan na sindi na kandila.
"Grabe hindi pa talaga nagreregister sakin yung nangyare." Napasapo sa noo si Nathalie.
"Na inatake si sir?" Tanong ni Ryleigh.
"Hindi." Napatingin tuloy ako kay Nathalie.
"Eh dahil naman saan?" Tanong naman ni Ellie.
"Dahil sa pagaaway ni Syl at nung newbie dahil kay Yohan." Napanganga ako.
Sa lahat ng nangyari yun yung hindi niya ma-absorb?!
"Oo nga! Ang haba ng hair mo bessy!" Sabi naman ni Ryleigh.
"Grabe talaga, as in. Like what the fuck? Kakadating pa lang ni Gabriel pero nakuha mo na agad. Grabe ka ate! Kinabog mo kaming lahat!" Sabi ni Nathalie.
"Wag nga kayong ano! Inatake na si sir tas yan pa yung inuuna niyo." Sabi ko na lang. Sa totoo, iniiwasan ko lang naman yung topic. Ayaw ko muna kasi pagusapan.
BINABASA MO ANG
Fall For You
RomanceIt's hard to find the girl that I want. Because I don't even know what kind of girl I was attracted to. But when I met this girl... I just fall for her slowly but deeply. She's just so.... Perfect. I want her but I am afraid of having her.