Part 36

2.3K 56 0
                                    


Nahirapan si April na akayin si Miguel papasok sa condominium unit niya dahil mabigat ito at half-conscious. Pagpasok sa sala ay maingat na inihiga niya ito sa sofa. Iniangat niya ang ulo nito at ipinatong iyon sa throw pillow. Iniwan niya ito sandali para kumuha ng comforter sa kuwarto. Pagbalik niya ay ikinumot  niya iyon dito.

"Where am I?" Tanong nito. Bahagya pa ring nanginginig.

"Sa bahay ko," sagot niya.

"Sino'ng--"

"Sshh, huwag ka nang magsalita. Iiwan muna kita rito. Igagawa kita ng soup. Kailangan mong kumain at uminom ng gamot."

Umungol lamang ito.

Nagtungo siya sa kusina at ipinaghanda ito ng soup. Pagka luto niyon ay nagsalin siya sa bowl. Inilagay niya iyon sa isang tray kasama ng isang basong tubig bago siya bumalik sa sala.

Pinakain niya si Miguel at saka pinainom ng gamot. Pagkalipas ng ilang sandali ay nakatulog na ito. Pinagmasdan niya ito habang mahimbing na natutulog. Bahagya nang bumaba ang temperatura nito at huminto na rin ang panginginig nito.

Nakahinga siya nang maluwag. Bahagya siyang napangiti dahil parang bata ito kung matulog. Pero kahit may sakit ay malakas ang karisma nito. Nahuhulog na nga ba ang loob niya rito? Sasaktan lng uli niya ang kanyang sarili kapag hinayaan niyang mangyari iyon.

Pero mas masasaktan yata siya kapag hindi siya napansin nito. Paano niya pipigilan ang emosyong unti-unting nabubuhay sa puso niya para dito?






Miguel

Mabigat ang ulo ni Miguel pero mabuti-buti na ang pakiramdam niya. He suddenly became aware of unfamiliar surrounding. Pagbaling niya ay nakita niya si April na natutulog sa pang isahang sofa. Nakabukas ang lamp shade kaya nagawa niya itong pagmasdan. Hindi niya maipaliwanag ang damdaming pumuno sa dibdib niya sa kaalamang inalagaan siya nito. Wala pang nakagawa uli nang ganoon sa kanya.

Nang nagdaang araw, umaga pa lamang ay hindi na maganda ang kanyang pakiramdam. Pero sinikap pa rin niyang pumasok sa opisina. Marami siyang kailangang gawin kaya ipinagwalang bahala niya ang masamang nararamdaman. Ang akala niya ay mawawala rin iyon. Pero kinagabihan ay lalong tumaas ang lagnat niya. He thought he could drive himself home but he was too weak ang his head was throbbing. So, he decided to stay for a bit. Noon niya na realize na wala siyang matatawagan na iba para mahingan ng tulong. Nag out of town si Rod.

Nang mag ring ang kanyang cell phone at makitang tumatawag si April ay hindi na siya nagdalawang isip na tawagan ito.

Hinaplos niya ang isang pisngi nito. Here ex-boyfriend must be insane to let go of a woman like her.

Pinagsawa niya ang kanyang mga mata sa pagtitig sa mukha nito. Nais sana niyang kargahin ito at dalhin sa kuwarto nito pero nanghihina pa siya. Gusto rin sana niyang gisingin ito at palipatin para maging mas komportable ang pag tulog nito pero nag dalawang isip siya. Sa halip ay ikinumot na lamang niya rito ang comforter niya.

He smiled when he heard her snore a little. Inilibot niya ang atensyon niya ng mga paintings na nakasabit sa dingding sa likuran nito.




CONTINUE...

THE ARROGANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon