T E N

216 8 0
                                    

[Yohan's POV]

Kasama ko ngayon si Jyrus. Andito kami sa room. Hinihintay namin sila Daniel, Jayce at Avery. Nagpasa kasi sila ng kulang nilang requirements.

Uwian naman na kaya kami na lang natira ni Jy dito.

"Oy Jyrus!" Tawag ko sa kanya. Magkaharap yung upuan namin.

"Oh bakit?" Iniangat niya yung tingin niya sa phone niya.

"Sino crush mo?" Diretso kong tanong.

Napaubo siya ng kaunti at napakamot.

"Wala." Sagot niya sabay ngiti ng kakaiba. Yung tipong may ibang meaning na ngiti.

"Lah! Sino nga?" Pagpipilit ko.

Natawa siya kase nagpapacute ako.

Paawa effect ganern.

"Hahahahha! Wala nga!"

"Yohan!!" Lumingon kami ni Jyrus kay Avery. Makatawag naman.

"Oh bakit?" Tumayo ako at lumabas ng room.

"May naghahanap sayo dito oh!" Nakita ko si Avery hatak hatak si Dave.

"What?" Medyo natatawa tawa pa ako. Mukha kasi silang tangang dalawa na naghihilaan.

"Hoy bilis sabihin mo na kasi!" Biglang tinulak ni Avery si Dave papunta sakin.

Muntik nang salubungin ng mukha ko yung leeg ni Dave. Buti na lang napahawak siya sa pader na nasa likod ko.

Pero ang weird nung pwesto namin. Nasapagitan ako ng braso niya.

"Hoy ano yan?" Biglang napabitaw si Dave sa pader ng marinig namin magsalita si Jayce.

Napakamot sa ulo si Dave kaya natawa ako.

Tumingin tuloy siya sakin at ngumiti ng onti.

"Hoy dave ano yun?" Tanong ni Daniel kay Dave.

"Ah wala! Tinulak kase ako neto ni Avery eh." Sabi niya sabay tingin sa nakataas na kilay na si Avery.

"Sus. Nagustuhan mo rin naman." Mahinang sabi ni Avery pero narinig ko kaya natawa ko.

"Ano meron dito?" Tanong ni Jyrus na kakalabas lang ng room. Nakasuot na siya ng bag at bit bit niya yung bag ko.

"Oh Yohan." Binigay niya sakin yung bag ko.

"Tong si Dave kase dumadamoves kay Yohan." Sumbong ni Jayce.

"Yiee! Ikaw Dave ah! Di ka nagsasabi!" Pang aasar ni Jyrus kay Dave.

Tinadtad nila ng asar si Dave hanggang makalabas kami ng gate ng school. Pulang pula na tuloy yung tenga neto ni Dave.

Hindi na sumama sila Jyrus samin kumain nila Avery. May laro daw sila eh.

So eto.. si Dave yung kasama namin.

Ang daldal talaga nung ugok na toh eh.

Nag order kami ng friend noodles tas umupo kami sa table na bakante.

Magkatabi kami ni Avery tas sa tapat ko si Dave.

Nagkukwentuhan kami ni Avery tas si Dave pasingit singit lang.

One time nagjoke si Avery tas tumawa ako ng bongga kase palong palo sakin yung joke niya.

Tas nakatitig lang si Dave sakin habang tumatawa ako. Napangiti siya tas umiling.

Nung napatingin ako sa kanya kinurot niya yung pisngi ko.

"Aray! Mashaket!" Angal ko.

"Ang cuteeee mooo!" Pang gigigil ni Dave sakin.

Nagulat kaming dalawa ng piglang tapikin ni Avery yung kamay niya.

"Hoy! Bawal yan!" Pinitik ni Avery sa Noo si Dave.

"Aray!" Hinimashimas ni Dave yung noo niya.

Natawa na lang ako. BEST friend ko talaga toh eh.

Nung sinerve na yung noodles namin biglang sumubo agad si Dave.

"Ugh. Ang init!" Pagtatawanan ko na sana siya ng bigla siyang tumingala tas pumikit. Pucha medyo nakabukas pa yung bibig niya non.

"Shit." I said to myself. Ang pogi.

Napatingin ako kay Avery. Nakatulala rin siya eh.

"Ehem." I coughed.

Umiling na lang ako at inihipan yung noodles ko.

Jusme naman. Porn na ata yun eh. HAHAHAHAH! CHAR!

.............................
*Chat
Me: Oy Jyrus! May hindi ka pa sinasabi sakin
Jyrus: Huh? Ano yun?
M:Kung sino yung crush mo! Haahahaha!
J:lah! Di talaga nakalimutan! Hahahah!
M:Syempre! Oh sino ba kase?
J:Sa last day ko sasabihin. Ako mismo magsasabi sa kanya.
M:Enges naman! Hahahahah!

Okay. Di ko talaga siya mapapaamin kung sino yun.

Bat kaya ayaw niyang sabihin?

Yung kay Jayce alam namin. Yung akin alam nila.

Ang daya naman.

..............................

English class namin ngayon.

Nagchecheck ng attendance ngayon at may trip yung mga kaklase ko. Bawat pangalan na tinatawag, binabanggit nila yung mga crush o kaya yung mga nalilink sa taong yon.

"Jyrus Dela Vega"

"WOOOHH! YOHAN!" Sigaw ni Pat.

Tas sumunod nang naghiyawan yung mga kaklase namin.

Ano daw?

Teka nagloloading pa ako.

Lahat sila napatingin sakin.

Nginitian ko sila ng nakakaloko.

"Oy ikaw Jyrus ah! Crush mo pala ako." Sabi ko sabay tawa.

Nagtawanan rin yung mga kaklase namin.

Sus. Di naman yan totoo. Hahaha

Mamaya maya tinawag yung pangalan ni Syl.

"Syl Firmanes"

"YOHAN ULIT!" Sigaw ni Andrew.

Whoa. Ako? Why?

Naghiyawan ulit mga kaklase namin.

Binatukan ni Syl si Andrew.

"Grabe Yohan ah! Kumukota ka na! HAHAHAHAHA!" Pang aasar sakin ni Avery.

"Grabe. As if naman totoo yang mga asar na yan." Sabi ko at inirapan lang ako ni Avery.

....................

"Hoy Yohan!" Tinignan ko kung sino yung tumawag sakin.

Si Jyrus lang pala.

"Oh bakit?" Tumakbo siya papalapit sakin para masabayan niya akong maglakad.

"Yung kanina. Hahahha!" He awkwardly initiate the topic.

"Hahahah! Ano meron dun?" Medyo naaasiwa ako ah. Ang awkward pre. Ang awkward.

"Okay lang ba sayo yun?" Medyo half seryoso niyang tanong.

"Huh? Eh.. oo wala naman yun kaso sakin eh. Crush lang naman." Sabi ko.

Oo nga at wala naman talagang kaso sakin yon. Pero bes, kuyakuyahan ko toh. Kakaiba yung pakiramdam eh. Ang awkward na ewan.

Medyo natahimik kaming dalawa.

Nginitian niya lang ako tas pumunta na siya ulit kayla Jayce.

Jusko ano ba tong panyayaring toh?

Di ko tuloy alam kung legit yun o hindi eh.

Ang gulo! Hahahaah!

..........................

Sorry short update :)

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon