Part 6

3.5K 83 0
                                    

April

Walang imik si April habang papunta sila ni Elly sa kanilang opisina.
Siniko siya nito nang mahina. Hoy! Okay ka lang ba?.
Mukha ba akong okay? papilosopong sabi niya. Binuksan niya ang pinto ng opisina. Naroon na ang ibang mga kasamahan nila. Nag batian ng  good morning ang mga ito.
Dumiretso siya sa workstation niya. Hindi nalingid sa kanya ang pag lilingunan ng mga katrabaho niya at ang pag senyas ng mga ito kay Elly. Waring nag tanong ang mga ito pero hindi sumagot ang huli. Sa halip ay tumango lamang si Elly, pinag dikit ang dalawang hintuturo, saka muling pinag layo bago siya inginuso.
Pwede ba, 'wag n'yo akong pag tsismisan, sabi niya.
Maliit lang ang opisina nila at iilan lamang silang nag tatrabaho roon kaya mag kakakilala na silang lahat. Halos alam na nila ang istorya ng bawat isa.
Coffee, my dear. Naka ngiting inilapag ng sekretarya nilang si Betchay sa harap niya ang isang tasa ng umuusok na kape. Inumin mo 'yan habang mainit pa. Saka wala nang araw dito sa loob kaya hubarin mo na 'yang sunglasses mo.
Hinawakan niya ang rim ng salamin niya hindi para tanggalin iyon kundi para pigilan itong hubarin iyon sa kanya.
Fine. Wika nitong tinalikuran na siya.
Ayaw niyang makita ng mga katrabaho niya ang pamumugto ng kanyang mga mata dahil sa mag damag na pag iyak. Kung hindi lang niya mahal ang kanyang trabaho ay hindi siya papasok. Pero kailanman ay hindi niya idinamay ang trabaho sa mga personal na problema niya kaya kahit walang tulog ay pumasok siya.Lulunurin na lang niya ang sarili sa trabaho para maka limutan ang sakit na nararamdaman niya.
Binuksan niya ang kanyang computer at nag simulang mag trabaho. Mayamaya lang ay napadako ang mga mata niya sa mga litratong naka dikit sa cubicle niya. Marami siyang dekorasyon doon at ang pinaka tampok ay ang malaking heart design na may larawan nila ni Paulo. Ang sweet sweet pa nila sa larawang iyon.

Nakagat niya ang ibabang labi at pinigil ang sariling umiyak. Bakit ba ang malas niya sa pag ibig? Lagi na lang siyang nasasawi. Ano ba ang problema sa kanya? Marami naman ang nag sasabing nasa kanya ang mga katangiang hinahanap  ng isang lalaki. Maganda, matalino, mabait, mapag bigay, at mapag mahal daw siya. Pero bakit sa huli ay lagi siyang sinasaktan ng mga lalaking minamahal niya?

Si Paulo ang pinaka matagal na naka relasyon niya kaya naisip  niyang ito ang lalaking inilaan para sa kanya. Ang buong akala niya ay wala silang problema dahil bihira silang mag katampuhan nito. Pero nag kamali siya. Sa huli ay iniwan din siya nito. Sa lahat ng mga lalaking nang iwan sa kanya ay dito siya pinaka nasaktan.

Tatanggalin na sana niya ang mga litrato nila pero hindi niya itinuloy. Umaasa pa rin siya. Baka kailangan lang nito ng space at maisip din nitong balikan siya. Ipinag patuloy na lang niya ang tahimik na pag tatrabaho. Naulinagan pa niya ang mahinang pag uusap ng mga katrabaho niya.

kailan pa? tanong ni Agnes kay Elly.
Kagabi lang, sagot ng bestfriend niya.
Sa sulok ng kanyang mga ay nakita niyang tiningnan siya ni Agnes at saka ito umiling. Hay, paano ba 'to? Paano ko sasabihin sa kanya na makakasama niya si Ronan sa pag handle sa bagong project natin sa Villuna? tapos na ang negosasyon doon nila Arthur.
Si Arthur ang tumatayong negosyador ng architectural firm nila. Maliit man ang kanilang firm ay malalaking projects naman ang hinahawakan nila kaya sa tatlong taong pag ooperate niyon ay masasabing established na iyon. Magaling ang mga arkitekto at mga taong bumubuo sa JPM. Marami rin silang business partners sa linya ng construction.
Tignan mo nga, nag mumukmok na naman, sabi ni Agnes.
Ayoko na lang mag salita, wika ni Elly. Hindi pa rin ako makapaniwala sa kinahihinatnan sa relasyon nila ni Paulo dahil mas matino naman ang lalaking iyon kompara sa mga lalaking nag daan sa buhay niya. Matindi kasing mag mahal si April, hindi mag hinay hinay. Pero tanga rin ang mga lalaking nanakit sa kanya. Bukod sa matalino ay magaling siyang arkitekto. Alam nating lahat 'yon dahil isa siya sa bumuo ng JPM. "M" for Magbanua. April Magbanua. Galing din naman siya sa matinong pamilya. Mabait, sobrang maalalahanin, at higit sa lahat maganda. Ano pa'ng hihilingin ng mga lalaki sa kanya?
Tumunog ang telepono sa mesa ni Betchay. Sinagot nito iyon. Okay, Arthur. Sasabihin ko. Pagkababa nito sa awditibo ay nilingon nito si Agnes. May meeting bukas nang alas diyes ng umaga with the president of Villuna Group of Companies. Pag tapos ay tiningnan nito si Elly. Alam na ba niya?
I'll tell her, sabi nito.

THE ARROGANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon