T H I R T Y

80 5 0
                                    

[Yohan's POV]

Nangako ako sa sarili ko na maaga akong matutulog ngayong gabi dahil kaylangang maaga ako makapunta ng school bukas. Ipapasa ko pa kasi yung nga form na inayos namin ni Syl.

Kaso sa tuwing maalala ko yung ginawa ni Syl sakin ay hindi ako makatulog. Para nga akong maiihi palagi sa kilig.

Alas kwatro pa lang ng madaling araw ay nagising na ako at hindi na muling makatulog. Kaya naligo na lang ako at inayos ko na lang muli ang forms.

Napunta ako sa form ni Syl.

Nangunot ang aking noo nang mabasa ko sa medical certificate niya na okay lang ang lung condition niya.

Ang alam ko ay meron siyang hika. Hindi naman ito ganon kalala, pero hika pa rin yun at delikado pag nasagad siya.

Halos mapatalon ako sa gulat nang tumunog ang phone ko.

Tinignan ko ito, nag chat lang pala sakit si Syl.

Teka, ang aga pa ah. Bat gising na toh? Magaalasingko pa lang eh.

Syl: Hoy babae hahaha
Me: Hoy lalaki
Syl: Ano oras ka papasok?
Me: Mga 6:30 papasa ko pa kasi yung forms niyo eh

Bakit niya kaya natanong? Ano kayang balak na naman nito?

Hay nako Yohan! Wag maging ilusyonada ha? Okay?

"Ang tagal naman nitong mag reply." Ibaba ko na sana uli yung phone ko nang mag-message siya ulit.

Syl: Okay

"What?" Ano? Ayun lang yon?

Tinignan ko muli yung sinend niya, nagbabakasakaling baka mali lang ako ng basa. Kaso wala, ayun, yun lang talaga.

Pagka-exit ko sa convo namin ni Syl ay nakita kong online si Gabriel.

"Ichachat ko ba o hindi?" I kissed my teeth while thinking.

Sige na nga ichachat ko na.

Kaso bago pa ko pa mapindot ang pangalan niya ay nag message na siya.

Gabs: Morning han-han! 😊

Ay wow. May emoticon.

Di ko namalayang may namuo nang ngiti sa aking mga labi.

Me: Good morning din! 😊
Gabs: Anong oras ka papasok?

Okay... Bakit nila ako tinatanong kung anong oras ako papasok? Anong meron?

Me: Mga 6:30 kaylangan maaga ko kasi ipasa yung forms eh.
Gabs: Gusto mo sunduin kita?

What?

Me:Wag na Gabs. Okay lang ako.
Gabs: Please? :3

Oh damn. A pout. My weakness.

Me: Hahahaha! If you insist
Gabs: I really do ;)

Fck. Ngayon naman kindat. Jusme pinapatay ata ako netong lalaking toh. Partida, di pa yan actual na wink at pout ah. Pano pa kaya pag actual na talaga? Baka maihi ako ng wala sa oras.

Nagusap pa kami ni Gabs tungkol sa kung ano anong bagay. Namalayan ko na lang na ala sais na pala nang katukin na ako ng lokoloko kong kuya.

"YOHAN! GISING NA! ANG PANGET MO!" Sigaw niya mula sa labas ng kwarto ko.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon