April
Hindi inaasahan ni April na ganoon kaliblib ang lugar na pupuntahan nila ni Migule. Nakapunta na siya sa Subic nang ilang beses pero iyon ang unang beses na nakarating siya sa Cawag. Hindi pa ganoong developed ang lugar. Mangilan-ngilan pa lamang ang mga bahay na nadaanan nila. Sa gawing kanan ay natanaw niya ang dagat. Sa kaliwa naman ay ang kakahuyan. Ang malaking parte niyon ay kalbo na. Mukhang ide-develop iyon at gagawing subdivision.
After a long drive ay nakarating sila sa villa. Noong una ay inisip niyang imposebleng magkaroon ng villa doon. Pero namangha siya pagkakita sa malaking villa ng mga Villuna. Nasa tuktok iyon ng burol. Sa ibaba niyon ay ang malawak na dagat.
Pagkatapos kunin ang mga gamit sa sasakyan ay sinundan na niya si Miguel sa loob ng villa. Sinalubong sila ng isang matandang katiwala roon. Ipinakilala siya rito ni Miguel. Nginitian at kinamayan niya si Mang Julio.
''Ililibot ka niya sa buong villa. Sabihin mo lang kung ready ka na,'' ani Miguel.
Tumango lang siya.
''Nasa veranda lang ako. Doon natin i-discuss ang mga dapat gawin dito.''
Tumango uli siya. Sanay na sanay itong mag utos. And I'm one of his servants right now, mapait na sabi niya sa isip. kailangan niyang sumunod sa gusto nito kahit gusto sana niyang mag pahinga sandakti. Kumakalam na rin ang sikmura niya. Tuna sandwich lang ang kinain niya sa almusal.
Mabuti na lang at accomodating si Mang Julio. Binigyan siya nito ng fresh mango juice at sandwich at sinabing magpahinga muna siya. She couldn't help but like him more. Pinigilan na lamang niya ang sariling magkomento tungkol sa dominanteng amo nito.
''Matagal na po ba kayo rito, Mang Julio?'' tanong niya.
''Ay, oho. Parang bahay ko na rin ito. Kaya nga nalungkot ako nang ibig ni sir Miguel na baguhin ang villa at gawing resort.''
Tumango-tango na lamang siya kahit naisip pa sana niyang mag-usisa. Naroon siya para magtrabaho at hindi para uriratin ang buhay ni Miguel. Pagkatapos kumain ay sinamahan na siya ni Mang Julio na maglibot-libot. Kinunan niya ng video at litrato ang mga parte ng villa gamit ang kanyang digicam. Gagamitin ang mga iyon sa pagbuo ng plano.
Malaki ang property na iyon. Kung iko-convert iyon bilang resort ay mas malaki pa iyon kaysa sa mga pangkaraniwang resort na napuntahan niya. Bumaba siya sa dalampasigan na dalawang minuto lang ang lalakarin mula sa villa. It was like a small cove. May kalapit na high-class private resort iyon. In a matter of months ay magkakaroon na iyon ng kakompetensiya.
Pagkalipas ng isang oras ay bumalik siya sa villa. Her mind was full of ideas. On a professional level, gusto niyang i-discuss ang mga iyon kay Miguel. Pero hindi niya ito nakita sa veranda.
She walked and found herself looking at the beach. Hindi niya nadaanan knina ang balkon na iyon. Lumapit siya sa railing at tinanaw ang buong paligid. She took some shots. Sandaling nakalimutan niya ang mga alalahanin niya habang pinagsasawa ang mga mata sa magandang tanawin. Sana ay kasama niya si Paulo nang mga sandaling iyon. Dinukot niya ang cellphone sa kanyang bulsa at dinayal ang number nito. Hindi niya ito makontak. Naisip niyang tawagan ang kapatid nito na si Peachy. She was glad to hear her voice. Close naman sila nito kaya baka matulungan siya nitong makausap ang kapatid nito.
''Kumusta na ang kuya mo? Nagpalit ba siya ng number? Hind ko kasi siya matawagan. Hindi niya sinasagot ang mga texts ko.''
''I'm sorry, April, pero sinabihan kasi niya ako na huwag nang makipag usap sa'yo.''
Nalungkot siya sa sinabi nito.
''Gano'n ba?'' nag-init ang mga mata niya.
''Can you do me a favor? pakisabi naman sa kanyang huwag niya akong iwasan. Sana rin ay makipag kita siya sa 'kin.''
''Okay, I'll tell him.''
''Thanks.'' tuluyan nang tumulo ang kanyang mga luha. Pakiramdam niya ay lalong nanariwa ang sugat niya.
''Hindi mo parin ba natatanggap na ayaw na niya sa'yo?''
Napalingon siya kay Miguel. He was sitting like a king on one of the loungers. Hindi manlang niya naramdaman ang presensiya nito. Mukhang narinig nito ang pakikipag usap niya sa cellphone.
''He already broke up with you. Bakit mo pa hahabulin ang taong ayaw na sa'yo?''
kaswal na sabi nito.''Sobra-sobra na 'yong ginawa niya sa 'yo sa restaurant kaya bakit hahayaan mong madagdagan pa ang sakit ng kalooban mo?''
''Natatandaan mo 'yon?'' mahinang sabi niya.
''Of course. I do. Hindi mo ba natatandaang ako ang lalaking nakasagutan mo sa men's room?'' wika nitong tumaas ang mga kilay.
Tumingin siya sa ibang direksiyon at saka pumikit nang mariin.
''Tama bang lalo mong pababain ang sarili mo sa pag habul-habol sa kanya?'' dagdag na sabi nito.
Ibinalik niya ang tingin dito. ''Tama rin bang makinig ka sa usapan ng may usapan?'' paasik na sabi niya.
Hindi manlang ito natigatig sa boses niya.
''You cannot blame me. Dito ko gustong magpahinga at ikaw itong malakas kung magsalita kaya narinig ko ang mga sinabi mo.''
Pinahid niya ang kanyang mga luha. ''Just keep your thoughts to yourself then. This is none of your business,'' mariing sagot niya.
''You're right,'' sabi nito.
''Wala akong pakialam sa personal na damdamin mo. But I'm a businessman, and i care for fine works. Inaasahan kong kaya mong ihiwalay ang trabaho sa mga personal problems mo.''Nagtagis ang mga bagang niya. ''Don't worry Mr. Villuna. I will do my job. Hindi ka madidisappoint.''
Hiling niya na matapos na ang araw na iyon para makalayo na siya rito. Nag set uli sila ng another meeting para ipakita ang gagawin nilang proposed design plan ng resort.
😌😌😌
BINABASA MO ANG
THE ARROGANT
Teen FictionArogante at dominante ang unang impresyon ni April kay Miguel ang labis pa niyang ikinainis dito ay parang sinisikap talaga nitong saksihan ang mga weak moments niya. She was recovering from a heartbreak and the least she needed was a man who keeps...