April
Eksaktong alas otso dumating si April. Si Betchy pa lang ang naabutan niyang tao roon
''Dumating na ba sina Arthur at Ronan?'' tanong niya. Kinuha niya sa opisina ang mga kailangan nilang dalhin.
''Hindi ka ba tinawagan ni Arthur?'' nakakunot noong sabi nito.
''May daraanan pa raw siyang iba kaya pinauuna ka na niya. Si Ronan naman daw ay may tatapusing plano na kailangan ng kliyente ngayong araw kaya hindi siya sasama. Kaya mo naman na raw mag-isa 'yon.''
She stopped dead on her tracks. No! tutol niya sa isip.
''By the way, Mr. Villuna wants to be picked up at eight thirty.'' iniabot nito sa kanya ang isang maliit na papel.
''Diyan mo raw siya pupuntahan. Nakahanda na ang service van pero hindi raw makakapasok ngayon 'yong driver dahil may sakit. Kaya mo naman sigurong mag-drive hanggang sa Zambales.''
Napatingin lang siya sa papel. Hindi siya makapaniwala sa sunod-sunod na pangyayari. Wala siyang nagawa kundi bumuntong hininga. Sinabi nalamang niya kay Betchy na ang kotse na lamang niya ang gagamitin niya. Pumayag naman ito. Nag ngingitngit pa rin ang kalooban niya habang nag mamaneho siya papunta sa lugar na pinag hihintayan ni Mr. Villuna. Sana ay kasama nito si Rod o kaya ay ibang staff nito.
Pag dating niya sa lugar ay agad niyang nakita s Miguel. She was quite surprised nang makitang hindi ito nakasuot ng business suit. Para kasing ipinanganak na itong naka suit at kurbata kaya hindi niya ma-imagine na hindi ganoon ang suot nito tuwing mag kikita sila.
Ayaw man niyang aminin pero magandang lalaki talaga ito. Kahit anong damit yata ang isuot nito ay bagay rito. He was wearing a white polo shirt and short khaki pants. Simple iyon pero malakas ang dating. Kung naroon si Elly, siguradong kinilig na iyon. Ibinaba niya ang bintana at binati ito.
''You're late,'' sagot nito.
Napatingin siya sa kanyang relo. It was only eight thirty-four. Apat na minuto lang siyang nahuli sa oras na sinabi nito. Besides, naipit siya sa traffic. Sumakay na ito sa pasenger's seat. He seemed not surprised to see her alone. Samantalang siya ay takang-taka kung bakit nag-iisa ito at walang sasakyan at driver.
''It's only eight thirty-four. Isa pa'y na traffic ako,'' di napigilang sabi niya.
Tiningnan siya nito at saka isinuot ang seat belt.
''Traffic is a lame excuse. When we start working together, you will learn i value my time.''
Hindi nalang siya nag react. Hindi rin siya hihingi ng sorry kung iyon ang inaasahan nito. mapanis ka sa paghihintay! Iisipin na lang niyang wala siyang kasama at may pader sa pagitan nila. Magkaroon na siya ng stiff neck pero hindi niya ito lilingunin. Pinaandar na niya ang sasakyan. Pagkalipas ng ilang minuto naramdaman niyang nakatingin ito sa kanya.
''Why are you staring?'' mataray na tanong niya. Sa sulok ng kanya mga mata ay nakita niyang ngumiti ito. Iyong klase ng ngiti nito na kinaiinisan niya.
''Hindi ka ba komportable sa akin?''
Napatingin siya rito. Mabuti at alam nito. Pero nunca na aminin niya iyon. Ngumiti siya.
''What made you say that?''
''It shows.''
''Well, you're wrong,'' pag kakaila niya.
''Mabait naman ako. Pero pag dating sa trabaho I'm quite a perfectionist. If my being straightforward offends you, get over it and don't let it affect your work.''
''You don't have to remind me that. Alam ko 'yon.'' She forced herself to smile again.
''Besides, you haven't seen me work so i think it's too early to presume I'm not doing my job well.''
Nilingon lang siya nito pero hindi nagkomento. Binuksan nalamang niya ang car stereo. My, i have to put up the next long hours sitting with the man, hinaing niya sa isip. Sana ay makarating na agad sila sa kanilang patutunguhan...
😌😌😌
BINABASA MO ANG
THE ARROGANT
Teen FictionArogante at dominante ang unang impresyon ni April kay Miguel ang labis pa niyang ikinainis dito ay parang sinisikap talaga nitong saksihan ang mga weak moments niya. She was recovering from a heartbreak and the least she needed was a man who keeps...