[Yohan's POV]
Andito ako sa labas ng classroom. Kakadating ko lang at nag aalangan akong pumasok. Andoon na kasi si Syl sa loob.
Bat ang aga kasi pumasok neto ngayon eh! Dati naman, ako yung nauuna!
Haist!
"Oh bat andiyan ka sa labas?" Napatingin ako kung sino yung babaeng lumapit sakin.
Mali pala. Babaeng kabayo pala. Pangalanan natin para di nakakahiya, si Elle (aka babaeng nakipagpalit ng mukha sa kabayo. Tsk.)
"Bakit? Bawal na ba dito?" Sarkastiko kong tanong.
Nabasa ko sa mata niya na parang napahiya siya sa sinabi ko. Kaya bago pa siya makasagot ay pumasok na lang ako sa loob ng classroom.
Biglang tumahimik yung grupo na nag iingay kanina. Na sa kasamaang palad ay yun yung grupo ni Syl.
Nakatingin lang sila sakin habang naglalakad ako.
Napairap na lang ako at umupo na ako sa upuan ko. Buti na lang hindi sa pwesto namin tumambay sila Syl kaya hindi gaanong kasakit sa ulo.
"Yohan! Good morning daw sabi ni Syl!" Sigaw ni Ford.
"Gago! Tumahimik ka nga." Sita naman sa kanya ni Syl.
"Ha ha." Sabi ko na lang at di na lang sila pinansin.
Wala pa si Avery kaya wala pa akong makausap sa ngayon. Ako lang mag isa dito sa row namin. Dahil nga si Syl andoon sa mga kaibigan niya.
Wala pa rin yung tatlo kong kuya sa likuran ko. Pati yung kambal at si Nathalie wala pa rin.
Bakit parang iniwan nila ako. Psh grabe. Dapat pala nagpalate ako ng onti.
Wala tuloy ako mapagtuunan ng pansin. Tapos na rin naman yung mga kaylangan kong gawin sa school.
"Baby.." Literal na nanginig ako sa narinig ko. Shit.
"Puta. Andrew kinikilabutan ako sayo." Sabi ko habang pinapagpag ko yung balikat ko na parang nandidiri.
"Luh?! Grabe siya! Ikaw pa lugi ah!" He laughed.
"Oo talaga." Bulong ko sa sarili ko.
Iniharap ko na lang yung sarili ko papunta sa upuan ni Avery, sa upuan kasi ni Syl naka upo tong si Andrew.
"Ay shepoy!" Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat.
Pano ba naman kasi, pagharap ko sa upuan ni Avery sumalubong sa akin yung mukha ni Syl.
Nakapangalumbaba pa siya sa desk ng armchair ko kaya ang lapit ng mukha niya sa akin. Tapos yung ngiti pa niya yung parang nang aasar. Yung hindi kita yung ngipin pero ngiting-ngiti.
"Ayiee!" Hiyaw naman ni Andrew sa likuran ko.
Tska ko lang napansin na nakapalibot pala sakin tropa neto ni Syl.
"Ano bang ginagawa niyo dito?! Umalis nga kayo!" Pantataboy ko sa kanila.
Utang na loob naman kase! Ang aga aga nambubwisit sila.
"Eh pano kung ayaw namin?" Nakakainis na tanong ni Ford.
Napahigop muna ako ng hangin at tska dahan dahan ko itong ibinuga. Nagiipon ako ng pasensya.
"Umalis na kayo. Galit na yan." Napatingin ako kay Syl dahil sa sinabi niya.
Sumunod naman agad yung mga kaibigan niya, pero umalis silang nakangisi.
Umupo na si Syl sa upuan niya. Tahimik lang siya.
Nagsuot na lang ako ng earphones at naglaro sa phone ko.
BINABASA MO ANG
Fall For You
RomanceIt's hard to find the girl that I want. Because I don't even know what kind of girl I was attracted to. But when I met this girl... I just fall for her slowly but deeply. She's just so.... Perfect. I want her but I am afraid of having her.