Part 22

2.5K 67 0
                                    


Nagmamaneho si April papunta sa opisina ni Miguel nang makatanggap siya ng tawag mula kay Betchy. Tumawag daw si Rod at sinabing wala sa opisina ang amo nito. Ipinasasabi rin daw sa kanya na sumunod nalang siya kay Miguel.

''Talaga naman,'' nainis na sabi niya.

Nagmaniobra siya pabalik. Tumuloy siya sa Shangri-la Hotel. Naroon daw si Miguel sa isang restaurant doon. She found him sitting on one of the red comfortable couches. Nilapitan niya ito.

''Good afternoon,'' kaswal na bati niya rito. Mula sa laptop nito ay nagtaas ito ng mukha at nginitian siya.

''Good to see you're well now. Please have a seat.''

She immediately got down to business.

''Nagawa ko na ang mga modifications na gusto mo sa plano.''

He studied the plans she presented. Siya ang mas matagal na nagsalita sa buong meeting. Marami itong itinanong at nagawa niyang sagutin ang lahat ng iyon. Based on his reaction, he seemed satisfied. Pananatilihin nila ang Spanish style ng villa. Isinunod din nila sa style niyon ang gagawing resort. Seventy percent ang kailangang i-improve sa villa. Mostly ay sa interior part dahil gusto ni Miguel  na ang main house ay gawin lamang reception hall, recreation area, at dining place. Ang mga cottage ay itatayo nila sa magkabilang gilid ng main house. Sa gitna niyon ay ang malaking swimming pool na konektado sa gagawing swimming pool sa ibabang bahagi ng villa.

''I 'd like to have a scale model of the villa. Do you think you can send it to us within the week?''

''We will try our best,'' sago. niya.

Pinag aralan uli nito ang plano.

''Wala na akong ibang gustong ipabago. I-schedule nalang natin kung kailan ang groundbreaking,'' kapag kuwan ay sabi nito.

Pero wala na sa sinasabi nito ang isip niya kundi sa isang babae at isang lalaking natanaw niya mula sa glass window ng restaurant. Kumuyom ang isang kamay niya.

''Is something wrong?'' Napapitlag siya pagkarinig sa boses ni Miguel. Tumingin siya rito at saka umiling.

Lumingon naman ito sa bintana bago ibinalik ang tingin sa kanya.

''Excuse me,'' she said in an edgy voice. Tatayo na sana siya nang pigilan nito.

''No, you sit back.'' His voice was firm and demanding.

''Ano'ng gagawin mo? lalabas ka at hahabulin mo siya? You will confront him? what's next? iyong babae ang babalingan mo? that's really a bad move.''

Napamaang siya rito. Kung ganoon ay nahuhulaan na nito na si Paulo ang nakita niya. Pero bakit tila sinesermunan siya nito at sa dinami-dami naman ng lugar at araw ay bakit nakita niya si Paulo kung kailan kasama niya si Miguel?

Tumingin uli siya sa labas ng restaurant. Paulo and the woman were still there. Mukhang nag-uusap pa ang mga ito kung papasok o hindi.

''If you really love that man, you will set him free. Pero sa nakikita ko sa iyo ngayon, mukhang nahihirapan kang gawin iyon. That's very selfish, you know. Kung ganyan ka magmahal, hindi na ako magtataka kung bakit iniwan ka niya.''

Nagulat siya sa mga sinabi nito.

''How dare you lecture me about love?'' wika niya. Naramdaman niyang nag-init ang mga pisngi niya.

''I love him and I want to give him everything. Gusto ko na lagi siyang masaya. Hindi ako nag hihintay ng anumang kapalit. I don't eve expect to be treated the same way. Gano'n ko siya kamahal kaya huwag mong sabihing selfish ako.''

She couldn't control her tears. Kay Miguel niya naibaling ang sakit na nararamdaman niya. Nanatili lang itong nakatitig sa kanya.

''Nag mahal ka na ba? alam mo ba kung gaano kasakit masaktan? Do you know how i feel right now? Pagkatapos ko siyang mahalin, he ditched me. Is it a crime to ask him what I've done wrong? masama bang umasa na babalikan niya ako?''

''What if he doesn't want you anymore? ano'ng gagawin mo? magmumukmok ka at magpapakalunod sa alak?''

He seemed angrier by the minute. Kung para sa kanya ay galit na iyon ay hindi niya alam.

''Tumigil ka na, please,'' mahinang sabi niya.

''Pababayaan mo ang sarili mo? Hindi mo iniisip na nasasaktan ang ibang taong nagmamahal sa'yo dahil sila naman ang binabale-wala mo. How do you call that? Isn't that selfishness?''

''I said, tumigil ka na!'' hindi na niya na kontrol ang kanyang emosyon.

''Sino ka para husgahan ako? you've only known me for a short time kaya hindi mo pa ako kilala.''

Miguel flinched. Animo natauhan ito sa hindi nakontrol na emosyon. But he didn't apologize. He just stared at her, as if seeing her for the first time.

Pinahid niya ang kanyang mga luhat at nagmamadaling inayos niya ang kanyang mga gamit. Hindi na niya matitiis na manatili pa roon kahit isang saglit.

''If you don't have any questions, I will leave now,'' malamig na sabi niya. Nang hindi ito umimik ay tinalikuran niya ito at mabilis na lumabas ng restaurant.

Hindi niya alam kung ano ang higit na nagpabigat ng loob niya: ang makita si Paulo na may kasamang ibang babae, o ang nangyaring sagutan sa pagitan nila ni Miguel.

Luminga linga siya. 'andito pa kaya sila? bigla ring umalingawngaw sa isip niya ang sinab ni Miguel. Hindi siya sang ayon sa sinabi nitong sinasaktan niya ang mga mahal niya sa buhay. Hindi nga ba? Naalala niya kung paano nalungkot si Mica nang palabasin niya ito noon sa kanyang silid.
Dali-daling umalis siya ng lugar na iyon.

Kinagabihan ay hindi agad siya nakatulog sa pag iisip. Masama parin ang loob niya kay Miguel dahil sa pakikialam nito. Pero hindi niya maitatatwang may katotohanan din ang ilang mga sinabi nito. Ayaw man niyang aminin ay nasapol siya ng mga salita nito. Hanggang kailang nga ba siya iiyak dahil kay Paulo? Hindi ba't bago pa niya nakita ito ay nangako na siya sa sariling kalilimutan na ito?

Ilang sandali pa siyang nag-isip bago nagpasya. Dapat na talaga niyang turuan ang kanyang puso na kalimutan si Paulo. She also promised she would make up with her family and friends. Si Paulo ang naging sentro ng kanyang buhay kaya pansamantala niyang nakalimutan ang mga taong nakapaligid sa kanya.



❤❤❤❤

THE ARROGANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon