[Yohan's POV]
"Yohan?" Nawisyo ulit ako ng tawagin niya muli ang aking pangalan.
Agad akong umayos ng tayo at tska siya nginitian.
"Oh Syl! Hi!" Bati ko sa kanya.
Napadapo yung tingin ko sa babaeng katabi niya. Kung hindi ako nagkakamali, siya rin yung babae na kasama niya sa ice cream parlor nung isang araw.
"Hi rin sayo!" Nginitian ko rin ito.
"Erm.. hi?" Parang nag aalangan pa yung babae na toh batiin ako ah.
Muli kaming nagkatinginan ni Syl. At unti-unting nangunot yung noo niya.
Tumaas ang kamay niya at napadpad ito sa buhok ko.
"Anong ginawa mo sa buhok mo?" Tanong nito habang pinagmamasdan ng maigi yung buhok ko.
Ano ba tong lalaking toh, medyo bobo.
"Hindi ba halata? Pinagupitan at pinakulayan ko." Pambabara ko.
Narinig ko muli ang hagikhik ni Avery.
"Bakit ka nagpagupit?" Tumingin naman siya ngayon sa mata ko.
Napairap ako. "Kase gusto ko. Tska buhok ko naman toh ah. Ano bang pake mo?" Halatang nagulat si Syl, pero agad naman niya itong inalis.
"You know what, Syl? Hindi ko alam kung anong relasyon niyo pero let her be. She's right, it's her hair, her life so hayaan mo na siya. Let's leave." Pagkasabi ng babae ay hinila niya na paalis si Syl.
Pinagmasdan ko lang silang umalis.
"What just happened?" Napatakip ng bibig si Avery na parang manghang-mangha sa nangyari.
"Oh?! Bat ka umiiyak?!" Napahawak ako sa pisngi ko, may lumandas palang luha sa akong mata.
Pinunasan ko iyon at pinilit ngumiti.
"Tara kain tayo!" Pag aaya ko kay Avery. Nakakunot ang noo niya habang pinagmamasdan lang ako.
Naging tahimik ako sa buong pagkain namin. Ewan ko ba, pero kahit anong gawin ko may nararamdaman akong sakit eh.
Hinatid na ako ni Avery sa bahay, ayaw niya akong iwanan baka kase daw matanga ako at baka ano pa daw mangyari sa akin.
"Uy bes, di na ako papasok sa loob ah. Late na rin kasi." Pagpaaalam ni Avery sakin nang makatungtong kami sa harapan ng bahay ko.
Tinanguan ko lang siya.
"Aish! Umayos ka nga! Di kawalan yung mokong na yon! Mag move on ka!" Pinilit ko na lang siyang ngitian.
"Opo! Sige na! Uwi ka na." Tinulak tulak ko pa siya palayo para umuwi na siya.
Pinasadahan niya muna ako ng masamang tingin bago umalis.
"Yohan!" Lumingon ako sa banda kung saan nanggaling yung boses.
"Seth." I smiled at him.
Lumapit siya sa akin.
"Musta na?" Tanong niya.
"Eto.. nagpapaka okay." Huminga ako ng malalim.
"Oh bakit?"
"Too much attached." Nagkibit balikat ako.
Napahinga rin siya ng malalim bago siya ngumiti.
"I guess, this is about a guy." I nodded. Inakbayan niya ako.
"Alam mo, hindi dapat sineseryoso ang pag ibig. I swear love doesn't last long." What is he saying?
"So... You're teaching me to be a fuckgirl?" I joked.
BINABASA MO ANG
Fall For You
RomanceIt's hard to find the girl that I want. Because I don't even know what kind of girl I was attracted to. But when I met this girl... I just fall for her slowly but deeply. She's just so.... Perfect. I want her but I am afraid of having her.