April
Nang mga sumunod na araw ay inabala ni April ang sarili sa paggawa ng ipo-propose nilang design plan kay Miguel. Paminsan minsan ay sumisingit parin sa isip ni si Paulo pero agad din niya ipinu-focus ang atensiyon sa trabaho.
Isang hapon ay nagpasya siyang puntahan si Paulo sa opisina nito. Pinigilan siya ni Elly pero hindi siya nag papigil. Dahil restricted ang building ng opisina nina Paulo kaya sa lobby lang siya naghintay pagkatapos niyang sabihin sa receptionist kung ano ang pakay niya.
Umasa siyang makakausap na niya si Paulo pero hindi ito bumaba sa lobby.
''Pakisabi naman importante lang,'' aniya sa receptionist.
''Wala na po akong magagawa Miss. Mukhang ayaw ka niyang babain.'' walang kiming sabi nito,
Nakagat niya ang ibabang labi.
''Tama bang lalo mong pababain ang sarili mo sa paghabul-habol sa kanya?''Naalala niya ang sinabing iyon ni Miguel.
Give up now April, udyok ng maliit na boses sa kanyang isip. Kahit hintayin mo siya hanggang umaga, hindi ka niya haharapin.Kusang humakbang ang mga paa niya. Kanina pa madilim ang kalangitan at eksaktong paglabas niya ay bumuhos ang ulan. Malayu-layo ang napagparadahan niya kaya basang-basa siya nang makasakay siya sa kotse.
😌😌😌
BINABASA MO ANG
THE ARROGANT
Teen FictionArogante at dominante ang unang impresyon ni April kay Miguel ang labis pa niyang ikinainis dito ay parang sinisikap talaga nitong saksihan ang mga weak moments niya. She was recovering from a heartbreak and the least she needed was a man who keeps...