April
Mag hapong matamlay si April. Dumating ang isa sa mga arkitekto nila na si Ronan. Madalas sila nitong mag kasama sa mga project. Kinulit siya nito pero hindi ito umubra. Nang mag uwian ay sumabay ito sa kanila Elly sa pag labas.
"You know what? Iinom nalang natin 'yan," suhestiyon nito habang papunta sila sa car park.
"minsan lang naman 'to kaya sumama ka na sa amin."
"no," mabilis na sabi ni Elly. Tiningnan pa nito nang makahulugan si Ronan. Nag isip siya. Tutal, wala rin naman siyang gagawin sa condominium unit niya kundi mag mukmok, mabuti nang kahit sandali ay makalimutan niya ang kanyang problema. Napapayag siya ni Ronan. Wala nang nagawa si Elly. Nag tungo sila sa isang bar sa Makati. Hindi siya umiinom kaya nalasing siya. Hindi rin siya napigilan ng mga kasama.
"Sinabi na kasing wag mong yayain si April. Look at her," naninising sabi ni Elly kay Ronan. Nag kamot si Ronan sa ulo.
"Sshh...Elly. Quiet. 'wag mong paghalitan shi Ronan. Nagmamalashakit lang sha," wika niya. Inaalalayan siya na mga ito dahil hindi siya makatayo nang diretso. "Bumhalik pa tayo. Gushto koh pang kumantah." She laughed helplessly.
"Lasing ka na. Let's go home," matigas na sabi ni Elly.
"Noo-" Hindi na niya kaya ang sariling timbang kaya muntik na siyang matumba. Mabuti na lang at nasalo siya ng mga ito. "Lesh go back! Gushto kong makalimot." Before she knew it, she was already crying. "Bakit bah iniiwan nila koh,hah? ahno ba'ng mali shakin?"
"Nothing is wrong with you. Ihahatid ka na namin," sabi ni Elly.
BINABASA MO ANG
THE ARROGANT
Ficção AdolescenteArogante at dominante ang unang impresyon ni April kay Miguel ang labis pa niyang ikinainis dito ay parang sinisikap talaga nitong saksihan ang mga weak moments niya. She was recovering from a heartbreak and the least she needed was a man who keeps...