MiguelSinundan ng tingin ni Miguel si April. Kanina pa niya nahahalatang iniiwasan siya nito. Hindi siya nagtataka kung bakit ganoon ito sa kanya pero hindi rin niya maikakailang hindi siya sanay na binabalewala. Sanay siyang laging binibigyan ng atensyon, lalo na ng mga kababaihan. Si April ang unang babaeng umiwas sa kanya na parang may nakakahawa siyang sakit. He never apologized to her. It was something he was not used to. Pero patuloy siyang ginugulo ng kanyang konsiyensiya.
Bumuntong hininga siya, saka ito sinundan. Nakita niya ito kasama ang mga kaopisina nitong inimbita rin niya para sa okasyon. Hindi siya nagdalawang isip na lapitan ito para sa ikatatahimik ng kanyang isip.
''I want to invite you for a dinner tomorrow night,'' wika niya. Nagtaka pa siya dahil hindi naman iyon ang balak niyang sabihin dito.
Napamaang ito sa kanya. Halata sa mukha nito at ng mga kausap nito ang labis na pagtataka. Hindi niya mababawi ang sinabi niya kaya hinintay na lamang niya ang sagot nito.
''I'll take your silence as a 'yes','' kapag kuwan ay sabi niya nang hindi parin ito umimik.
''I'll see you at Italianni's in Greenbel, eight o'clock pm.''
Tinanguan at nginitian niya ang mga kasama nito saka siya tumalikod. Hindi siya sigurado kung tama ba ang ginawa niya.
❤❤❤❤
BINABASA MO ANG
THE ARROGANT
Dla nastolatkówArogante at dominante ang unang impresyon ni April kay Miguel ang labis pa niyang ikinainis dito ay parang sinisikap talaga nitong saksihan ang mga weak moments niya. She was recovering from a heartbreak and the least she needed was a man who keeps...