[Weyn's POV]
After Syl tortured me with that fucking jacket, he decided to change his clothes.
Papalapit nga siya sakin ngayon actually eh at kakapalit niya lang.
Anak naman ng tinapa at tupa. Nakasando siya bes. Jusme.
Please naman oh! Have mercy on me.
"Yohan!" Tawag niya sakin nang makalapit siya.
"Bat ka nag sando?" Tanong ko sa kanya.
"Eh wala na akong mahiram na iba eh." Sabi niya at napakamot siya ng ulo.
"Psh."
"Oy at least mabango na ako ngayon!"
"Mabaho ka pa rin!" I acted like he smells awful but... Bes. Pucha. Ang bango niya.
"Luh!" Inamoy niya yung sarili niya. Natawa na lang ako.
"Hindi naman ah!" He protested and I laughed harder.
"Ikaw nga tong kanina pang pawisan pero di pa rin nagpapalit!" Pang aasar niya.
Aba! Leche toh ah.
Napahinto tuloy ako sa pagtawa at napa amoy sa sarili ko.
Hindi naman ako mabaho. Amoy pagod lang. HAHAHAHHAHA!
Sinamaan ko ng tingin si Syl.
"Joke lang!" He laughed.
Inirapan ko lang siya.
Tinalikuran ko lang siya at akmang pupunta ng room. Magpapalit din ako! Nakakahiya naman sa kanya eh! Leche.
"Hoy! Joke lang!" Pagpipigil niya sakin at inakbayan ako.
"Eh nakakahiya naman kasi sayo diba?" I said bitterly.
"Grabe naman."
Inirapan ko na lang siya ulit at iniwagwag yung balikat ko para malaglag yung braso niya.
Wala siyang nagawa kaya ipinasok na lang niya iyon sa bulsa niya.
Aalis na sana ako ng may sabihin siya.
"Wag ka nga muna magpalit. Pagpapawisan ka lang ulit. Baka wala ka nang pampalit mamaya. Matutuyuan ka lang ng pawis." Sabi niya ng hindi tumitingin sa direksyon ko.
Hindi ko alam yung gagawin ko nun kaya hindi na lang ako umalis at tumahimik na lang.
Nag aalala siya sakin.
Pucha.
He do have a care about me.
He do fucking care care about me!!!
Habang nagpapractice kami napapansin ko yung...
Yung kilikili ni Syl. AHAHHAHAH!
Shet! Woooohhh!!
Bat ganun?! Ang sexy nung kilikili niya!
Natapos na lahat lahat kame mag practice pero di pa rin ako maka get over sa kilikili niya. At syempre sama na natin yung pagpapakita niya ng halaga sakin.
"Laki ata ng ngiti mo jan?" Napatingin ako kay Jyrus.
Nginitian ko lang siya. Umupo siya sa tabi ko.
Andito kasi ako nakaupo sa bleachers sa open field. Hinihintay ko si Avery.
"Oy ikaw ah! Nakita namin kayo kanina ni Syl." Pang aasar niya sakin.
"Ah eh.. hahahahha." Wala akong masabi eh.
"Yiee!" Siniko niya ako kaya natawa na lang rin ako.
BINABASA MO ANG
Fall For You
RomanceIt's hard to find the girl that I want. Because I don't even know what kind of girl I was attracted to. But when I met this girl... I just fall for her slowly but deeply. She's just so.... Perfect. I want her but I am afraid of having her.