Part 35

2.5K 50 0
                                    





Naging palaisipan kay April ang buhay ni Miguel. Naalala niya ang mga paintings na ipinatapon nito. May kinalaman kaya ang mga iyon sa buhay nito. Kaya nagalit ito noon? Nag-alala tuloy siya kung ano ang magiging reaksiyon nito kapag nalaman nitong hindi niya tuluyang ipinatapon ang mga paintings. Nanghinayang kasi siya kaya iniuwi niya ang mga iyon at isinabit sa dingding sa sala. Kungsabagay, malabo namang makita nito ang mga iyon dahil hindi naman ito kailanman makakarating sa bahay niya kaya agad ding napalis ang pangamba niya.


Her curiosity was killing her. Buo na ang pasya niya na tanungin si Mang Julio sa susunod na pumunta sila sa site. Matagal na itong katiwala sa villa kaya malamang ay marami itong alam tungkol sa pamilya Villuna.

Ano naman sa'yo kung may malaman ka? Tanong na maliit na tinig sa kanyang isip. Wala. Curious lng ako, sagot naman ng kabila. Pero pag balik nila sa site ay nadismaya siya dahil hindi siya nagkaroon ng pagkakataong magtanong. Masyado silang abala---lalo na at kasama ni Miguel ang ilang mga executives ng kompanya nito---kaya wala siyang oras na masolo si Mang Julio. Nawaglit na sa isip niya ang bagay na iyon







Ilang araw na ang lumipas mula nang huling makita ni April si Miguel. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla nalang niya itong naiisip.

Natigil siya sa ginagawa at dinampot ang kanyang cell phone. Idinayal niya ang numero nito para kumustahin ito. Pero nang mag-ring sa kabilang linya ay bigla siyang natauhan. Dali-daling pinindot niya ang End call button.

That was really stupid. Hindi por que naimbitahan ito minsan ng daddy niya sa kanilang bahay ay may karapatan na siyang tawagan ito kahit anong oras niya gustuhin. Natampal niya ang kanyang noo. Tiyak na rumehistro sa cell phone  nito ang tawag niya. Mayamaya ay nag ring ang kanyang cell phone. Nakagat niya ang ibabang labi nang makitang tumatawag  si Miguel. Inalis niya ang bara sa kanyang lalamunan bago sinagot ang tawag nito.

"April?" A husky voice greeted her.

"Oh, I'm sorry. I-I accidentally dialed your number," defensive na sabi niya para pagtakpan ang kanyang sarili. And then it occurred to her he called her by her first name.

Hindi ito nagsalita.

"Miguel?" Aniya upang tiyakin kung nasa linya pa rin ito.

"Will you do me a favor?" There was something in his voice that she couldn't fathom. "Can you come her, please?"

Sa halip na tanungin ito kung bakit ay iba ang lumabas mula sa bibig niya.

"Nasaan ka ba?"

Sinabi nito ang lugar na kinaroroonan nito. She felt something was not right kaya mabilis sitang umalis. Hindi nalang muna niya inisip kung bakit ganoon nalang ang pag aalala niya at kung tamang makaramdam siya ng ganoon.

Pagkalipas ng ilang minuto ay nakarating na siya sa gusaling kinaroroonan ng opisina nito. Gaya ng sinabi nito natagpuan nga niya ito sa kotse nito sa basement parking. Bahagyang nakababa ang bintana sa driver's seat kaya nakita niyang nakasubsob ito sa manibela.

Bumaba siya ng kanyang kotse at kinatok ang bintana sa tabi nito. Nag-angat ito ng ulo. Namumula ang mukha nito kaya nahinuha niyang totoong may sakit ito. Hindi siya makapaniwalang tinatablan din pala ito ng sakit. He seemed so weak at the moment. Hindi nga raw nito kayang mag-drive pauwi. Naipag pasalamat tuloy niya na tinawagan niya ito dahil kailangan pala nito ng tulong.

"I'm sorry if i disturbed you," mahinang sabi nito.

"It's nothing." Sinalat niya ang noo nito. Inaapoy ito ng lagnat at noon lang niya napansing nanginginig ito.

Hinubad niya ang suot na blazer at ipinatong sa coat na suot nito.

"Bakit hindi ka uminom ng gamot? Hindi ba alam sa opisina n'yo na may sakit ka?" Nag aalalang sabi niya. "Dadalhin kita sa hospital."

Umiling ito. "I just want to go home," nakapikit na sabi nito.

Minabuti niyang iwan na lamang doon ang kotse niya. Inilipat niya ito sa passenger seat.

"Okay. Saan ang bahay mo?" Tanong niya. Hindi ito sumagot kaya tiningnan niya ito.

Nakapikit ito at mukhang nakatulog na.

"Miguel?" Tawag pa niya.

Hindi pa rin ito sumagot. Umiling-iling siya.

"Paano na ngayon ito? Hindi ko alam kung saan ka nakatira. Hindi naman puwedeng  dito lang tayo sa loob ng sasakyan," pagkausap niya rito.

Bumuntong hininga siya at ipinagpatuloy na lang ang pagmamaneho. Tinahak niya ang daan pauwi sa kanyang bahay.




CONTINUE....

THE ARROGANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon