F O U R T E E N

178 10 0
                                    

[Yohan's POV]

Nagtatampo ata si Syl sakin. HAHAHAHHA!

Hindi kasi ako pinapansin. Isang subject na lang bago mag lunch pero di niya pa rin ako kinakausap tas parang medyo iwas siya.

Tsk tsk tsk.

"Since we have a new room for our drafting class, we will also be having a new seating arrangement." Sabi ng panot naming teacher.

"Boy-girl-boy-girl arrangement natin ah." He added.

Sino kaya makakatabi ko? Sana isa sa kuya kuyahan ko.

"Dito muna tayo sa left side. 1st row: Avery, Gino, Nathalie, Adrian. 2nd row: Ellie, Daniel, Ryleigh, Jayce." Oh sige na! Sila na magkakatabi!

Natapos na i-arrange yung left side hindi pa rin ako natatawag.

"Right side naman tayo. 1st row: Yohan, Syl..."

WHAT?!

Napalingon ako kay Syl at nakangisi ang gago.

"Ayts!" I groaned.

Umupo na ako sa assigned seat ko at dinukdok ko agad yung ulo ko sa braso ko.

Bakit ba siya yung tinabi sakin?!

"...2nd row:... Jyrus..." Tumingin agad ako sa likuran namin ni Syl.

"Oy Jyrus! Yey! Magkasama tayo!" Sabi ko at nakipag apir siya sakin.

"Oo nga eh. Iniwan nila tayo." Pagsasang ayon niya.

Nagdaldalan lang kami ni Jyrus tungkol sa kung ano ano.

Sinita ako ni sir nung napatawa ako ng malakas.

Tumahimik naman agad ako at umupo ng maayos.

"Ayan kase. Ang daldal." Syl mumbled.

Inambaan ko lang siya ng suntok. Pag kase nagsalita pa ako at marinig ni sir baka palabasin na ako.

Nakinig na lang ako sa sinasabi nung panot na yun kahit wala akong maintindihan.

Naramdaman kong umuusog si Syl papalapit sakin.

Magkadikit na nga braso namin eh.

"Hoy ano ba?" Nakakainis tong lalaking toh ah!

"Bakit?" He laughed.

"Tch. Tumigil ka nga!" Sabi ko at umusog ng onti papalayo.

"Dito ka lang." Hinila niya ulit ako pabalik.

I rolled my eyes. Wala naman akong magagawa eh.

Gusto ko rin naman.

....................

Naguguluhan ako.

Bakit bang palaging sinasabi ni Syl "Dito ka lang" tuwing aalisan ko siya?

Hmmm.. di kaya ano.. umm..

May gusto rin siya sakin?

Wth?!

"Aish! Baliw baliw!" I hit my head continuously with my hand.

Tanga ka na ba Yohan?! Assumera kang bruha ka!

Ugh! Kinakausap ko na sarili ko! Peste.

Andito ako sa likod ngayon ng room namin at nakaupo lang sa lapag. Break naman namin ngayon kaya wala kaming ginagawa.

Kapag break naman dito samin sa room madalas onti lang yung tao kase sa labas sila kumakain.

Nakatulala lang ako at wala akong pake sa paligid ko.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon